GORGY RULA:
Walang timeslot na maibibigay ang GMA-7 para kay Willie Revillame, kung totoo mang gusto nitong bumalik sa Kapuso network.
Read: Willie Revillame may pahiwatig ng pagbabalik niya sa telebisyon
Ito ang nilinaw sa amin ng Senior Vice President ng GMA-7 at President ng GMA Pictures na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Napapabalitang may pag-uusap na kay Willie at mga taga-PTV 4 at IBC13, pero may mga tsismis pa ring posibleng bumalik si Willie sa GMA-7.
Read: Willie Revillame, may "exploratory talks" sa IBC13 at PTV-4
“Kasi, as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi, di ba dati, nandun siya sa slot before 24 Oras?
"E, magbabalik na yung Family Feud. Binili na namin kasi ulit yung franchise.
“So, as of now, wala talaga kaming available timeslot," pahayag ni Ma'am Annette nang naka-lunch namin nung nakaraang Miyerkules, August 16.
Dito na rin ikinuwento ni Ma'am Annette sa amin na malapit nang magbalik ang Family Feud ni Dingdong Dantes.
Nagkaroon lang ng season break ng ilang buwan ang game show dahil tinatapos pa ng GMA Primetime King ang Royal Blood, at meron pa siyang The Voice Generations na magsisimula na sa August 27.
Read: Dingdong Dantes, abala sa taping ng Royal Blood habang season break ng Family Feud
Pero marami pa raw aabangan na mga bagong programa dahil papalitan ang ilang programang matatapos na.
Bandang end of September ay matatapos na ang Voltes V: Legacy at papalitan ito ng Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco.
Ayon sa iba pang nasagap ng PEP Troika, natutuwa ang production staff sa tambalang BarDa dahil talagang all-out ang suporta ni Barbie kay David.
Si David naman ay sinisikap makasabay siya sa galing ni Barbie kaya nagpapa-acting workshop daw siya nang solo.
Pero pagdating sa action ay magaling daw pala itong tsinitong Kapuso actor. Kaya excited sila sa kanilang version na Maging Sino Ka Man.
JERRY OLEA:
Ayon pa kay Ma'am Annette, masaya ang GMA-7 sa performance ng Eat Bulaga! ng TAPE, Inc.
"Okay naman yung performance nila. Lumalaban naman. Masaya naman yung show.
"So, yun nga yung sinasabi ko, wala naman talaga kaming kinalaman sa production. Pero siyempre, masaya kami kapag nagri-rate sila," pakli ni Atty. Annette.
Matagal pa raw matatapos ang kontrata nila kaya sa ngayon ay wala pa siyang sagot tungkol sa bali-balitang hindi na nila iri-renew ang kontrata sa TAPE.
"Yung contract nila is ending end of next year pa. Ang tagal pa ng panahon na yun. Madami pang puwedeng mangyari," sabi ni Ma'am Annette.
Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE, Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE
NOEL FERRER:
Naging active na rin muli ang GMA Pictures, sabi pa ni Ma'am Annette. Marami silang naka-lineup na pelikulang ginagawa at kinu-co-produce sa ibang film productions.
"Ang dami naming ginagawang movies actually. Yung movie ni Alden [Richards] and Julia Montes. Yung Five Break-Ups And a Romance.
"Excited kami dun, napanood na namin, napakaganda, napakahusay nilang dalawa.
"Meron din kaming joint venture with Viva, starring Ruru Madrid and Yassi Pressman. Video City, na set in the '90s era, ang cute din panoorin.
"Tapos meron pa kaming ginagawa na Firefly, na sana ay para sa Metro Manila Filmfest. It's a family-oriented movie na very heart-warming, may touch of fantasy.
"Gagawa rin kami ng isang horror movie with Barbie Forteza. Meron pa kaming isang pinaplano for Alden. Hindi pa lang namin ma-reveal kung sino yung leading lady, but it's also a big project.
"So, marami kaming ginagawa ngayon na movies. And hoprefully, sana ay tangkilikin na ulit ng mga manonood ang mga local movies natin."
