JERRY OLEA:
After four consecutive weeks na pamamayagpag, na-dethrone sa takilya ng North America ang Barbie. Nanguna sa box office ng U.S. at Canada nitong nakaraang weekend, Agosto 18-20, 2023, ang bagong bukas na Blue Beetle na humamig ng $25M.
Read: 'Barbie,' di pa rin natitinag sa No. 1; 'Badge of Honor,' nagbigay-pugay sa mga pulis
Pumangalawa ang Barbie with $21M, na sinundan ng Oppenheimer with $10.7M, Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem with $8.5M, at ng bagong bukas na Strays with $$8.2M.
Considering na $104M ang production budget ng superhero film na Blue Beetle, disappointing ang buena mano nito sa takilya. Bida rito ang Latino na si Xolo Maridueña, at ito ang 14th installment sa DC Extended Universe.
Napanood ko ang Blue Beetle noong Agosto 18, Biyernes ng hapon, sa Cinema 4 ng SM Mall of Asia.
Naaliw ako rito, lalo pa’t kasama ko ang mga kapamilya ko. Sampung tiket ang binili namin.
Binigyan kami ng takilyera ng Blue Beetle merch — dalawang T-shirt at isang bag.
Kasabay ng Blue Beetle na nag-open sa local cinemas noong Agosto 16 ang Third World Romance nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, Badge of Honor nina Jeric Raval at Rayver Cruz, The Moon, Hitch Hike, at Ghost Project.
Bukas, Agosto 23, Miyerkules, ay tila may fiesta ng mga bagong pelikula.
Opening na bukas ng Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem (na Agosto 2 ang original playdate), Wish You Were The One (na Agosto 30 ang unang naa-announce na showing), It Lives Inside, Devils, One and Only, at Retribution.
Tuloy na rin bukas ang showing sa Ayala Malls cinemas ng award-winning at critically-acclaimed films na Return to Seoul, Corsage, Close, at Aftersun.
Bahagi ito ng programa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) upang hikayatin ang Pinoy moviegoers na bumalik sa mga sinehan. Originally ay July 26 to 30 ang showing ng mga ito.
Maglalayag ang Cinemalaya 2023 filmfest entries ngayong Agosto 23, 24, 26, 27, 29, 30, at 31 sa Cinematheque Centre Manila, Cinematheque Centre Iloilo, Cinematheque Centre Negros, Cinematheque Centre Davao, at Cinematheque Centre Nabunturan.
Nakatakda namang mag-showing sa local cinemas sa Agosto 30 ang Monday First Screening nina Gina Alajar at Ricky Davao, Swing nina Jane Oineza at RK Bagatsing, All Fun and Games, Deliver Us, Gran Turismo, Honey Sweet, Past Lives, at Tauken Ranbu: The Movie 2.

Naka-line up sa September 6 playdate ang Kidnap for Romance nina Cristine Reyes at Empoy Marquez, Long Live Love!, at The Nun II.
Nasa September 13 playdate naman ang A Haunting in Venice.
Nakatakdang ipalabas sa September 20 ang Concrete Utopia, Expend4bles, at Rascal Does Not Dream of a Sister Venturing Out.
At sa Setyembre 27, expectorant tayo na magpapakitang-gilas ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
Para sa updates ng playdates ng mga pelikula, bisitahin ang Facebook page ng SM Cinema, Ayala Cinemas, at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), maging ang website ng Click The City.
WORLDWIDE, heto ang update sa “pinakamalalakas” na pelikula so far this year: The Super Mario Bros. Movie ($1.36B), Barbie ($1.28B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($845M), Oppenheimer ($719M), Fast X ($705M); Spider-Man: Across the Spider-Verse ($689M), The Little Mermaid ($568M), Mission Impossible: Dead Reckoning Part One ($541M), Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M), Elemental ($458M); Transformers: Rise of the Beasts ($439M), John Wick: Chapter 4 ($427M), Indiana Jones and the Dial of Destiny ($376M), Meg 2: The Trench ($318M), Creed III ($275M); The Flash ($269M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Insidious: The Red Door ($186M), Sound of Freedom ($178M), Scream VI ($169M).
Take note sa tagumpay ng Barbenheimer phenomenon. Nasa top 4 na ang Oppenheimer, at malamang na lampasan ng Barbie ang worldwide gross ng The Super Mario Bros. Movie.
NOEL FERRER:
Interesado akong panoorin ang WIsh You Were The One na pelikula nina JC Santos at Bela Padilla kapag palabas na ito.
Sana, marami nang manood ng mapanakit nilang pelikula na laging well written at well acted.
Read: Bela Padilla, sentimental na binalikan ang six-year friendship nila ni JC Santos

Tapos, ang inaasahang magiging major, major hit ay ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
It seems it’s being marketed as an event film: the Star Cinema anniversary movie. At gusto nating suportahan ito, if only to usher back more people to the cinemas.
Sana! Sana talaga!!!
GORGY RULA:
Nung nag-promote si Romnick Sarmenta sa radio program namin sa DZRH, talagang nakiusap siyang sana’y tangkilikin ang pelikula nilang Wish You Were The One.
Nakakapanghina nga namang ang local films nating nag-showing sa mga sinehan this, hindi pa talaga nakakabawi.
Kaya ang ibang independent producers ay talagang nanghinaan na sila ng loob. Pero tuloy pa rin sila sa paggawa ng pelikula.
Nagpapasalamat silang may streaming apps na bumibili ng pelikula nila. Kaya kahit hindi ito makabawi sa mga sinehan, malaking tulong iyung nabibili ito ng Netflix, Amazon Prime, HBO, at iba pang streaming service.
Nagpasalamat nga ang taga-NET25 na first time mag-produce ng pelikula. Ito yung Monday First Screening na magsu-showing na sa mga sinehan sa August 30.
Bago ito nai-book sa ilalim ng distribution ng Regal Films, nabili na ito ng isang streaming service para sa January 2024.
Read: Gina Alajar, sinabihan ng "Watch and learn" si Ricky Davao nang idirek niya ang aktor
