PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Star Center Artists Not Exclusive to NET25

Eric Quizon, aminadong walang karanasan sa paghawak ng talents.
by PEP Troika
Published Aug 23, 2023
eric quizon star center
Eric Quizon (with eyeglasses) on mentoring 30 artists under NET25's Star Center: "Wala naman akong background sa pag-aalaga ng mga artista, pero... well, it is more ako, I consider it more of mentoring more than anything else. It's more of, like, imparting your knowledge or what you've learned and maybe train all these kids to their potential. Challenging siya. Parang all of a sudden, bigla akong nagkaroon ng 30 anak, ‘no? Parang ganun yung nangyari."

GORGY RULA:

Puspusan ang training ng Star Center ng NET25 sa 30 kabataang talents ng kanilang talent management arm na Star Center.

Si Eric Quizon ang namamahala nito kung saan dumadaan sa iba't ibang workshops ang mga ima-manage nilang talents.

Read: Shira Tweg, newbie talents ng Net25 Star Center, malapit nang i-launch

"Kaya naitayo yung Star Center is because, apart from building homegrown talents, meron kasing mga shows na gagawin na youth-oriented. So, we were thinking na since mahirap manghiram ng mga artista, so it's better na merong sariling talents.

"Parang you went to school," pakli ni Direk Eric nang nakapanayam ng PEP Troika nung Lunes, August 21, 2023, sa celebrity premiere ng pelikulang Monday First Screening na iprinodyus ng NET25.

"Hindi lang acting workshop, lahat. Voice, dance, speech, personality, styling, make-up, lahat.

"So, para pag nasa ano na sila, pag nagtatrabaho na, well-equipped sila. Yun basically yung gusto naming ma-achieve," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

net 25 star center

Masusi raw nilang pinili ang mga kabataang kinuha nila dahil pursigido ang NET25 na tumuklas ng sarili nilang talents.

"Hindi naman namin sila kukunin kung walang potential, because they went to auditions. Saka hindi lang isang audition yun, callbacks, may proseso talaga. Hindi yung, 'Uy, okay ‘to! Tanggap na ‘to.’ No. May dinaanan talagang proseso," sabi pa ng actor-director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakontrata raw ang mga kabataang ito sa Star Center, pero hindi exclusive artists ng NET25 dahil okay lang sa kanilang tumanggap ng trabaho sa labas ng naturang network.

"We allow them to work outside, because we want them to grow. Kasi kung magbibigay kami ng exclusivity, tapos wala naman kaming maibibigay din.

"However, may plano naman talaga kami gumawa ng shows para sa mga bata. Pero ang ano ko talaga, it's better na they'll grow better kung lalabas sila," saad ni Direk Eric.

Read: Eric Quizon, kinuhang head para sa talent management arm ng NET25

NOEL FERRER:

Challenging din daw kay Direk Eric itong responsibilidad niya sa Star Center ng NET25 dahil wala siyang experience sa pag-handle ng mga talents, lalo na't mga bagong mukha.

"Wala naman akong background sa pag-aalaga ng mga artista, pero... well, it is more, ako, I consider it more of mentoring more than anything else.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It's more of, like, imparting your knowledge or what you've learned and maybe train all these kids to their potential.

"Challenging siya. Parang all of a sudden, bigla akong nagkaroon ng 30 anak, ‘no? Parang ganun yung nangyari.

“It is a challenge, yes, Pero, you know, seeing these kids grow and mature and become the best version of themselves, parang okay na ako dun. Masaya na ako dun," pahayag ni Direk Eric.

Sa September 15 daw matatapos ang training sa mga bata. Isasalang daw nila ang bagong talents na ito sa isang musical youth-oriented show na ididirek niya.

"Medyo challenging yung show. Parang mas natsa-challenge ako dun, kesa sa pag-aalaga sa mga bata," pakli ni Direk Eric.

JERRY OLEA:

Patuloy ang pamamayagpag ng GMA-7 sa TV ratings at commercial load. Hilahod sa paghabol dito ang TV5, lalo na ang NET25, ALLTV, at iba pang istasyon.

OK naman na mag-develop ng mga bagong talent ang NET25, pero sana’y palawigin din nila ang kanilang signal upang makaagapay kahit paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Quizon (with eyeglasses) on mentoring 30 artists under NET25's Star Center: "Wala naman akong background sa pag-aalaga ng mga artista, pero... well, it is more ako, I consider it more of mentoring more than anything else. It's more of, like, imparting your knowledge or what you've learned and maybe train all these kids to their potential. Challenging siya. Parang all of a sudden, bigla akong nagkaroon ng 30 anak, ‘no? Parang ganun yung nangyari."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results