PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batang Quiapo: High Ratings

'The Seed of Love,' papalitan na ng 'The Missing Husband.'
by PEP Troika
Published Aug 24, 2023
jillian herlene glaiza gma afternoon drama
KAPUSO AFTERNOON DRAMA QUEENS: (from left) Jillian Ward in 'Abot Kamay Na Pangarap,' Herlene Budol in 'Magandang Dilag,' and Glaiza de Castro in 'The Seed of Love.'
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA:

Hanggang sa Biyernes, August 25, 2023, na lang mapapanood ang afternoon drama series ng GMA-7 na The Seed of Love, at lalong tumitindi ang takbo ng kuwento.

Ang daming sumusubaybay nito kaya nagdu-double-digit ang ratings nito ngayong malapit nang matapos.

Pero sa totoo lang, impressive talaga ang ratings ng tatlong afternoon drama ng GMA-7. Lalo na yung Abot Kamay na Pangarap at Magandang Dilag, na talagang nagbabakbakan nang matindi kung alin ang nangunguna sa afternoon block ng Kapuso network.

Read: 'Magandang Dilag,' extended; 'Abot Kamay Na Pangarap,' hanggang January 2024 pa?

Noong nakaraang Lunes, August 21, naka-12.6% ang Abot Kamay Na Pangarap. Sumunod ang Magandang Dilag na ayaw magpaawat dahil naka-12.5% naman ito.

Kaya tinuluy-tuloy na rin ang panonood sa malapit nang matapos na The Seed of Love, na naka-10.8%.

Noong Martes, August 22, lalo pang tumaas ang tatlong afternoon drama ng GMA 7.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay naka-13%; ang Magandang Dilag ay 12.8%; at ang The Seed of Love ay 11%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Miyerkules, August 23, ay naka-12.8% ang Abot Kamay na Pangarap. Ang Magandang Dilag ay naka-12.6%, at ang The Seed of Love ay naka-10.4%.

Sa Biyernes na ang huling episode ng The Seed of Love nina Glaiza de Castro at Mike Tan. Inaasahang mas tataas pa ang rating nito dahil tumaas ang viewership nito.

Papalitan ito ng bagong afternoon drama nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi na The Missing Husband sa Lunes, August 28.

Aminado ang direktor ng The Missing Husband na si Mark Reyes na merong pressure sa kanila dahil talagang mataas ang rating ng papalitan nilang The Seed of Love.

"Of course, there's always pressure!" bulalas ni Direk Mark.

"You know, Afternoon Prime is doing so so well from Abot... all the way down to The Seed of Love. Siyempre, minu-monitor ko na yan.

“There is a lot of pressure and hopefully, we ano... we live up to the expectations and the quality of what is being shown right now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun nga, ano, we're very different from what has been shown in the past. Hopefully, we get accepted and they like us. And third slot is one of the more difficult slots to ano no, to have.

"Siyempre, yung trabaho naman namin ay palaban kami. Hopefully, we get accepted and we're likes by the Kapuso audience," sabi pa ni Direk Mark.

NOEL FERRER:

Tiyak na marami raw sa mga kababayan natin ang makaka-relate sa kuwento ng The Missing Husband, lalo na't ang dami nating nababalitaang kuwento ng mga nabibiktima sa investment scam.

"When you watch the series, you know, you will see that it represents a certain number of Filipinos, particularly yung mga OFWs na na-scam na pinaghirapan nila yung kinita nila sa ibang bansa, nalayo sa pamilya, tapos iyun pa ang nangyayari sa kanila. Maloloko sila ng kapwa Pillipino. So, it’s very masakit, no?” sabi ni Direk Mark.

"It's very relevant these days na hindi lang sa OFW, sa ibang tao dito sa bansa. Ang daming nanloloko, ang daming nangdedenggoy sa ibang tao na hindi nila naiisip, ang focus lang nila is yung kikitain nila. Kawawa naman yung taong yan, bahala siya. HIndi siya marunong e, kaya siya naloko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nila nakita yung other side na ang daming ibang naapektuhan. You know family goes against family. A husband fights his wife. It's really a complicated issue. This is one of the facets that this show aims to present.

"Siguro, warning na rin sa ibang mga tao na matuto na dapat na maging mas maingat dahil hindi lang ikaw ang maapektuhan kundi buong pamilya mo, asawa mo, anak mo, kaibigan mo. Lahat maapektuhan. Kaya dapat na mag-ingat ang lahat ng tao."

We shall support this teleserye at sana lumabas lahat ng emosyon na kukunek sa mga tao. Lahat-lahat, wala dapat missing.

JERRY OLEA:

Sa weekdays, namamayagpag na sa ratings ang FPJ’s Batang Quiapo. Kinakabog pa nito minsan ang 24 Oras.

Madalas na mas mataas pa ang ratings ng afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag kesa sa primetime shows na Voltes V: Legacy at Royal Blood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 21, Lunes, ay 13.6% ang FPJ’s Batang Quiapo, 12.6% ang Abot Kamay Na Pangarap, 12.5% ang Magandang Dilag, 12% ang Voltes V: Legacy, at 11.5% ang Royal Blood.

Noong Agosto 22, Martes, ay 14.2% ang FPJ’s Batang Quiapo, 13% ang Abot Kamay Na Pangarap, 12.8% ang Magandang Dilag, 11.9% ang Voltes V: Legacy, at 11.5% ang Royal Blood.

Kaya huwag na tayong magtaka kung ma-extend pa nang ma-extend ang Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag!

Sa Battle of Noontime Shows naman, wagi pa rin ang E.A.T. ng TVJ. Palit-palitan sa pangalawa at pangatlong puwesto ang Eat Bulaga! at It’s Showtime.

Read: Ratings war explained: how wre noontime shows faring amid new TV landscape?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KAPUSO AFTERNOON DRAMA QUEENS: (from left) Jillian Ward in 'Abot Kamay Na Pangarap,' Herlene Budol in 'Magandang Dilag,' and Glaiza de Castro in 'The Seed of Love.'
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results