PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño Sober in Mutya ng Cotabato

"He didn't drink. Puyat siya."
by PEP Troika
Published Aug 27, 2023
Albie Casiño performing
Nilinaw ng kampo ni Albie Casino na hindi lasing ang aktor nang kumanta ito sa isang beauty pageant sa Cotabato City, taliwas sa hinala ng netizens matapos mapanood ang video ng aktor.

GORGY RULA:

Nilinaw sa PEP Troika ng ilang kasamahan ni Albie Casiño na hindi siya lasing nang nagharana siya sa mga kandidata ng Mutya ng Cotabato 2023.

Read: Albie Casiño's performance at Mutya ng Cotabato 2023 goes viral

Kinulit uli namin ang manager ni Albie na si Leo Dominguez na nasa London pa para sa wedding nina Lovi Poe at Monty Blencowe.

Sabi ni Leo, nakausap niya si Albie at itinanggi nito ang sinasabi ng iba na nakainom siya bago mag-perform sa naturang beauty pageant.

Gusto lang daw ni Albie maging masaya ang nasa audience dahil nahilingan siyang kumanta uli para sa mga tao.

Nakapag-serenade na raw siya sa mga kandidata at additional song lang daw yun para makalapit sa mga manonood.

Text ni Leo Dominguez sa PEP Troika, “He [Albie] has ADHD kaya always hyper siya. He did only what was told of him to go to the crowd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He didn't drink. Puyat siya. His calltime sa airport was 2am, and flight was 5am.

"Upon arrival in Davao, they brought him straight for rehearsal. Wala pang tulog."

Kung sa Davao nga dumaan si Albie, ibig sabihin nagbiyahe pa siya by land patungong Cotabato.

"Halos dalawang oras din yun na biyahe, kaya nakakapagod din. Pero pinilit pa rin ni Albie na maging lively ang performance niya para sa mga tao.

Read: Luis Hontiveros, deadma sa mga batikos sa pagkanta niya ng "Jopay"

NOEL FERRER:

I suppose if there was no complaint lodged by those who hired Albie and contracted his services sa nasabing event sa Davao, e, wala namang problema. Nag-deliver naman si Albie sa expected sa kanya.

Iba ito sa kilala nating rumaket sa probinsiyang napuntahan din natin. Ang laki-laki raw ng ginastos ng LGU para sa talent fee nito na limitado na sa talent at hindi rin nila nasulit sa pagpi-PR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hindi na makakaulit pa ang starlet na ito.

JERRY OLEA:

Hindi naman singer si Albie, kaya OK lang siguro na ganun ang pagkanta niya, lalo pa’t mukhang kinilig pa rin ang marami sa kanya.

Kahit pagod at walang tulog si Albie, the show must go on.

Basta ako, bet ko pa ring kainterbyuhan si Albie. Hindi siya showbiz kausap, at ikinatutuwa ko iyon sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ng kampo ni Albie Casino na hindi lasing ang aktor nang kumanta ito sa isang beauty pageant sa Cotabato City, taliwas sa hinala ng netizens matapos mapanood ang video ng aktor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results