GORGY RULA:
Mabilis na kumalat ang balitang pumanaw na ang Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez kahapon, Martes, August 29, 2023.
Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71
May ilang nagpabida at kaagad ipinost sa kanilang social media account na pumanaw na si Sir Mike, kahit wala pang inilalabas na official statement mula sa pamilya.
Bago mag-Fast Talk With Boy Abunda ay pinag-usapan kung ibi-break na ni Boy Abunda ang malungkot na balita, pero hinihintay pa rin ang opisyal na pahayag mula sa pamilya.
Kaya inabangan ng karamihan kung ia-announce ito sa 24 Oras, na siya ngang nangyari.
Sina Mel Tiangco, Vicky Morales, at Emil Sumangil ang nagbalita ng pagpanaw ni Sir Mike.
Naging emotional si Mel nang kumpirmahin niya ang pagpanaw ng iginagalang na broadcaster.

Napaiyak na rin si Vicky sa kanilang extro spiel.

Bago sila nagpaalam sa ere ay nagbigay ang 24 Oras ng tribute para kay Sir Mike.
Maaaring inabangan ang kumpirmasyon ng 24 Oras sa pagpanaw ni Sir Mike, kaya nakakuha ito ng 14.6% rating.
Read: Mel Tiangco at Vicky Morales, di napigilan ang emosyon sa pagpanaw ni Mike Enriquez
NOEL FERRER:
Noong nakaraang weekend ay tinutukan din sa telebisyon ang 2023 FIBA World Cup, lalo na ang laban ng Gilas Pilipinas sa Angola.
Live itong napanood sa One Sports, pero hindi kami nakakuha ng rating nito.
Ipinalabas ito sa TV5 kung saan nakatapat nito ang pilot episode ng The Voice Generations hanggang sa The Boobay and Tekla Show ng GMA-7.
Nakakuha ng 0.8 percent rating ang 2023 FIBA World Cupsa TV5, na maaring nakaapekto rin sa pilot episode ng The Voice Generations na naka-11.1%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay naka-15.4 percent, at ang The Boobay and Tekla Show ay naka-4%.
JERRY OLEA:
Angat na angat pa rin ang GMA sa ratings. Iyong mga programa ng NET25 at ALLTV, bahagya nang pumasok sa ating diwa.
Narito ang ratings ng ilan pang programa nung Linggo, August 27…
All-Out Sundays, 4.8%; ASAP Natin ‘To, 3.1%
GMA Blockbusters, 4%; FPJ Da King, 4.9%
Regal Studio Presents, 4.6%; Resibo ay 6.2%
