PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jean Garcia on Jennica-Alwyn split

Jean Garcia, inaming nagtampo dati sa manugang niyang si Alwyn Uytingco
by PEP Troika
Published Sep 2, 2023
Jean Garcia for Queen White
Jean Garcia, tanggap na ang paghihiwalay ng kanyang anak na si Jennica at asawa nitong si Alwyn Uytingco: "Ang maganda lang talaga, ginawan naman nila ng paraan, di ba, na mag-work yung relationship. Tinry naman nila uli. Pero it's just so happened na siguro they're not destined for each other."
PHOTO/S: PR

GORGY RULA:

Tanggap na ni Jean Garcia na hindi na talaga para sa isa't isa sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Pagkatapos nilang maghiwalay mga tatlong taon nang nakaraan, sinubukan pa rin daw nilang ayusin at baka pumuwede pa. Pero hindi raw talaga umubra, muli silang naghiwalay at sa ngayon ay nasa proseso na sila ng annulment.

Sabi ni Jean, nirespeto niya ang desisyon ng dalawa. Hindi na siya nakialam.

"Ang maganda lang talaga, ginawan naman nila ng paraan, di ba, na mag-work yung relationship.

"Tinry naman nila uli. Pero it's just so happened na siguro they're not destined for each other. They're not meant for each other... they have children.

“So ako, gusto ko maging magkaibigan sila. Magkasundo sila para sa mga bata, as parents.

"Pero yung relationship sa kanila, nakapag-move on na si Jennica nang matagal na.

"I’m sure nakapag-move on na rin si Alwyn, feeling ko," pahayag ni Jean nang nakapanayam namin sa nakaraang mediacon ng bagong drama series ng GMA Telebabad na Maging Sino Ka Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinararating na lang daw ni Jean sa kanyang anak na nandiyan lang siya bilang ina.

Susuportahan niya kung ano man ang napagdesisyunan nito sa buhay.

"Ang payo ko lang kay Jennica is maging strong siya, na yung faith niya sa Panginoon na kahit na heartbroken siya, huwag mawawala.

"Kumbaga, kung kailangan niya ako, ang support... basta kung ano ang kailangan niya. Kailangan niya ng advice, kailangan niya ng nanay, kailangan niya ng kaibigan, nandiyan ako," dagdag na pahayag ni Jean.

JERRY OLEA:

Hindi na raw inalam ni Jean kung ano talaga ang problema. Pero sa tingin niya, parehong may pagkukulang sina Alwyn at Jennica.

"Kung meron mang mga faults si Alwyn, I'm sure may fault din si Jennica. So, both yan pareho.

"Ayoko namang i-blame yan lahat kay Alwyn nang dahil ako ang nanay ni Jennica. Palagay ko, hindi lang talaga sila para isa't isa," saad ni Jean.

Sana raw, sinunod lang siya ni Jennica noon na hindi muna sila magpakasal kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yung istorya niyan, nung nag-decide silang magpakasal na dalawa, hiningan ko sila ng dalawa pang taon bago magpakasal. Pero nagpakasal pa rin sila.

"Humingi pa ako ng dalawang taon, e. Si Jennica, 24 ba? Sabi ko 26 siya o 28 years old sana siya. Basta parang ganun, e. Hindi ko na matandaan kung anong age sila nun. Tinuloy.

"Nirerespeto ko yun. Pero sabi ko, make sure na gusto ko maayos," sabi pa ni Jean.

NOEL FERRER:

Aminado si Jean na nagtampo siya noon kay Alwyn.

“Siguro nung una. Kasi parang gusto nilang i-workout pero... nung una medyo," pakli ni Jean.

"Siyempre, normal naman yun sa mother-in-law na, di ba? Siyempre, babae yung sa akin.

"Pero ngayon, wala na, e. Nawala na yung tampo. Nawala na yung galit.

"Kasi at the of the day, siguro talagang hindi sila para sa isa't isa na kailangan ko ring tanggapin," dagdag niyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hanggang sa ngayon ay hindi na raw nagkaroon ng pagkakataong magkausap sila uli ng kanyang manugang.

"Hindi na kami nagkausap nang magkasira-sira the second time around.

"Kasi ang feeling ko, parang hindi na... tinry naman kasi nila. Hindi naman talaga mag-workout. Who am I para makialam pa sa kung ano man ang desisyon nila?

"Nirespeto ko na rin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia, tanggap na ang paghihiwalay ng kanyang anak na si Jennica at asawa nitong si Alwyn Uytingco: "Ang maganda lang talaga, ginawan naman nila ng paraan, di ba, na mag-work yung relationship. Tinry naman nila uli. Pero it's just so happened na siguro they're not destined for each other."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results