PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Joel Lamangan, nagbabala laban sa fake Facebook account

"Scam yan!!!"
by PEP Troika
Published Sep 3, 2023
Joel Lamangan Facebook
Direk Joel Lamangan, nagbabala laban sa fake Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan: “Meron nanamang gumagamit ng pangalan at picture ko, nagre recruit ng talents at nagoaoaworkshop na may bayad daw sa mga gustong mag artista! HINDI po Ako yan! Nanloloko ang mga yan. Huwag niyong patulan i block niyo o dikaya ay isuplong samay kapangyarihanl Huwag magbigay ng pera!!! Mga Manloloko yan!”
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA:

Nagpalit na ng Facebook account si Direk Joel Lamangan pagkatapos ma-hack ang dati niyang account ilang buwan na ang nakaraan.

Joel Lamangan legit Facebook account

Pero hanggang ngayon pala, patuloy pa rin ang pambibiktima nitong hacker gamit ang dating FB account ng premyadong film director.

Joel Lamangan fake Facebook account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumawag sa amin ang kaibigan naming talent manager para klaruhin kung legit ba itong FB account ni Direk Joel.

Ang kuwento nito, nagmi-message itong hacker sa ilang talents niya para sabihan kung gusto nitong mag-artista sa gagawin daw niyang indie film.

Joel Lamangan

Naniwala ang ibang talents, kaya sinagot nila. Pero ang kasunod ay humihingi na raw ng pera para gagamitin daw sa acting workshop. Kaya medyo nagduda na sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pati pala ang dating aktor na si Toffee Calma ay nakatanggap din daw ng mensahe mula sa hacker na ito para yayaing sumali sa acting workshop, pero humihingi na raw ng pera.

Kaya ipinarating na namin kay Direk at kaagad niya itong itinanggi.

Isa lang daw ang Facebook account niya, at itong bago niyang ginawa pagkatapos siyang na-hack.

Ni-repost niya ang Facebook post ng line producer nitong si Dennis Evangelista na huwag maniwala sa mga nagmi-message na kumukuha ng bagong artista si direk Joel.

"Scam yan!" tili ni Direk Joel nang itinanong namin ito sa kanya.

Sa dami ng ginagawa niya, wala na raw siyang panahong maghanap pa ng artista, at hindi raw siya nanghihingi o umuutang ng pera.

Kaya gustong iparating ni Direk Joel na huwag magpadala sa mga ganitong scammer.

One day na lang at matatapos na ni Direk Joel ang shooting ng pelikulang Apo Hapon sa Benguet. Bida sa movie sina JC de Vera at Sakura Akiyoshi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kasunod agad siyang gagawin, pero never daw siya kumukuha ng artista sa Facebook.

JERRY OLEA:

Facebook post ni Direk Joel nitong Setyembre 2, Sabado ng gabi, “Meron nanamang gumagamit ng pangalan at picture ko, nagre recruit ng talents at nagoaoaworkshop na may bayad daw sa mga gustong mag artista! HINDI po Ako yan! Nanloloko ang mga yan.

“Huwag niyong patulan i block niyo o dikaya ay isuplong samay kapangyarihanl Huwag magbigay ng pera!!! Mga Manloloko yan!”

Isa sa mga tinangkang i-scam ng hacker ay ang kaibigang Khat Gonzales na veteran sa bikini contests.

“Sabi ko na nga ba eh... Buti n lng may mga ilan po aqng press o kilala dto sa industriya ninyo,” komento ni Khat.

Noon ay nangutang ang hacker sa mga kaibigan ni Direk Joel. Hindi iyon umepek.

Nagsabi si Direk Joel, hindi siya nangungutang sa FB.

Nag-iba ng modus operandi ang hacker, pero bukelya rin agad-agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Bakit kaya may ganito pang nang-i-scam?

Habang may naniniwala pa kasi riyan, magpapatuloy.

Pero kung mas maagap na tayo, mag-aalangan na iyang manloloko… sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan, nagbabala laban sa fake Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan: “Meron nanamang gumagamit ng pangalan at picture ko, nagre recruit ng talents at nagoaoaworkshop na may bayad daw sa mga gustong mag artista! HINDI po Ako yan! Nanloloko ang mga yan. Huwag niyong patulan i block niyo o dikaya ay isuplong samay kapangyarihanl Huwag magbigay ng pera!!! Mga Manloloko yan!”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results