PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V Finale; Batang Quiapo Phase 2

'Voltes V: Legacy' naungusan muli ang 'Batang Quiapo' sa ratings.
by PEP Troika
Published Sep 4, 2023
voltes v legacy batang quiapo
GMA-7's 'Voltes V: Legacy" (left) will finally bid goodbye this week after four months of airing; Kapamilya Channel's 'FPJ's Batang Quiapo,' starring Coco Martin, will begin its book two this week.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

JERRY OLEA:

Nakaungos ang Voltes V: Legacy sa ratings kontra FPJ’s Batang Quiapo noong Agosto 31, 2023, Huwebes.

Naka-12.8% ang Voltes V: Legacy. Parehong 12.1% ang FPJ’s Batang Quiapo at Royal Blood.

Nataasan ng mga primetime series na ito ang mga panghapong teledrama na Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag, na parehong naka-11.6%.

Read: Tatlong Kapuso afternoon drama series, double-digit ang ratings; 'Batang Quiapo,' namamayagpag sa primetime

Maging noong Setyembre 1, Biyernes, ay wagi ang Voltes V: Legacy with 13.5%, over FPJ’s Batang Quiapo na naka-13.3%.

Magpi-finale week na ang Voltes V: Legacy, at papalitan ng BarDa series na Maging Sino Ka Man umpisa Setyembre 11.

Abangan natin kung aariba pa rin sa ratings ang huling linggo ng science fantasy series nina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, at Ysabel Ortega.

Read: Matt Lozano, Radson Flores, Raphael Landicho relive memorable Voltes V: Legacy scenes

voltes v legacy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bagong yugto naman ng Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo, tampok sina Jaclyn Jose, Ivana Alawi, Robert Seña, Soliman Cruz, Lao Rodriguez, Jess Evardone, Vandolph, Romy Romulo, Zeppi Borromeo, Michael Rivero, Pambansang Kolokoy, at Haprice sa mga bagong karakter na magbibigay kulay at dilim sa buhay ni Tanggol (Coco Martin).

Read: Jaclyn Jose, balik-Kapamilya; pasok sa 'FPJ's Batang Quiapo'

Haharapin ni Tanggol ang mga bagong karakter ngayong hinutulan siya ng panghabambuhay na pagkakabilanggo. Sa kabila ng mga paghihirap at poot na pinagdadaanan ni Tanggol, posibleng tumibok muli ang kanyang puso kapag nakilala niya si Bubbles (Ivana).

coco ivana batang quiapo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lang si Tanggol ang magdudurusa. Pati ang nanay niyang si Marites (Cherry Pie Picache) ay makakaranas ng sunud-sunod na pagsubok sa pamilya. Gagamitin naman ni David (McCoy de Leon) ang pagkakakulong ng kapatid upang itodo ang pagpapanggap bilang pekeng Tanggol.

Natutunghayan ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng FPJ’s Batang Quiapo. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

NOEL FERRER:

Hindi na ako nakakanood masyado ng TV ngayon at hindi ko alam kung sa TV pa rin ang concentration ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero baka dahil maulan at walang pasok kaya maraming mga batang nakatutok sa TV, kaya sa maraming nanood ng Voltes V: Legacy noong Huwebes.

May loyal following din naman si Coco na malamang sa online sila nanonood. Mahigit 2.7 billion total online views na ang FPJ’s Batang Quiapo mula nang nag-premiere ito noong Pebrero 13, 2023.

Sana, itong mga nanonood ng TV or online ay mahikayat natin na manood na rin ng pelikulang Pinoy sa mga sinehan.

Mula nang mag-reopen ang local cinemas noong Nobyembre 10, 2021 ay dalawa pa lamang Pinoy movies ang tinangkilik nang lubos ng moviegoers, iyong Maid in Malacañang at MMFF 2022 entry na Deleter.

GORGY RULA:

Halos apat na taon ginawa ang Voltes V: Legacy dahil sa inabot ito ng pandemya. Apat na buwan lang natin mapapanood ang kabuuan nito.

Pero marami rin namang nasulit ang hirap nilang lahat lalo na si Direk Mark Reyes. Ito lang ang seryeng nagkaroon ng cinematic experience at maganda naman ang resulta sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin pa ito sa ibang bansa, kaya naimbitahan sa nakaraang San Diego Comic-Con sa California, USA. Kaya maganda naman ang kinalabasan ng lahat ng hirap nila.

Bawat artista ay merong memorable experience sa Voltes V: Legacy, lalo na si Direk Mark na nagawa niyang pagtagniin ang mga eksenang kinunan nung kainitan ng pandemic at ang kasalukuyan nilang ginawa.

Aniya, “Overall, yung pinakamahirap is like what Miguel mentioned also. Yung when we were shooting this non sequentially. And we were shooting scenes that 2022, na ang sasagot nung scene na yun na interellated is we shot it in 2023. So, one year apart.

"We had to make sure that the emotions of the two separate teammates will match each other na pag sinagot akala mo it happened at the same time. Yun, napakahirap nun."

Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega recall their unforgettable scenes in Voltes V: Legacy

Suma tutal, na-achieve nila ang gusto nilang gawin dito sa Voltes V: Legacy na kinagiliwan ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang FPJ’s Batang Quiapo naman ay araw-araw na challenge kay Coco Martin dahil kailangan may bago siyang maiaahin sa mga manonood.

Isinabay nila sa pagtatapos ng Voltes V: Legacy ang kanilang pangalawang yugto. Susubukan naman kung swak ang tandem nila ni Ivana Alawi habang hindi pa napapanood si Lovi Poe.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7's 'Voltes V: Legacy" (left) will finally bid goodbye this week after four months of airing; Kapamilya Channel's 'FPJ's Batang Quiapo,' starring Coco Martin, will begin its book two this week.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results