PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Santos, lubos pa rin ang pangungulila sa mga pumanaw na magulang

Erik, kasado na ang 20th anniversary concert sa SM MOA, October 6.
by PEP Troika
Published Sep 4, 2023
Erik Santos
Erik Santos, nakapiling ang 72-year-old father sa masayang Euro trip bago pumanaw ang ama ng Kapamilya singer noong August 10, 2023.
PHOTO/S: @eriksantos Instagram

GORGY RULA:

Nakasama namin sa isang lunch ang kaibigan naming chemist na si Pinky Tobiano nung Sabado, September 2, 2023. Excited siyang kinuwento sa aming kaka-upload lang niya sa YouTube ang bonding at interview niya kay Erik Santos na kuha sa Turkiye nung April.

Halos 20 years nang magkaibigan sina Pinky at Erik at sobrang close sila. Isinama ni Pinky si Erik na magliwaliw sa Turkiye dahil malungkot pa rin daw ito pagkatapos pumanaw ang ina.

Read: Erik Santos, humagulgol ng iyak bago i-cremate ang mga labi ng kanyang ina

Kuwento ni Pinky, "Nag-travel kami April, kasi ano yun e, Holy Week.

"Si Erik may pinagdadaanan. Di ba ang Mom niya namatay?

"So, sabi ko, 'Halika, pasyal kita.' Para maano siya with his mom.

"Kasi nung nag-travel kami sa Turkey, nandun na sa Europe yung dad niya. Pinasyal niya rin yung dad niya.

"Down na down si Erik nun because of the mom. Kasi, when the mom passed away, hindi siya maka-recover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, nung nalaman ko, pag-uwi namin from Europe... Around July, nasa hospital na yata si Tatay. Ang bilis!"

Erik Santos
Pinky Tobiano

Hindi raw niya ito nai-post agad, at umabot daw nung July na na-confine naman sa hospital ang ama ni Erik dahil sa sakit din na lung cancer.

Ang bilis daw ng mga pangyayari, kaya ngayon lang niya inilabas sa kanyang vlog na tamang-tama dahil malapit na ang concert ng OPM balladeer na MilEStone: The 20th Anniversary Concert sa October 6 na gaganapin sa SM MOA Arena.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Suportado ni Pinky ang nalalapit na concert ni Erik at hindi raw niya maisip kung paano ito maitawid ng best friend niya dahil nandiyan pa rin ang pangungulila sa kanyang magulang.

"It would be a different show, kasi busog na busog sa emosyon. Busog na busog sa pag-asa.

"Sure ko, napakahirap. Hindi madaling kumanta. Kaya ang mga friends niya na nakasama niya sa showbiz, punung-puno ang suporta kay Erik. Kaya napakadaming surprises," sabi pa ni Pinky.

Read: Erik Santos’s father dies 9 months after his mother passed away

NOEL FERRER:

Tatlong araw na nag-ikot sina Pinky at Erik sa Turkiye kung saan pinuntahan nila ang iba't ibang tourist destinations doon.

Erik Santos
Pinky Tobiano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuntahan nila ang tahanan ng Virgin Mary para magdasal doon. Nakapaloob yun sa mahigit 17 minutes na vlog ni Pinky.

Bukod sa naikot nila ang tahanan ni Mama Mary, namili rin sila ng souvenir items. Bumili pa si Erik ng pulang rosaryo na pasalubong pa raw niya sa kanyang namayapang ina.

Nakikita ang sobrang closeness nila. Nandito lang tayo at nakasuporta kay Erik dahil pamilya natin siya simula pa noong Star In A Million!

Maraming nagdarasal para sa kanya kasama na ang mga magulang niyang nasa langit.

Di ba nga’t pinagpapala ang mga mababait na anak sa mga magulang? Nasa 10 Commandments yan — kaya all the best, Erik!

JERRY OLEA:

Sabi ni Erik, “If there's one person in the world, aside from my family, si Achi (tawag niya kay Pinky) ang talagang walang iwanan. Kahit sa pinaka-lowest part of my life, she was there."

Sabi naman ni Pinky, "Si Erik… he lives his life serving his parents. Honoring his Mom and Dad. Napakabait na anak ni Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Iba si Erik. He takes care of his family. Ang puso niya, punung-puno sa pagmamahal. Napakaswerte ng pamilya ni Erik.

"Ako, bilang kaibigan, napakasuwerte ko rin dahil... if you have a son like Erik, you cannot ask for more."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Santos, nakapiling ang 72-year-old father sa masayang Euro trip bago pumanaw ang ama ng Kapamilya singer noong August 10, 2023.
PHOTO/S: @eriksantos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results