JERRY OLEA:
Nag-post ang veteran journalist na si Tita Crispina Belen nitong Setyembre 4, 2023, Lunes ng 12:34 p.m., sa Facebook, “I'm saddened that #ItsShowtime the ABS-CBN produced variety show airing on GTV received a 12-day suspension without allegedly due process.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
“Vice Ganda's ‘cake thingy’ antic in one of its past episodes was said to be the cause. I personally deemed it harmless so did most netizens. (Go figure.)
“From my recollection, this was the worse suspension a TV show ever received -- 12-days! “The suspension would likely be appealed. “
So what do you think? Was the suspension justified?”
Komento ng isang netizen, k*pal si Lala.
Ang tinutukoy na "Lala" ay si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio, ang kasalukuyang chairperson ng MTRCB.
Si Chair Lala ay daughter ni Senator Tito Sotto, isa sa hosts ng noontime show ng TV5 na E.A.T., na karibal ng It’s Showtime sa GTV, at Eat Bulaga! sa GMA-7.
Post ng Kapamilya writer na si Jerry B. Gracio sa X (dating Twitter) nitong Lunes ng 5:04 p.m., “Kung totoo ang info ng entertainment journalist na si Crispina Belen na pinatawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang It's Showtime, hindi lang dapat i-appeal ang suspension. The industry should unite & call for the abolition of the MTRCB.”
5:10 p.m. ngayong Lunes nang i-forward sa amin via Messenger ng katotong Pilar Mateo ang official statement ng MTRCB kaugnay sa 12-day suspension ng It’s Showtime kaugnay sa icing ng cake harutan ng “mag-asawang” Ion Perez at Vice Ganda noong Hulyo 25 sa “Isip Bata” segment ng naturang programa.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
Matapos kumalat sa socmed platforms ang official statement ng MTRCB, marami ang nagkomentong kesyo boba si Lala, ma-lala si Lala, at kung anu-ano pa.
Naka-chat namin via Messenger ang isang MTRCB member nitong Lunes ng 6:08 p.m.
Aniya, puwede pang iapela ng It’s Showtime ang ipinataw na suspension ng MTRCB.
Nakialam ba si Chair Lala sa talakayan o balitaktakan kaugnay sa pagsususpindeng ito sa It’s Showtime?
Ang sagot ng MTRCB board member, “There is a committee (adjudication) which takes care of complaints and issues. Quasi-judicial ang MTRCB. It recommends penalties, suspensions, etc. to the Board led by the Chair. The Board votes on the approval.”
Tatlumpo ang board members ng MTRCB. Iyong Adjudication Committee ay may 10 members, at ang chairperson niyon ay si Atty. Paulino E. Cases Jr.
NOEL FERRER:
Well, expected na kay MTRCB Chair Lala Sotto naka-focus ang init ng ulo ng mga tao — pero may adjudication body na gumawa ng hearing at recommendation para sa napagkasunduan at ipapataw na sanction.
Kaya hindi totoo na walang due process na naganap. Meron at tumagal na nga dahil sa back and forth ng mga parties involved.
Nabalitaan din nating maraming pinalampas na mga isyu ukol sa It’s Showtime ang MTRCB tulad ng pagsambit ni Kim Chiu ng “pekpek shorts” at kahit yung wardrobe malfunction ni Regine Tolentino.
Yes, alam natin na live show ito and anything can happen; but next time, kailangan siguro ang higit na pag-iingat para hindi ma-cross ang line. Kasama na ang pagre-rehearse with the costumes para maiwasan na ang kung anumang papalpak.
Yes, puwede namang um-appeal ang ABS-CBN at pamunuan ng It’s Showtime for reconsideration. Pero sana, may matutunan tayong lahat sa prosesong ito.
Balita ko kasi, ang production mismo ay may pagtatangkang mag-sorry na sa lapses at maling nagawa, pero minsan, dahil sa usaping legal, nagha-hardline ding nagtatanggol kahit alam na may kamalian talagang nagawa.
Sana, we deal with this issue more with understanding and goodwill instead of arrogance — dahil may matututunan tayong lahat dito.
Read: Vice Ganda bursts into tears over "Mini Ms. U" contestant's poem
GORGY RULA:
gayong Setyembre ay ipinagdiriwang ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 3rd Philippine Film Industry Month, with the theme “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan.”
Sa closing ceremony nito sa Setyembre 29 sa Acacia Hotel Manila sa Alabang, Muntinlupa City ay kabilang sa pagpupugayan sina Tito, Vic and Joey ng E.A.T., at Vice Ganda ng It’s Showtime.
Read: Tito, Vic & Joey kabilang sa comedians na pararangalan sa 3rd Film Industry Month
Ang iba pang iconic comedians na pararangalan sa gabing iyon ay sina Michael V, Eugene Domingo, Ai-Ai delas Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Imbitado kaya si MTRCB Chair Lala sa pagtitipong ito? If ever, dadalo kaya siya?
