PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GMA-7 talent shows rule the ratings game

'It's Showtime,' puwede sa online kahit suspended?
by PEP Troika
Published Sep 4, 2023
battle of the judges the voice generations
(Top) 'Battle of the Judges' judges Boy Abunda, Bea Alonzo, Annette Gozon-Valdes, and Jose Manalo; (bottom) 'The Voice Generation' coaches Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose, and Stell Ajero.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA:

Okay ang ratings ng mga programa sa primetime noong Sabado, September 2, 2023.

Dahil na rin siguro sa tuluy-tuloy na pag-ulan kaya nasa bahay na lang ang karamihan.

Ang 24 Oras ay naka-10.7%, at 1.3% naman ang katapat nitong TV Patrol.

Bahagyang tumaas din ang Pepito Manaloto na naka-11.1%. Medyo tumaas din ang katapat nitong Rated Korina na 3.7%.

Mainit na rin ang tunggalian ng mga hurado sa Battle of The Judges, at naka-10.5% ito. Ang Everybody Sing naman ay naka-6.2%.

Sumunod ang Magpakailanman, na ang pagkakaalam ko ay replay ang episode na pinagbidahan ni Pokwang. Naka-9.4% ito. Ang katapat na I Can See Your Voice ay 3.5%.

Sumunod ang sitcom nina Vic Sotto at Maja Salvador na Open 24/7, na naka-5.2%.

NOEL FERRER:

Maganda ang ratings ng Kapuso programs noong Linggo, September 3.

Live ang All-Out Sundays at naka-5.3% ito, at 2.9% naman ang katapat nitong ASAP Natin 'To.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang GMA Blockbusters ay 4.5%, at 4% ang FPJ Da King.

Medyo bumaba ang Regal Studio Presents na naka-3.6%, pati ang Resibo na naka-4.5% naman.

Pagdating sa primetime, naka-8.6% ang 24 Oras Weekend, at 1.8% ang TV Patrol Weekend.

Medyo tumaas naman ang Bubble Gang na naka-10.8%, at ang katapat nitong Tao Po ay naka-2.6%.

Okay rin ang The Voice Generations na hinu-host ni Dingdong Dantes na nakapagtala ng 11.6%. Katapat nito ang Everybody Sing na naka-7.2%.

Tumaas din ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16.4%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3.9%.

JERRY OLEA:

Sa Setyembre 13, Miyerkules, ang first anniversary ng soft launch ng ALLTV, ang tinaguriang bagong Channel 2.

Akala natin ay magiging gamechanger na ang nasabing TV station, pero naghilahod iyon sa ratings at commercial load.

Ang eme ay magpu-full blast sila by first quarter of 2023. Patiently waiting tayo kung kailan magpapasiklab muli ang ALLTV.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

Sa ngayon ay ang Kapuso Network pa rin lang ang umaariba nang lubos mula nang tumiklop ang ABS-CBN noong Mayo 5, 2020. Lumalamon ng alikabok ang ibang TV stations kung Game of Ratings ang pag-uusapan.

Ang kakumpitensya ng GMA ay ang sarili. Ang sarili nilang records, ang mga programa mismo.

Bukod-tanging ang FPJ’s Batang Quiapo ang nakakasilat sa ratings. Pero noong nakaraang Huwebes at Biyernes ay kinabog ito ng Voltes V: Legacy, na nasa ultra-electro magnetic finale week na.

Abang-abang tayo kung makakaporma sa FPJ’s Batang Quiapo ang Maging Sino Ka Man ng BarDa tandem nina Barbie Forteza at David Licauco.

Ngayong Setyembre ay eere na rin ang Love Before Sunrise nina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

Iyong Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia ay hanggang Nobyembre pa.

Interesting pagkumparahin ang ratings ng Kapuso primetime drama series sa mga panghapong teledrama na Abot Kamay Na Pangarap at Magandang Dilag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang two weeks lang ba ang extension ng serye ni Herlene Budol aka Hipon Girl? OK na ba iyon sa mga KaBudol, KaHipon at KaSquammy?

Ang showbiz newsmaker of the year ay ang Battle of Noontime Shows. Naipahiwatig natin ang usaping ito dito sa PEP Troika noong Marso 1, at hanggang ngayon ay mainit itong pinag-uusapan, what with the demandahan and all.

Pinatawan ng MTRCB ng 12-day suspension dahil sa icing ng cake harutan nina Ion Perez at Vice Ganda.

“Happy monthsary,” sweet na sambit ni Vice sabay subo ng icing.

Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days

Isiniwalat ni Paolo Contis na ingat na ingat sila sa revamped Eat Bulaga! sa kanilang jokes dahil andiyan ang MTRCB. Better safe than sorry, ika nga.

Read: Paolo Contis, sinagot ang batikos na "Fake Bulaga" ang revamped 'Eat Bulaga!'

Ang current chairperson ng MTRCB ay si Lala Sotto, daughter ni Tito Sotto na isa sa hosts ng E.A.T..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit fair si Lala sa pamamalakad niya sa MTRCB ay nabibigyan at nabibigyan ng kulay ang relasyon niya kay Tito Sen.

Siyempre, puwede pang umapila ang It’s Showtime kaugnay sa ipinataw na suspension ng MTRCB.

Read: ABS-CBN to submit motion for reconsideration following 'It's Showtime' suspension

Kapag ipinatupad na ang suspension sa It’s Showtime, ano kaya ang magiging epekto nito sa ratings ng E.A.T. at Eat Bulaga! if ever?

Kung suspendido ang pagpapalabas ng It’s Showtime sa TV… puwede bang magtanghal pa rin sila para sa ONLINE streaming lamang?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) 'Battle of the Judges' judges Boy Abunda, Bea Alonzo, Annette Gozon-Valdes, and Jose Manalo; (bottom) 'The Voice Generation' coaches Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose, and Stell Ajero.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results