JERRY OLEA:
Mabigat ang pressure kay Gerald Santos sa pagpe-perform sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala.
Gaganapin ito sa Setyembre 9, 2023, Sabado ng 8:00 p.m., at Setyembre 10, Linggo ng 3:00 p.m., sa Samsung Performing Arts Center sa Circuit Makati.
Musical director ng concert ang National Artist na si Maestro Ryan Cayabyab o Mr. C. Kasama ni Gerald sa pagtatanghal na ito ang kapwa world-class talents na sina Joanna Ampil, Arman Ferrer, Sheila Francisco, Gab Pangilinan, Reb Atadero, at ang six-month preggy na si Aicelle Santos-Zambrano.
Read: Aicelle Santos continues to perform despite being six months pregnant
Sa pagkakatanda ni Gerald, pangalawang pagkakataon pa lang ito na makaka-work niya si Maestro Ryan.
“Yun pa lang, talagang I’m on my toes!” bulalas ni Gerald matapos sumalang sa first day rehearsal ng concert nitong Setyembre 5, Martes ng gabi, sa CCP Annex, Pasay City.
“And I’m thankful that most of the songs that I’ll be singing ay familiar na kami. At kami ni Aicelle, magkasama sa Miss Saigon medley.
“So this is basically isu-showcase yung aming history sa international stage. And then I’ll be singing mga songs din na from my roots.
“And then we have production numbers na talagang pinaghandaan namin. So, abangan nila yan.”
Karangalan lagi kay Gerald na mag-perform para sa Cultural Center of the Philippines (CCP), kaya hindi siya nagdalawang-isip nang alukin ni Direk Floy Quintos na makibahagi rito.
Read: Gerald Santos wows 50K-strong crowd at NY Mets baseball game
Maluwalhating natapos ni Gerald ang Danish version ng Miss Saigon sa Copenhagen, Denmark.
Napangiting lahad ni Gerald, “It was super-rigorous. Nerve-wracking din kasi, wala akong idea sa Danish language.
“So we had to study the language for, like, five months in total. But actually, yung three months was on Zoom. Zoom meetings, Zoom lessons before we flew sa Denmark.
“And then two months when were in Denmark, kasama na dun yung rehearsals.”
Hindi pa ma-divulge ni Gerald ang details sa next project niya dahil hindi pa sigurado. Pero may offer sa kanyamng aka-work ang isa pang National Artist.
“I hope mag-materialize,” pagngiti pa ni Gerald.
Matapos ang Danish production ng Miss Saigon ay nag-USA si Gerald, at nag-stay roon for two months. Palipat-lipat siya — two weeks sa New York, two weeks sa San Francisco, two weeks din sa Los Angeles, California.
Read: What made Gerald Santos accept his role for Miss Saigon in Denmark
Nag-indulge siya sa panonood ng Broadway presentations. Sa bilang niya ay nakasampu siya. Masakit sa bulsa!
“Actually, isa yun sa mga nagpaubos ng ipon! Ha! Ha! Ha!” natawang pag-amin ni Gerald.
“Yung panonood ng Broadway shows. Kasi, sobrang mahal! Sa Sweeney Todd pa lang, umiyak na ako. Kasi, $250.
“Pero worth it naman, kasi andami mong matutunan. Mai-inspire ka talaga sa mga mapapanood mo.”
Namangha si Gerald sa technicals ng Broadway shows. Marami siyang natutunan.
“Ibang klase! Grabe yung technicals. Ang yung sa sarili ko ba, na I was gauging myself dun sa other performance,” pagtatapat ni Gerald.
“Na kaya kong gawin ‘to. Yung ganun. Like I saw Funny Girl na si Lea Michele and Ramin Karimloo ang nag-play.
“Yeah, I was, like, ‘I can also do that if given an opportunity.’ And also Parade played by Ben Platt.
“I love that show as well, sobrang ganda. Sobrang nakaka-inspire na parang OK, may mga kaya kang gawin, alam mo na kaya mong gawin yung mga napanood mo.”
GORGY RULA:
Aminado si Gerald Santos na nagkaroon siya ng anxiety dahil sa galing ng mga kasama niya sa 54th anniversary concert ng CCP. Malaking challenge na mag-perform on the same show with Joanna Ampil.
“Hindi mawawala yung anxiety talaga actually,” pagpapakumbaba ni Gerald.
“Lagi naman yan. Ginagamit namin yan to propel our performances but dito, ibang klase yung anxiety and yung pressure.
“Kasi, you’re with the absolute icons of our industry. So, yeah, I have to be on my toes. I have to give my all for this.”
Maliban kay Aicelle Santos, nakasama ni Gerald si Arman Ferrer sa pagtatanghal ng Sweeney Todd sa Manila at Singapore.
Kumusta na ang kanyang puso? Sa dami ng pinagkakaabalahan niya, may time pa ba siya para sa love life?
Napangiti si Gerald, “Sa U.S., may nakilala ako. And… ahhh…”
Mas nagtagal siya sa Denmark kung saan very loving ang mga tao, ahh! Wala siyang ‘nakilala’ roon?
“Ahhhh… may nakilala din. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ahhh… bale… nangyayari nga kasi, I always fly,” paliwanag ni Gerald.
“So, ang nangyayari is dating, alam mo yun. Ang nangyari, walang label, yung ganun.”
Pag-uwi niya rito sa Pilipinas, may ‘nakilala’ ba siyang bago?
Natawa muli si Gerald, “Dito, iniiwasan nating may ‘makilala’! Joke! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
NOEL FERRER:
Kung kantahan lang naman, kayang-kaya iyan ni Gerald Santos at napatunayan niyang he can hold his own kung musicality ang pag-uusapan.
Magandang challenge ang maitawid din niya ang spiels na isinulat ni Direk Floy, kasi inaasahang swabe ang pagkukunek niya sa audience kahit wala sa kanyang comfort zone.
Pawang mahuhusay lahat ng performers sa concert this weekend, and we would want to see them all shine — dahil ipinagmamalaki sila at pinasasalamatan na rin for representing the Pinoy talent sa international stage!
