PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wowowin' with Willie Revillame on PTV-4

Willie Revillame, ayaw ng noontime slot.
by PEP Troika
Published Sep 8, 2023
ana puod willie revillame
Ms. Ana Puod (left), general manager of PTV-4, on negotiations with Willie Revillame for 'Wowowin' to air on the government channel and IBC 13: "Gusto niyang makapag-isip ng kabutihan pa lalo sa kapwa niya. So, hindi siya nagtatanong tungkol sa sahod. Hindi siya nagtatanong tungkol sa et cetera, et cetera. May part pa nung deal na magugulat kayo, pumayag siya.” Right photo shows Willie with Puod and IBC 13 President Jimmy Policarpio.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Wowowin Facebook

JERRY OLEA:

Posibleng bumalik sa ere ang Wowowin ni Willie Revillame umpisa Oktubre 2, 2023, Lunes ng 5:00-6:30 p.m., sa PTV-4 at IBC 13.

Read: Willie Revillame, may "exploratory talks" sa IBC13 at PTV-4

Ayon sa sources ng PEP Troika, inaayos pa ng mga abogado ang kontrata para sa Monday-Friday program ni Willie.

Hihintaying matapos ang Ghost Month sa Setyembre 14 bago magkapirmahan ng kontrata.

Bakit hindi noontime ang pinag-uusapang timeslot para sa pagbabalik ng Wowowin?

“Ayaw niya ng noontime,” sambit ng general manager ng PTV-4 na si Ms. Ana Puod nitong Setyembre 8, Biyernes, sa PTV Studio A, Visayas Avenue, Quezon City.

Ipinagdiinan ni Ms. Ana na under negotiation pa ang lahat between Willie, PTV 4, and IBC 13.

“Under nego, iyon po ang operative word. It’s a tripartite discussion po with IBC 13, PTV, at saka si Willie,” pagdidiin ni Ms. Ana.

“So, matagal po yung proseso. Marami pang inaayos. But all of the parties are hoping for a very positive outcome of our negotiation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung aming pakikipag-usap po sa kanila ay guided naman po ng Presidential Communications Office (PCO). Sila po ang nagma-manage sa mga agencies na yun.”

Sa mga darating na araw ay malalaman natin kung tuloy na ba ang Wowowin sa People’s Television.

Dagdag ni Ms. Ana, “Matagal na po ito. Nag-start po kami, few months ago. Until now, we’re still discussing yung partnership o kung ano man yung magiging nature ng aming relationship.”

Read: Will Willie Revillame make TV comeback via government-owned PTV-4?

NOEL FERRER:

Kung hindi ako nagkakamali, si Ana Puod was with TV5 and ABS-CBN News and Public Affairs.

It’ll be a good challenge then kung paano niya gagawing relevant ang show ni Willie sa government station.

Paano ba nag-umpisa ang negotiation ni Willie with PTV 4 and IBC 13? Ang mga istasyon ba ang nag-offer, o si Willie ang lumapit?

“Magkakilala kami ni Willie, ABS-CBN pa, e. So, na-float yung idea nung naging GM ako last June,” tugon ni Ana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos at the same time, si Jimmy Policarpio, yung presidente ng IBC, kinontak siya.

“So, sabi ni Willie, ‘Ana, kinakausap ako ni Jimmy Policarpio. Bakit hindi ka sumama?’”

Sina Ms. Ana at Jose “Jimmy” Policarpio Jr. ang kasama ni Willie sa litratong pinost ng Fagebook page na Wowowin nitong Setyembre 7, Huwebes ng gabi, kung saan nakasulat, “HINDI NA CHISMIS! Malapit na malapit na!”

wowowin facebook

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Ano ang reaksiyon ni Willie nang pag-usapan ang posibleng pag-simulcast ng Wowowin sa PTV at IBC 13?

Sagot ni Ms. Ana, “Nung una, nag-aano siya, very skeptic siya. Kasi hindi niya kabisado kung ano yung reach nga ng PTV, kung ano ba ang kaya namin.

“So, nung na-explain ko sa kanya na, ‘Excuse me, may HD channel kami saka mas marami pa kaming tower kesa sa iba.’ Saka gobyerno ito, e.”

Bawal siyempre ang pa-cleavage at pa-kuyukot ng dancers sa programa. Paano na iyong sexy dancers ng Wowowin?

“Puwede namang sumayaw.”

Mare-reinvent ba si Willie kapag nasa PTV at IBC na ang Wowowin? Bagong Willie na ang mapapanood?

“Dapat siya ang tanungin niyo. Pero the way I hear him speak, he’s always talking about nation building and about helping others, e,” kuwento ni Ms. Ana.

“So, hindi ko alam. It comes with his age na ba? Gusto niyang makapag-isip ng kabutihan pa lalo sa kapwa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, hindi siya nagtatanong tungkol sa sahod. Hindi siya nagtatanong tungkol sa et cetera, et cetera.

“May part pa nung deal na magugulat kayo, pumayag siya.”

Siyanga pala, sa bagong programming line-up ng PTV kung weekdays (Lunes-Biyernes) ay 12:00 noon ang daily public program na Bagong Pilipinas Ngayon, hosted by Niña Corpuz. 1:00 p.m. naman ang newscast na Sentro Balita, presented by Angelique Lazo, Audrey Gorriceta, and Naomi Tiburcio.

Iyong Wowowin, if ever, ay pre-programming ng prime-time newscast sa PTV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ms. Ana Puod (left), general manager of PTV-4, on negotiations with Willie Revillame for 'Wowowin' to air on the government channel and IBC 13: "Gusto niyang makapag-isip ng kabutihan pa lalo sa kapwa niya. So, hindi siya nagtatanong tungkol sa sahod. Hindi siya nagtatanong tungkol sa et cetera, et cetera. May part pa nung deal na magugulat kayo, pumayag siya.” Right photo shows Willie with Puod and IBC 13 President Jimmy Policarpio.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Wowowin Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results