JERRY OLEA:
Takaw-pansin siyempre si Aicelle Santos-Zambrano sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala nitong Setyembre 10, Linggo ng 3:00 p.m., sa Samsung Performing Arts Center sa Circuit Makati.
Umentra ang six-month preggy na si Aicelle sa itaas ng hagdanan, at hinay-hinay siyang bumaba roon bago bumirit ng "Narito Ako."
Read: Aicelle Santos continues to perform despite being six months pregnant
“Iba yung kaba because alam mo na yung how to sing, how to handle yourself on stage kapagka you’re just you,” lahad ni Aicelle matapos ang concert.
“But now, you have another life inside you… may pag-iingat. But at the same time you have to give your all whenever you’re on stage.
“Kaya extra preparation for me.”

Kumusta iyong unang salang niya sa CCP’s 54th anniversary gala the previous night, lalo pa’t may hagdanan na bababa siya? Any moment, baka sumabit ang gown niya!
Natawa si Aicelle, “Ha! Ha! Ha! Ha! Prinaktis po natin yun, oo. Kasi, safety first. Pero si Direk [Floy Quintos] naman, as in kinonsider niya lahat. ‘Wear flats!’ ganyan, oo. ‘Tapos dito ka lang kikilos sa stage.’
“They were very caring naman.”
Si Joanna Ampil na pinakabida ng concert, mataas ang takong. Nag-try ba siyang mag-high heels din?
Umiling si Aicelle, “Hindi po. Kasi, ibang klase na ang balanse. Malaking baby po ito at six months! Six months pa lang.”
Kumusta ang suporta sa kanya ng dyowang si Mark Zambrano?
“Jowa! Halika dito, jowa!” tawag ni Aicelle sa mister, na siyang umaalo sa daughter nilang si Zandrine.
Dito sa 54th anniversary gala ng CCP, sama-samang nag-perform sina Aicelle, Joanna, Gerald Santos, Arman Ferrer, Sheila Francisco, Reb Atadero, Gab Pangilinan and the Philippine Philharmonic Orchestra, sa ilalim ng musical direction ni National Artist Ryan Cayabyab.

Nananawagan si Aicelle para sa mas maraming photos sa performance niya sa Anywhere We Sing Is Home.
Ang sabi ni Aicelle, “Only have this photo on my phone from the weekend's wondrous CCP gala. Prayers and this maternity belt saved my back and my singing. Kindly viber/email decent photos.”
Very focused at in the moment si Aicelle kahit na noong rehearsals na naka-duster siya talaga. Pero in fairness, buo, malalim at mataas pa rin ang pinaghuhugutan niya ng boses kaya wagi ang mga numbers niya.
Masaya rin na kasama niya sa teatro na nanood kahapon ang asawang si Mark Zambrano at ang kanilang anak na si Zandrine, pati na si Ate Chiara Zambrano with their parents.

Last Saturday night, ang tatay naman ni Aicelle kasama niya ang mya kaanak niya naman.
Facebook post ni Mark noong Sunday night, “Words can't express how proud I am of how you blessed each and every person who heard you sing, even if you're 6 months pregnant.
“Your passion for your craft and the sheer willingness to share your talent brought the audience to tears at Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala.
“Together with all the world-class Pinoy talents who sang with you and Maestro Ryan Cayabyab conducting the Philippine Philharmonic Orchestra, it was truly a spectacular night!
“Bonus is that Zandrine (and our baby with you), saw it live!
“Love you and super proud of you, mommy!”
Salamat, Aicelle, at sa natatanging ambag mo sa Philippine music pati na sa teatro!
GORGY RULA:
Nanghinayang si Aicelle dahil hindi siya nakasama sa Queendom concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa December 2, 2023.
Bahagi kasi talaga si Aicelle sa Queendom na nakipagbiritan sa All-Out Sundays. Pero dahil sa pagdadalantao niya, wala siya sa Queendom concert nina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Vlllarubin, Marianne Osabel, Hannah Prescillas, at Thea Astley.
"Talagang kabuwanan ko na yung time ng concert ng Queendom!” bulalas ni Aicelle. Pero nandiyan daw ang suporta niya para sa success ng first concert ng kanilang grupo.
"Of course! Tutulong tayo sa pagpu-promote, kasi talagang nakasama ko yung mga queens na yun nung nagsisimula.
"Napakahuhusay! Ang laki ng iginaling ng bawat isa," sabi pa niya.
Kung mabigyan ng pagkakataon, gusto rin daw sana niyang subukan ng mga kasamahan niya sa Queendom and mag-perform sa isang musical.
"They should try it. Kasi babaguhin nila yung pagkatao mo," napapangiting pahayag ni Aicelle.
