GORGY RULA:
"King of Parody" ang tawag kay Michael V. ng ilang netizens pagkatapos niyang i-upload ang kanyang bagong parody song two days ago.
Ginawa niya ito sa Bubble Gang hango sa kantang "Raining in Manila" ng Lola Amour, na ginawa niyang "Waiting Here sa Pila" by Lolo Kanor.
As of September 12, Tuesday, 9 p.m., mahigit 411K views na ito sa YouTube channel na LOL, at mahigit isang libo ang komento.
Sa Facebook page ng Bubble Gang ay mahigit 1.1M views na ito.
Overall, 3.9M views and counting na kung pagsasama-samahin ang views sa lahat on online platforms!
Karamihan ay puring-puri si Bitoy at bagay na bagay raw na tawagin siyang "King of Parody."
Pero may mga nag-react ding obvious na mga suki ng mga sikat na coffee shops. Hindi raw nila nagustuhan ang lyrics na parang masyado silang nadye-generalize.
Hindi naman daw lahat na nag-i-Starbucks ay mahirap. Sobra naman daw tawagin silang "makapal ang mukha." Pinapalabas pa raw na social climber yung hindi mayayamang nag-i-Starbucks.
Bahagi ng lyrics ng "Waiting Here sa Pila":
Ba't ang tiyaga nyo sa pila / Di ba mahal na ang kape?
Panay pa-sosyal pero purita pa rin / Nakatambak ang bayarin
Di ba wala ka nang pera ba't ka pa bumibili / Ang kapal talaga ng mukha mo /
Sino'ng niloloko mo?
Maaring nakarating kay Bitoy ang ilang di magagandang komento.
Nag-post siya sa kanyang Facebook account ng ganitong mensahe: "Sa lahat na mga napaso... sorry na [smile emoji, coffee at peace sign]."
May ilang taga-Bubble Gang ang sumagot na huwag daw sanang masyadong sensitive. Tingin daw nila, maaring pang-asar lang ito ng comedian, singer, at composer.
JERRY OLEA:
Ha! Ha! Ha! Ha!
Henyo talaga si Michael V, nananatiling relevant sa panahong nagkalat ang mga nagmamarunong at nagmamaganda.
Kaya nga isa si Michael V sa honorees ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagdiriwang ngayong buwan ng 3rd Philippine Film Industry Month with the theme “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan.”
Sa Setyembre 29 ang closing ceremony ng selebrasyon sa Acacia Hotel Manila, Alabang, Muntinlupa City, kung saan pagpupugayan din sina Vice Ganda, Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Eugene Domingo, Ai Ai de las Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Read: Dolphy, Michael V, Vice, Ai-Ai, Eugene to be honored at 3rd Philippine Film Industry Month
Ang citation ng FDCP kay Michael V, “In his more than three decades in the industry, Beethoven Bunagan, most popularly known as ‘Bitoy’ or Michael V, has been widely regarded as one of the most prolific comedians in the country.
“As one of the brains behind Bubble Gang, the longest-running comedy show in the Philippines, Bitoy, with his genius in creating characters such as Yaya Angelina, Bonggang Bonggang Bongbong, Mr. Assimo, and Doña Yna Moran among others, has skillfully pulled off and made his brand of comedy, mixed with satire and social commentary, a phenomenon in itself.”
NOEL FERRER:
Sigurado akong well-meaning naman si Bitoy nang ginawa niya ang kanyang parody ng "Raining In Manila."
But what’s good to note is that he has his ear on the ground at hindi siya deadma sa reaction ng mga tao.
Bitoy is one good natured artist na humihingi ng paumanhin kung may nasaktan man siya. This makes him more admirable!!!
