PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SexBomb Izzy Trazona, "amazingly at peace" sa kabila ng mga batikos

SexBomb Izzy, tinalakan ni Ogie Diaz.
by PEP Troika
Published Sep 14, 2023
izzy trazona andrei trazona
SexBomb Izzy-Trazona (left) on son Andrei (right): “Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo…”
PHOTO/S: Izzy Trazona-Aragon Facebook / @andreitrazona on Instagram

JERRY OLEA:

Isiniwalat ni SexBomb Izzy Trazona-Aragon ang kanyang saloobin sa pagda-drag ng anak na si Andrei Trazona a.k.a Sofia noong Setyembre 11, 2023, Lunes, sa Facebook.

Read: SexBomb Izzy Trazona on son Andrei joining the drag world: "I love you so much to not support you on things that will harm you."

Bahagi ng hanash ni Izzy, “So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree.

“I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all.

“Putting my hope on what Jesus did on the cross for me, paid the consequence of my sin. Instead of me paying it.

“Sin will bring me to eternal death, hell. But He saved me. By believing and surrendering my life to that truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo…”

Noong Setyembre 13, Miyerkules ng gabi, ay nakisawsaw sa isyu ang comedian, manager, at YouTube vlogger na si Ogie Diaz.

Talak ni Ogie kay Izzy, “Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa 'yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?

“I think, mas kasalanan sa Diyos 'yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi?

“Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo.

“So masisisi ba natin yung bata kung magsabi siya na hindi na healthy kung magsasama pa kayong mag-ina?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ogie Diaz slams SexBomb Izzy Trazona for withdrawing support for drag artist son: "Mas kasalanan sa Diyos yang kaipokritahan mo."

Sa Facebook post ni Izzy ngayong Setyembre 14, Huwebes ng hapon, ay feeling hopeful siya.

Ani Izzy, “Thank you Lord for another day! For all the messages, sobrang daming nag pm, thank you with all my heart sa concern and prayers!

“And even testimonies of how the Lord worked and changed your lives! Sobrang daming encouraging messages! Marami pong salamat. Keep the faith!

“I am amazingly at peace, the Lord is my shield! I am continously praying and full of hope

“I trust my Sovereign God!

“God bless po!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Hayyyy, sana tanggap na ng mga tao na ang members ng LGBT community ay mahal din at naiintindihan at gusto ng Diyos na maging ligtas at maligaya.

Hindi ito sakit na kailangang gamutin, o sumpa na kailangang kontrahin.

God bless them, too!

Sana, maging masaya na lang tayo sa mga kauri nating napapakahusay at mabuting tao.

GORGY RULA:

Hindi natin saklaw ang isip at damdamin ni Izzy bilang isang ina. Pero sana, isipin din niyang nasa tamang edad na ang kanyang anak.

May sarili nang buhay at desisyon si Andrei. Kung ano man ang choice niya para sa kanyang buhay, pananagutan na niya iyun sa sarili at haharapin niya ito sa Panginoon.

Buhay yun ni Andrei, hindi buhay ng kanyang ina.

Kung marami ang nakakaunawa sa ginagawa ni Andrei sa kanyang buhay, natitiyak kong mas nauunawan ito ng ating Panginoon.

Pinanindigan ko ang desisyon kong maging bakla at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng Panginoon. I love You, Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Izzy-Trazona (left) on son Andrei (right): “Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo…”
PHOTO/S: Izzy Trazona-Aragon Facebook / @andreitrazona on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results