PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mejia's Screen Name in Talpakan Explained

"Ngayon lang sila nakakita ng guyabanong ika nga guyabanong bagong pitas!”
by PEP Troika
Published Sep 23, 2023
Long Mejia
Sa tagal na ni Long Mejia sa local showbiz industry, ngayon lang daw siya nagkapelikula na siya talaga ang bida.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Bida si Long Mejia sa 45-minute bold comedy film na Talpakan, katambal si Daiana Menezes.

Mapapanood ito sa Oktubre sa website ng Goblin Films. Idinirek ito ni Jay Altarejos, at nagtatampok din kina Kristoff Garcia, Margarette Sison, Sofia David, at Ann Pomer.

Ano ba ang meron sa Talpakan? Hanggang saan ang ano ni Long?

“Twenty-five years na akong artista. Ngayon lang ako sa pelikula kumain!” hirit ni Long sa mediacon nitong Setyembre 22, 2023, Biyernes, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Kinain ko! Ang lahat ng klaseng luto ng manok, kinain ko. Ang gustung-gusto ko, yung pinaupo. Ha-ha-ha-ha!”

Kumusta si Daiana bilang leading lady?

Napangisi si Long, “Siyempre si Daiana, ngayon lang ako nakakita na pagka pala ang babae, tinitigan ka na wala kang saplot, ang magiging itsura mo, isang malaking-malaki… OWWW!!!

“At dito mapapatunayan niyo kung bakit talaga ang ipinangalan ko sa sarili ko, ang screen name ko, Long. Yes!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman ang iba pa niyang chikababes na nakipagtalpakan sa kanya?

“Ang gagaling! Bagung-bago pa lang, ang gaganda nila! Nilapastangan nila ang sarili ko at kinain nila ako,” walang kagatul-gatol na sabi ni Long.

Ay!!!! Talaga?!?!! Ano ang pakiramdam niya habang nilalapastangan siya?

“Para akong magkukumbulsyon. Ang mata ko, walang nakitang itim, puro puti,” sey ni Long.

“Kaya abangan nyo ang pelikulang ito, talpakan ito! Dito nahasa ang tari ko! Lahat ng tamaan ko, sugatan!”

Oktubre 6 ang kaarawan ni Long, kaya bale birthday presentation niya itong Talpakan.

GORGY RULA

Itong Talpakan ang pinakaunang movie ni Long na siya ang pinakabida. Sa ibang movies niya before na bida siya ay laging may iba pang bida.

“Kakaibang Long Mejia ang mapapanood dito. Hindi lang comedy ito,” sey ni Long.

“Talagang… ibinigay ko dito. Nagulat din ako sa sarili ko, pagkatapos ng shooting, napanood ko na…

“Ganun pala! Ang isang artista, kailangan lahat ibigay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami nang naughty comedies sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Kanino siya maikukumpara, o kumbaga ay sinusundan niya ang mga yapak?

Napakunot-noo sandali si Long, “Noong araw, marami kasing komedyante… nakikita natin, mga scandal, e.

“Meron silang mga scandal. Totoo iyon, di ba? Ako naman, sa pelikula. Parang tipong ano ‘to, e. Yung mga tipong… Tito Leo Martinez, ganun.

“Noong araw kasi, meron ding sexy-sexy. Chiquito, may mga ganyan, may kissing scenes. Ito, hindi lang kissing scenes ang ginawa ko dito.

“Basta kakaiba ito kaya abangan niyo ito!”

Ano ang reaksyon ng mga chikababes matapos siyang lapastangin ng mga ito?

“Isa lang ang sinasabi nila sa akin… ‘Shit ka, Long!’ Ngayon nila napatunayan, 'Kaya pala ang screen name mo, Long!'

“Sabi, bakit Long? Talaga palang long! Ngayon lang sila nakakita ng guyabanong ika nga guyabanong bagong pitas!” bulalas pa ni Long.

NOEL FERRER

Sana nga, may long ding pasensya ang viewers ng pelikulang ito ni Long.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahabang pang-unawa na sana, maayos ang kalalabasan ng isang pelikulang pinamagatang Talpakan.

Good luck sa classmate kong Jay Altarejos. Sana, maipagmalaki niya ang pelikulang ito, hindi tulad ng isang pelikula niya noon na gusto niyang ipaalis ang kanyang pangalan.

At least ito, kakaibang comedy naman.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa tagal na ni Long Mejia sa local showbiz industry, ngayon lang daw siya nagkapelikula na siya talaga ang bida.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results