PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach ipinakilala na bilang bagong Legit Dabarkads

“Dumating na ang A.I.—Ang Iniintay ng Dabarkads!"
by PEP Troika
Published Sep 23, 2023
Atasha Muhlach
Ipinakilala sa September 22, 2023 show ng E.A.T. ang kanilang bagong Legit Dabarkads na si Atasha Muhlach sa pamamagita ng segment nilang "Gimme 5."
PHOTO/S: TVJ Official FB Page (left) / Screengrab from E.A.T. (right)

GORGY RULA

Ang galing ng naisip ng production staff ng E.A.T. sa TV5, kung paano nila ipinakilala ang additional Dabarkads sa kanilang noontime show.

Ipinakilala na nila ngayong Setyembre 23, 2023, Sabado ng tanghali si Atasha Muhlach bilang bagong miyembro ng Legit Dabarkads sa E.A.T.

Sinimulan muna nila ito sa isang karakter na ipinakilala nila sa segment nilang "Gimme 5." Isang talking photo lang ito na si Ellen na nasa Amerika. Siya ang nagpapaliwanag ng mechanics ng larong ito.

Hanggang sa nakabuo sila ng kuwento ni Ellen na kung saan ipinakilala na niya ang kanyang pamilya, sina Mommy Josie, Papa Ethan, hanggang kay Lola Belen, at ang yaya nito.

Hanggang sa na-develop ang kuwento ng pamilya ni Ellen at sinabing nandito sa Pilipinas ang younger sister ni Ellen na si Tasha. Ipinakilala na nga nila si Tasha, walang iba kundi si Atasha Muhlach, ang 21-anyos na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, at kakambal ni Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang timing na timing ang pagpapakilala kay Atasha dahil sumabay naman ang pagpapa-interview nila ni Andres sa ilang entertainment press sa burol ni Manay Ethel Ramos.

Nakakatuwa ang ginawa rito ng taga-E.A.T. na nakabuo sila ng nakakaaliw na kuwento bago ipinakilala ang additional Dabarkads na si Atasha.

Naalala ko tuloy kung paano rin nila na-develop noon sa Eat Bulaga! ang "Kalyeserye" na nagpasikat sa AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sabi ni Atasha, “Maraming salamat po sa warm welcome. And I'm really excited to be part of such a beautiful and kind-hearted family. So, thank you po. Salamat."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaagad namang sinakyan ni Atasha ang karakter na ginagampanan niya sa programang ito. Ang bilis ng sagot niyang ipinaglihi raw siya kay Lola Belen.

Sabi ni Joey de Leon, “Dumating na ang A.I.—Ang Iniintay ng Dabarkads!"

Nagpasalamat din si Vic Sotto sa sinasabi nilang adoptive parents ni Tasha dito sa E.A.T. na sina Aga at Charlene.

Ani Bossing Vic, “Aga and Charlene Muhlach, thank you. And to your lola, thank you for the trust. And congratulations on your graduation.

"Sabi nga ng parents mo, kailangan mo munang magtapos ng studies which you did, with honors. Congratulations. Sana mag-enjoy ka dito sa Dabarkads."

Good luck, Atasha Muhlach!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakakaaliw si Atasha! Akala mo si Maja Salvador dahil mahusay sa pagsayaw.

Pagkatapos, ayun mahusay magsalita. 'Tapos, di ba, pagiging singer talaga ang career na tatahakin niya?

Ang galing lang talaga!

And kudos sa mga Dabarkads, marunong at magaling silang pumili ng talents nila. Royalty!!!

Aga and Charlene should be proud and congratulated!

All the best, Atasha!!!

JERRY OLEA

Nainterbyu namin si Atasha sa huling gabi ng lamay ni Manay Ethel Ramos noong Setyembre 13, Miyerkules sa Nacional Chapels & Crematory, G. Araneta Ave., Quezon City.

Watch: Atasha Muhlach, ito ang namana sa kanyang Mommy Charlene

Ibinalita ni Atasha na ilalabas ng Viva Records ang first single niya bago matapos ang Setyembre. Tagalog ang kanta, na katuwang siya sa pagbuo.

Lately lang natutunan ni Atasha ang pagsasayaw. E parehong mahusay sumayaw ang parents niyang sina Aga at Charlene, pati ang kakambal niyang si Andres, kaya na-enjoy niya ang pag-aaral niyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ten years old pa lang si Atasha ay pangarap na niyang mag-artista. Ipinangako niya kina Aga at Charlene na magtatapos muna siya ng college—which she did with honors—bago siya mag-showbiz.

Hindi niya ikino-close ang possibility na sumali rin siya sa beauty pageant gaya ng kanyang mom.

“Everything is just one step at a time. I’m enjoying it so far. I’m learning so much!” bulalas ni Atasha.

Natanong na siya kung sino ang crush niya, locally man o taga-ibang bansa. Hindi raw iyon pumapasok sa isip niya, pero kung may guy man na naku-cute-an siya, iyon ay sina Chris Hemsworth at Zac Efron.

“Here in the Philippines, since I just got back… from living in the UK, my focus is graduating, and trying to do everything the best way that I can,” lahad ni Atasha.

“And then now that I’m back here, OK, try to do the best that you can for the first-ever single that you’re releasing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakilala sa September 22, 2023 show ng E.A.T. ang kanilang bagong Legit Dabarkads na si Atasha Muhlach sa pamamagita ng segment nilang "Gimme 5."
PHOTO/S: TVJ Official FB Page (left) / Screengrab from E.A.T. (right)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results