PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, Bong Revilla tutok sa pag-angat ng local film industry

Kabilang sa kanilang priority agenda ang Eddie Garcia Law
by PEP Troika
Published Sep 23, 2023
Senator Bong Revilla
Puspusan ang pagsisikap nina Senador Bong Revilla at Senador Robin Padilla (not in pic) para sa muling pag-angat ng local film industry. Kabilang sa priority nila ay ang pagpasa ng Eddie Garcia Law, at ang patuloy na paglaban sa online piracy.
PHOTO/S: Pau Guevarra

GORGY RULA:

Nagpatawag si Sen. Robinhood Padilla ng meeting sa mga artista, direktor at iba pang taga-entertainment industry para mapag-usapan ang ipinapasang Eddie Garcia Law.

Wala pa kaming nasasagap na latest kung ano ang napagkasunduan, pero ang narinig lang ng PEP Troika ay isa sa pinagtatalunan ay ang number of working hours ng mga artista at taga-produksyon.

Merong nagpu-push na 8 working hours at pag lumagpas doon ay additional pay na ito. Meron ding okay na sila sa 12 hanggang 14 hours. Kaya mahaba-habang balitaktakan pa yan bago ito maipasa at maisabatas.

Nung huling nakausap ko si Sen. Bong Revilla, sinabi niya sa aming kailangan daw talaga ng sapat na panahong mapag-usapan ito nang mabuti. Himay-himayin, na hindi lang umaayon sa mga artista, kundi pati na rin sa mga producers na siyang namumuhunan sa mga pelikula at TV show.

Ang isa pa raw na dapat i-consider ay ang mga taga-produksyon na pinakamaaga at pinakahuling naiiwan sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang, ang mas concern ko talaga ang mga maliliit na artista, lalo na ang mga production staff na hindi makapag-demand kung hanggang anong oras lang sila," pakli ni Sen. Bong.

"Ang mga malalaking artista, mga superstar, makapag-demand ng cut off, e. Sinusunod nila, wala naman silang magawa kung ayaw na ng artista.

"Ang kawawa talaga, mga production staff na nandiyan na sila sa set bago dumating ang mga artista, tapos sila pa ang pinakahuling umuwi. Yun talaga ang concern ko.

"Dapat talagang pag-usapan nang mabuti yan na okay sa mga artista at production, na hindi naman malulugi ang mga producers.

"Mahina na nga ang mga pelikula natin ngayon, magdadagdag pa ng gastos ang mga producers, paano pa sila makakabawi niyan?

"Mahabang usapan talaga yan na dapat ay pag-aralan nang mabuti," sabi pa ni Sen. Bong.

Bukod sa Eddie Garcia Bill, isinusulong din ng actor/senator ang isa pang matagal ng problema sa ating film industry, ang piracy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na yung pamimirata na nahuhuli sa pagtitinda ng DVD at CD sa Quiapo kundi online na.

Isinusulong niya ito sa Senado na tamang-tama naman ngayong September ay ipinagdiriwang ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Buwan ng Pelikulang Pilipino.

Ipinasa niya ang Senate Bill 2385 o ang An Act Strengthening The Powers and Functions of the Intellectual Property Office of the Philippines, Amending for the Purpose Republic Act No.8293, as Amended, Otherwise Known as the Intellectual Property Code of the Philippines.

Ani Sen. Bong, “Layon nitong palakasin ang batas hinggil sa industriya ng pelikula na nagsusumikap makapagbigay ng maayos na panoorin hindi lamang para makapagbigay ng saya kung hindi maituro ang daan tungo sa Constitutional right hinggil sa freedom of speech at expression. Santambak na illegal streaming platform na ang naglipana online.

"Isang pindot lang ay daan-daang pelikula na ang maaaring pagpilian na libreng mapapanood na pangunahing dahilan kaya unti-unting bumabagsak ang creative industry at sa pamamagitan ng panukalang ito ay madaling mapananagot ang mga piratang nagdudulot ng pagkalugi sa naturang industriya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sa atas ng Coalition Against Piracy (CAP) ay nagasawa ng survey ang YouGOv Consumer Surveys 2023 at lumabas na halos 60% ng Pinoy consumers ay nanonood ng pirated content.

"Bilang bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino ay pinangunahan natin na magsumite ng bagong panukala na maaaring magamit upang labanan ang napakatagal ng problema na matagal nang nagpapabagsak sa industriya ng pelikulang Pilipino.

"Mahalaga sa atin ang laban na ito dahil hindi naman kaila sa marami nating kababayan na sa mundo ng showbiz tayo nagsimula mula pagkabata hanggang bago tayo pumalaot sa pulitika at naging Chairman din tayo ng Video Regulatory Board (VRB)."

JERRY OLEA:

Agresibo noon si Sen. Bong bilang hepe ng Video Regulatory Board (VRB) laban sa mga pirata.

Napakarami ng nakumpiska nilang replicating machine. Milyun-milyon ang pirated VCD at DVD na winasak nila sa harap ng pulbliko.

Pahayag pa ni Sen. Bong, “Ngayon sa ilalim ng mandato ng Presidential Proclamation No. 1085, series of 2021 ay ginugunita natin ang isang buwang selebrasyon ng Buwan ng Pelikulang Pilipino upang alalahanin ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nais ding bigyang pansin ang hindi matatawarang kontribusyon at sakripisyo ng lahat ng stakeholders at sektor sa industriya ng pelikulang Pilipino sa buong buwan ng Septyembre.

“Septyembre 12 ang minarkahang kapanganakan ng Philippine Cinema kung saan itinaon ito sa kauna-unahang pelikulang Pilipino na directed at produced feature film ni Jose Nepomuceno na Dalagang Bukid na ipinalabas noong 1919.”

Siyanga pala, nais din nating batiin si Sen. Bong sa kanyang ika-57 kaarawan sa Lunes, Setyembre 25.

Happy, happy bday, Sen. Bong!

Sa Setyembre 27, Miyerkules ng 3:00 pm, gaganapin sa Cinematheque Centre Manila ang “Brocka, Bernal, and Diaz-Abaya: A Talk on Filipino Masters of Cinema.”

Idi-discuss ng multi-awarded director na si Jose Javier Reyes ang mga obra at pamana ng National Artists for Film na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Marilou Diaz-Abaya.

Ang closing ceremony ng 3rd Philippine Film Industry Month (PFIM) ay sa Setyembre 29, Biyernes sa Acacia Hotel Manila sa Alabang, Muntinlupa City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpupugayan dito sina Dolphy, Michael V, Eugene Domingo, Ai Ai de Alas, Vice Ganda, at Tito, Vic & Joey.

NOEL FERRER:

Pahayag pa ni Sen. Bong, “Bago pa man ang mga karagdagang panukala na isinusulong ng mga kasama natin sa Senado upang maitaas pa ang pagkilala sa pelikulang Pilipino ay napakarami na rin ng ating isinumite simula nang muli tayong mabalik sa Senado.

“Narito ang SBN-1656: Philippine Film Industry Month of 2022. Ito ang an Act to Designate September as Philippine Film Industry Month and Mandate the Film Development Council of the Philippines to Conduct Events on Various Film-Related Disciplines — na isinumite natin noong Enero 12, 2023.

“Meron din tayong SBN-1655: Philippine Film Archive Act of 2022. Ito ang An Act Maintaining and Preserving Filipino Films, Creating the Philippine Film Archive, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes na isinumite din natin noong Enero 12, 2023.

“Nauna nating isinumite ang SBN-1521: Philippine Independent Film Industry Incentives Act of 2022. Ito ang An Act Granting Incentives to Filipino Independent Films Who Were Granted Honors in Notable International Film Festivals and Appropriating Funds Therefor na isinumite natin noong Nobyembre 21, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naaalala niyo pa ba ang SBN-1409: Local Film Industry Development Act of 2022? Ito ang an Act to Promote and Support the Development and Growth of the Philippine Film Industry, Creating for This Purpose the Philippine Film Commission, Defining its Powers and Functions? Isinumite natin ito noong Oktubre 20, 2022.

“Lahat ng ito ay patungkol sa ikagaganda ng local film industry na lahat ay unti-unti nang umuusad na sakaling maisabatas ay malaking tulong at pagkilala sa industriyang matagal ko nang nais tulungan.

“Nakapaloob sa Proclamation No. 1085 bilang paggunita sa Philippine Film Industry Month na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hinihikayat ang lahat ng government agencies at instrumentalities ng national government kabilang na ang government-owned o controlled corporations, state universities at colleges na makipagtulungan sa FDCP sa pagsasagawa ng mga programa at iba pang aktibidades hinggil sa naturang selebrasyon.

“Ganyan inaalala ng pamahalaan ang paggunita sa Buwan ng Pelikulang Pilipino!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, magsama-sama ang lahat ng puwersa para buhayin nating muli ang hindi pa lubusang nakakabangong industriya ng pelikulang Pilipino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Puspusan ang pagsisikap nina Senador Bong Revilla at Senador Robin Padilla (not in pic) para sa muling pag-angat ng local film industry. Kabilang sa priority nila ay ang pagpasa ng Eddie Garcia Law, at ang patuloy na paglaban sa online piracy.
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results