PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queenay Mercado na-starstruck at na-challenge kay Joshua Garcia

“Diyos ko!!! Ano ba itong nararamdaman ko?!?!” kinikilig na bulalas ni Queenay.
by PEP Troika
Published Sep 24, 2023
Queenay Mercado, Joshua Garcia
Hindi raw akalain ni Queenay Mercado na darating ang panahon na makakaeksena niya ang kanyang idolo at kababayan na si Joshua Garcia.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Matagal nang pangarap ni Queenay Mercado na makatrabaho ang crush niyang si Joshua Garcia, na kagaya niya ay tubong-Batangas.

Kainaman naman at natupad na iyon sa pelikulang Fruitcake.

At present sila pareho sa mediacon ng nasabing barkada movie nitong Setyembre 23, Sabado sa Kao Manila, World Resorts, Newport Mall, Pasay City.

“Sa totoo lang po, hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako makapaniwala,” masayang lahad ng TikTok Sensation na si Queenay.

“Sobrang natutuwa po ako at siyempre, ngayon po na nakikita ko na siya nang personal, sobrang… hindi ko maipaliwanag.

“Parang na-starstruck ako na ano ngayon. Sobrang masayang-masaya ako dahil yung kababayan ko, nakita ko na nang personal ngayon at bonus na naging parte pa ako ng Fruitcake.”

Matapos ang TikTok series nila ni Jin Macapagal na prinodyus ng Puregold, ang 52 Weeks, nakatapos na ng dalawang movie si Queenay. Isa na nga itong Fruitcake.

Meron pa siyang sisimulang movie, yung Slay Zone na bida sina Pokwang at Glaiza de Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang experience niya sa smorgasbord movie na Fruitcake?

“Sa totoo lang po, siyempre sobrang nao-overwhelm po ako. Kasi, panibagong blessing na naman na binigay sa akin ni Lord,” tugon ni Queenay.

“And mapabilang dito sa cast ng Fruitcake, sobrang nagpapasalamat po ako sa Cornerstone, and siyempre kay Direk Joel [Ferrer]. Maraming salamat po sa opportunity.

“Kasi talagang dating-dati pa lang, nangangarap lang ako noong bata pa na sana, makita ako sa ganyang movie dahil nanonood din lang naman ako ng movie before.

“Pero ngayon, eto na, nandito na ako, part na ako ng isang movie at sobrang masayang-masaya po ako.”

Bukod kina Joshua at Queenay, nasa cast din ng Fruitcake sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Jane Oineza, Dominic Ochoa, KD Estrada, Empoy Marquez, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada, at Karina Bautista.

Ang title ng movie ay hango sa 1996 song ng Eraserheads. Ang theme song ay bersyon nina Yeng Constantino at KZ Tandingan ng nasabing kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Intertwined sa comedy-drama film na Fruitcake ang mga istorya ng mga Pinoy sa Kamaynilaan na iba’t iba ang antas ng pamumuhay. Nag-converge ang kani-kanyang tadhana sa pagsakay nila sa LRT.

NOEL FERRER

Ang papel ni Queenay sa Fruitcake ay isang siomai vendor na fan ng karakter ni Victor Anastacio.

Nagkasama sina Queenay at Joshua sa LRT scene sa sukdulan ng pelikula. Iyon ang first time na nakatrabaho niya ang kanyang idolo.

Ano ang naramdaman niya noong mga sandaling iyon?

“Diyos ko!!! Ano ba itong nararamdaman ko?!?!” kinikilig na bulalas ni Queenay.

“Alam mo yun, naghahalo yung saya, yung kilig. Siyempre at the same time, nandun pa rin yung parang natsa-challenge ka.

“Kasi siyempre, Joshua ito, e. Saka siyempre, yung mga linya ng mga artistang naririto, hindi biro, alam niyo yun?

“Sobrang gagaling ng mga artistang naririto. So, andun yung challenge sa akin pero ginawa ko yung best ko talaga dito sa movie na ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And ayun, sobrang masayang-masaya ako na naging part ako nito.”

Sana, ikasikat ni Queenay itong proyektong ito talaga.

GORGY RULA

Nakachikahan ni Queenay sa shooting ng Fruitcake sina Heaven Peralejo, Ria Atayde, at Jane Oineza.

“Actually halos lahat naman, sobrang babait nila which is hindi ko in-expect, na akala ko dati, pag mga artista ang nakakaharap ko, baka isnabin ako,” saad ni Queenay.

“Kasi siyempre, bago ako sa industriya ng ganito. Kaya ako, sobrang thankful and siyempre, nakita ko na totoo nga pala na hindi lang talaga sila, alam mo yun? Akala nila, matataray. Pero OK sila.”

May natapos pang isang movie si Queenay na idinirek ni Fifth Solomon at bida si Loisa Andalio. Nasasanay na ba siyang umarte?

“Masasabi kong ito ay magandang mga experiences para sa akin. Yes, oo, masasabi kong unti-unti, nasasanay ako,” sambit ni Queenay.

“Dahil siyempre sa bawat karakter na pino-portray ko and iba’t ibang kuwento, siyempre dun ako natutulungan to improve myself, and in order for me to grow as an artist.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nakatrabaho niya, sino ang nakatulong sa kanya para mas matuto sa pag-arte? Nagbigay ng tips, o nagpa-inspire sa kanya?

“Actually sa akin, ang nakapagbigay sa akin ng tip ay sina Victor, sina Ate Ria,” tugon ni Queenay.

“Actually madami, halos lahat ng nakatrabaho ko, nagbigay ng advice sa akin. Na gawin ko lang daw yung best ko, and yung pino-portray kong karakter, panindigan ko lang kung ano yung ibinigay sa akin ng direktor.

“Ayun, sobrang happy ako sa mga nakasama ko, and also lahat talaga sila, nakatulong sa akin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw akalain ni Queenay Mercado na darating ang panahon na makakaeksena niya ang kanyang idolo at kababayan na si Joshua Garcia.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results