PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Ochoa, may daring scene sa pelikulang Fruitcake?

Dominic: "Actualy, first time kong maghubad sa harapan ng tao."
by PEP Troika
Published Sep 24, 2023
Dominic Ochoa
Dominic Ochoa, may daring scene sa pelikulang Fruitcake: "Actually, it’s my first time na maghubad sa harapan ng tao. Hahaha! It was more on the character. Senador ako dun, and Heaven’s portraying a mistress. Pero may truth sa ginagampanan ko, kaya excited akong gawin."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Pinaka-veteran si Dominic Ochoa sa cast ng pelikulang Fruitcake kung saan gumanap siya bilang actor-turned-politician na sugar daddy ng karakter ni Heaven Peralejo.

Na-challenge pa ba o na-excite si Dominic sa role na iyon? O minani na lang niya?

“Actually, it’s my first time,” napangiting sambit ni Dominic sa mediacon nitong nakaraang Sabado, Setyembre 23, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Newport Mall, Pasay City.

“Enjoy kasi ako lalo na nung nalaman ko yung cast. It’s something na hindi mo puwedeng hindian.

“And thankful din ako sa show na ginagawa ko ngayon na pinayagan ako to shoot this movie.

“I think the show was meant to be extended. Kaya sabi ko, hihindian ko na ang movie na ito. But then, nag-adjust sila nung January, ‘Sige, gawa natin ng paraan.’

“So I’m thankful na nagawa ko ito. Unang-una, mga bata ang kasama ko, and I learned from them as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumustang katrabaho si Heaven? Tinanghal na Best Actress si Heaven sa 39th Luna Awards noong Agosto 26 para sa MMFF 2022 entry nitong Nanahimik Ang Gabi.

“Madali namang katrabaho si Heaven. And… actually it’s my first time na maghubad. sa harapan ng tao. Hahaha!” paghalakhak ni Dominic.

“But at the end of the day, it’s work. Kung comedy ang makikita ng tao, bahala kayo.

“It was more on the character. Senador ako dun, and Heaven’s portraying a mistress. Pero may truth sa ginagampanan ko, kaya excited akong gawin.

“And yun, hopefully magustuhan ng tao. It’s a piece of the fruitcake, yung istorya namin.”

Maliban kina Dominic at Heaven, nasa cast ng Fruitcake sina Joshua Garcia, Empoy Marquez, Enchong Dee, Ria Atayde, Jane Oineza, KD Estrada, Queenay, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada, at Karina Bautista.

Ang Fruitcake ay prinodyus ng Cornerstone Studios at Create Cinema. Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng ABS-CBN Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Kasama si Dominic sa Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, na mahigit isang taon na sa ere.

Most Kapamilya stars na nakatrabaho niya before ang kasama ni Dominic sa pelikulang Fruitcake.

Mas nae-enjoy ba niya na lumawak ang sakop ng kanyang mga nakakatrabaho?

Kumportable siya sa mga katrabaho niyang taga-ABS-CBN, at may regular show pa siya sa GMA-7.

“I’m thankful. Because hindi naman natin gusto na magsara yung ating istasyon,” pahayag ni Dominic.

“But eventually, I was offered that show nung time na natapos ako sa Huwag Kang Mangamba.

“And then pinayagan din naman ako nina Direk Lauren [Dyogi]. They’re open about it.

“So it’s a good experience. Kasi, twenty-five years ako sa ABS-CBN. So natutuwa rin naman ako at very thankful because the show is running for a year.

“And it’s a good experience na makatrabaho mo yung sa kabila. Na yung ibang kultura.

“You don’t compare but at least you see yung nasa ibang daan. Parang wala rin namang pagkakaiba, pero at least you get to work with other co-actors.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakakatuwa rin because they’re all… yung nakabukas ang pintuan. Nakikita mo na very accommodating.

“Parang pagkakakilala mo sa kanila, sasabihin parang kasama na sa pananalita nila na, ‘I hope to work with you soon.’ Yung ganun.

“So gaya ng sinabi ni Jane kanina, maliit ang role, dalawa lang ang eksena, whatever — as long as it’s work, it’s work.

“You have to give justice to it. And mahal ko ang trabahong ito kaya ako nandito for twenty-six years.

“I never imagined myself being in this business. Never dreamt of it. But feeling ko, dito na ako mamamatay. Ito na yung kaligayahan ko.”

Tanggap na ni Dominic na matanda na siya sa industriya ng telebisyon at pelikula.

Ani Dominic, “What is important is… the more na ang mga nakakatrabaho ko, mga bago, mga bata, the merrier. Mas masaya.”

Mas masaya rin sa nakakapag-work siya sa iba-ibang istasyon.

“I think it’s about time to collaborate with each other. Siguro panahon na para huwag tayong maghiwa-hiwalay,” sey ni Dominic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatuwa, yung seeing everyone. Si Josh, nasa GMA Gala. Nandun si Tita Cory [Vidanes], sina Boss Carlo [Katigbak].

“So it’s good to see everyone being with… kahit yung boss ko ngayon, sa TV5 ngayon. So parang andaming pintuang nagbubukas.

“Akala natin, nagsara. Pero pag minsan, pag tatanungin natin, may nagbubukas na pintuan pag pinagsarhan na.”

NOEL FERRER:

Bilib ako kay Dominic Ochoa. Ilagay mo man siya sa drama o comedy, kayang-kaya niya iyan!

Dom is also a good example na kapag magaling ka na at mahusay kang makisama ay hindi ka mahihirapang maghanap ng trabaho.

Undoubtedly, Dom is one of the coolest and easiest people one can be with. He is very grounded, and for years now, he is a tried and tested friend.

Good things truly happen to good people! Way to go, Dom!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Ochoa, may daring scene sa pelikulang Fruitcake: "Actually, it’s my first time na maghubad sa harapan ng tao. Hahaha! It was more on the character. Senador ako dun, and Heaven’s portraying a mistress. Pero may truth sa ginagampanan ko, kaya excited akong gawin."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results