JERRY OLEA
Rerebyuhin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang complaints sa TV5 noontime show na E.A.T., partikular sa “lubid” joke ng host na si Joey de Leon.
Read: Netizens call out Joey de Leon for "lubid" joke on 'E.A.T.'; dare MTRCB to step in
Narito ang kabuuan ng press release ng MTRCB na in-email sa PEP Troika ngayong Setyembre 25, Lunes ng umaga:
“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”

Ang chairperson ng MTRCB ay si Lala Sotto, daughter ni Sen. Tito Sotto na isa rin sa hosts ng E.A.T.
NOEL FERRER
I’m pretty sure, as with the past issues lalo na on noontime shows, MTRCB Chair Lala Sotto will not meddle or have anything to do with the Board’s decision and mag-i-inhibit iyan sa magiging ruling sa issue.
If the process serves us right, naka-assign na iyan sa review committee.
Read: MTRCB Chair Lala Sotto, di kasama sa mga bumoto sa 12-day suspension ng 'It's Showtime'
And knowing Lala na may delicadeza, hands off na siya riyan. Let the whole thing go through the natural process. Wait and see tayo bilang audience.
GORGY RULA:
Sayang ang paglunsad kay Atasha Muhlach, ibinitin patiwarik ng “lubid.”
Read: Atasha Muhlach, positive reviews sa televiewers sa unang araw niya bilang E.A.T. Dabarkads
Hindi sa kung ano pa man, hindi ko nakitaan ng ibang ibig sabihin ang pagkabanggit ni Joey ng lubid.
Napanood ko ang segment na yun at sa totoo lang, nakihula rin ako at nabanggit ko rin ang lubid na wala naman sa limang bagay na pinapahulaan. At wala sa isip ko na gagamitin iyung pambigti.
Minsan, may mga naiisip tayo na lumalabas sa bibig natin na wala namang ibang ibig sabihin. Naiiba lang kapag nabigyan na ng ibang kahulugan.
Kaya mag-ingat na lang talaga sa mga sasabihin sa live show.
Pero bago ito harapin ng MTRCB, napagdesisyunan na kaya ang kaso ni Wally Bayola?
