JERRY OLEA:
Pinaluhod ni Valak ang bagong bukas na action film nina Sylvester Stallone, Jason Statham, Dolph Lundgren, at Randy Couture.
Ayon sa Box Office Mojo, nanguna pa rin sa takilya ng North America last weekend, September 22-24, 2023 ang supernatural horror film na The Nun II na tampok ang demonyong madre na si Valak.
Three consecutive weekends itong number one sa box office ng U.S. at Canada.
On its third weekend ay humamig pa ito ng $8.55M.
Read: ‘The Nun 2’ pinipilahan sa local theaters; nanguna sa North America
Pumangalawa lamang ang Expend4ables also known as The Expendables starring Stallone et al., with $8.04M.
Inalipusta ng karamihan sa mga kritiko ang pelikulang ito, kung saan kalahok din sina Megan Fox, Andy Garcia, Curtis “50 Cent” Jackson, Tony Jaa, Iko Uwais, Jacob Scipio, at Levy Tran.

Ito ang pinakamahina ang opening sa apat na Expendables movies.
Iyong The Expendables (2010) ay $34.8M ang opening weekend gross, at nanguna sa takilya. Umabot sa $274M ang worldwide gross nito.
Iyong The Expendables 2 (2012) ay $28.6M ang opening weekend gross. Number 1 pa rin. Ang global gross, $230M.
Iyong The Expendables 3 (2014) ay $15.8M ang opening weekend gross, at ang total gross ay $214.6M. Ispageting pababa nang pababa.
Pero marami pa ring tagahanga sa iba’t ibang bansa ang 77-anyos na si Sylvester Stallone, maging ang 56-anyos na si Jason Statham.
Tingnan natin kung magkano ang hahamigin nito worldwide.
Samantala, lumampas na $200M ang global gross ng The Nun II. Naka-$204.6M na ito worldwide.
Kinabog na nito ang worldwide gross ng Insidious: The Red Door na $188.6M.

The Nun 2
Ang iba pang horror movies na lampas $100M ang worldwide gross this year ay Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($146.7M), at Haunted Mansion ($113M).
Ang production budget ng Haunted Mansion ay nasa pagitan ng $150M at $157.8M, kaya maituturing itong flopcheena easton. Semplangkuk!
Mag-o-open na sa local cinemas bukas, Setyembre 27, Miyerkules, ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Showing na rin bukas sa mga sinehan ang Lost in the Stars at Saw X.
Iyong The Creator ay nalipat sa October 4 playdate, kasabay ang The Exorcist: Believer.
Para sa update sa playdates, bisitahin ang Facebook pages ng SM Cinema at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), ganoon din ang website ng Click The City.

GORGY RULA:
Mula nang mag-reopen ang local cinemas noong Nobyembre 10, 2021 ay dalawang Pinoy movies pa lang ang tinangkilik nang lubos ng moviegoers.
Ang mga ito ay ang Maid in Malacañang, at ang MMFF 2022 official entry na Deleter starring Nadine Lustre.
Tingnan natin kung very good din ang kahihinatnan sa takilya ng bagong movie ni Kathryn, na kakaibang putahe.
Sina Kathryn at Alden Richards ang bida sa Hello, Love, Goodbye (2019), ang highest-grossing Filipino film sa kasaysayan. Pero hindi iyon adjusted sa inflation.
May forthcoming film din si Alden kung saan katambal niya si Julia Montes, ang Five Breakups And A Romance na magso-showing sa Oktubre 18.
Masipag sina Alden at Julia na mag-promote ng kanilang movie.
Naka-schedule ang “The Live Experience” promo ng Five Breakups And A Romance sa Marquee Mall Pampanga (Setyembre 30), Vista Mall Bataan (Oktubre 1), Fisher Mall Quezon City (Oktubre 7), Vista Mall Taguig (Oktubre 8, SM City Cebu (Oktubre 13), Star Mall San Jose (Oktubre 14), at SM Valenzuela (Oktubre 15).

NOEL FERRER:
Iba na ang panahon.
After COVID, understandably nag-iba na ang viewing habits ng mga Pinoy.
Aminin man natin o hindi, lubos na naapektuhan ang ating industriya dahil ang mga mainstream content ay mas tinatangkilik na sa mas murang platform like sa online.
Kaya doble or triple kayod ang mga tao para mahikayat ang mga manonood na tangkilikin ang kanilang output sa big screen.
Dito sa A Very Good Girl, maraming block screenings sa first two days. May theater tour ang cast.
Lubus-lubos ang pagpapalabas ng trailer, may mapangahas, may pam-fans, may panlahat.
Ngayong walang formula para maging box-office hit, magandang subaybayan kung kakagatin ng mga tao ang pelikulang ito — na anniversary offering ng minsang naging pinaka-powerful movie outfit sa bansa.
We wish everyone well.
Tulungan na lang sana tayo.
Dahil ang success nito ay pagbubukas sa iba pang puwedeng sumunod sa mga Pinoy content na sumaswak sa nagbabagong panlasa ng ating mga kababayan!!!
