JERRY OLEA
Kinanta ni Jillian Ward ang "Pangako Sa ‘Yo" sa 57th birthday celebration ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. noong Setyembre 25, 2023, Lunes, sa grand ballroom ng Okada Manila, Entertainment City, Parañaque.
Bahagi iyon ng TV special na si Idol Ko Si Bong, na ipapalabas sa Oktubre 7, Sabado, sa GMA-7.
Read: Senator Bong Revilla, sabay na ipinagdiwang ang 57th birthday at 50th anniversary in showbiz
“Sobrang grateful po ako na na-meet ko po si Sen, lalo noong bata po ako, five years old, naka-work ko po siya sa isa sa mga unang movies ko,” sambit ni Jillian.
Nagkasama sila sa mga pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote (MMFF 2010) at Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako (MMFF 2012).
Read: Bong Revilla at Jillian Ward, magre-reunion sa pelikula
Dagdag ni Jillian, “Nakakatuwa po kasi, hanggang ngayon, naaalala niya po ako. Mine-message niya po ako, at gusto po niyang gumawa ng movie with me.
“Sen, happy, happy birthday po sa yo! Sobrang naa-appreciate kita. Alam niyo po pag si Sen, parang… hindi mo po mararamdaman yung sobrang taas na ng estado niya sa buhay.
“Kasi, sobrang humble po niya. I mean kahit ako po, nilalaanan niya po ng time para tawagan, i-update po ako tungkol dun sa movie, kumustahin.
“So Sen, maraming salamat po! Kasi, parang meron po akong isa pang tatay sa showbiz.”
Kaya bang isingit sa schedule niya ang shooting ng movie nila ni Senator Bong?
“Ay! Isisingit ko po talaga sa schedule ko po yun! October po yata, mag-i-start na kami ng shooting,” tugon ni Jillian.
“Every Wednesday, isu-shoot po yung movie. Sobrang nae-excite po ako.
“Sabi ko nga po, kahit sobrang pagod ako from Abot Kamay Na Pangarap, tapos shooting nitong movie, wala pong problema.
“Kasi, blessing po siya, e. Kumbaga, alam niyo po ako, kahit gaano kapagod, pag andun na po ako sa taping, nakakalimutan ko na po ang pagod.
“Kasi, masaya po ako sa ginagawa ko.”
NOEL FERRER
Ang movie nina Senator Bong at Jillian ay inspired ng pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko (1999) kung saan gumanap na mag-ama sina Fernando Poe Jr. at Judy Ann Santos.
“Ganun po ang peg ng movie, at nakakatuwa po siya. Hindi lang po siya action, meron ding comedy at family drama,” sabi ni Jillian.
“Sa nakita ko po sa storyline na sinend po sa akin, parang inspirational po yung story.
“At saka nae-excite na po ako, kasi parang tatay ko na po talaga si Senator Bong.”
Gaya ng nasabi ni Senator Bong sa mediacon noong Agosto 17 sa SuperSam restaurant, for next year na ang showing nito.
Puwedeng sa Pebrero sa Valentine season, o kaya sa Hunyo bilang Father’s Day presentation.
GORGY RULA
Mahigit isang taon na sa ere ang afternoon drama series niyang Abot Kamay Na Pangarap, at namamayagpag ito sa ratings. Kinakabog nito maging ang primetime shows.
Read: 'Magandang Dilag,' extended; 'Abot Kamay Na Pangarap,' hanggang January 2024 pa?
“Salamat po,” pagngiti ni Jillian.
At hindi niya kailangan ng ka-love team. Nakatayo ang career niya on her own. Maghahanap pa ba siya ng makaka-tandem?
“Ako po kasi, ever since nga po, parang gusto ko po kasing mag-explore nang solo rin,” sabi ni Jillian.
“Gusto ko po magawa lahat ng character na gusto ko. Pero kunwari po sa loob ng show, or sa loob ng movie, wala naman problema na may kapares.
“Kumbaga kasi, part iyon ng istorya.”
Kung papipiliin siya ng makaka-partner, sino ang choice niya?
“Hala! Hindi ko po alam. Kung sino man po ang darating, at mabait at magaling na aktor, kahit sino po,” sagot ni Jillian.
