GORGY RULA:
Mahigit isang libong guests ang dumalo sa 57th birthday ni Senator Bong Revilla na ginanap sa grand ballroom ng Okada Manila nung Lunes, September 25, 2023.
Read: Senator Bong Revilla, sabay na ipinagdiwang ang 57th birthday at 50th anniversary in showbiz
Magkakasamang nagkahalubilo ang mga taga-politics at showbiz.
Sa laki ng ballroom at sa dami ng mga taong dumalo, posible talagang hindi magkikita-kita at hindi mapapansin ang ilang dumalong guests.
Hindi nga namin napansing halos magkatabi pala ng table sina Vhong Navarro at Cedric Lee.
Maagang dumating sina Vhong at Jhong Hilario, at ini-reserve nila ng upuan ang manager nilang si Direk Chito Roño na na-late dumating.

Huli na lang namin nalamang dalawang tables lang daw ang layo ng table nila sa kinauupuan ni Cedric.
Sabi ng ilang entertainment press na malapit sa table ni Cedric, baka nakita raw ito ni Vhong dahil parang umiiwas na raw ang It's Showtime host sa bandang lugar kontrobersiyal na negosyante.
Read: Court of Appeals junks bid to dismiss Vhong Navarro's illegal detention case vs Cedric Lee
Maagang dumating si Senator Lito Lapid at sinalubong ko siya para sabihing darating din ang anak niyang si Ysabel Ortega.
Napa-"huh!" na napaatras siya sa biro kong darating din si Ysabel na baka ipakilala sa kanya ang rumored boyfriend nitong si Miguel Tanfelix.

Hindi namin napansing nakaalis na si Senator Lapid nang dumating sina Ysabel at Miguel.
Sinabi ko kay Ysabel nandun ang Papa niya, at gusto raw sana niyang makita. Pinakiusapan ako kung puwedeng hanapin ang Papa niya, pero nakaalis na nga ito.
Sabi naman ng ilang nakausap ko, baka umiwas si Senator Lapid na pagkaguluhan pa sila ng media kapag magkita silang mag-ama at kung ipakilala pa si Miguel.
Nagpakilala naman si Miguel kay Iza Calzado na siya yung batang gumanap na Pagaspas sa Mulawin.
"Ang tanda ko na!" bulalas ni Iza na nagulat nang makilala si Miguel na binatang-binata na.

May ilang nagtanong sa amin kung bakit dumating din sa birthday party ni Senator Bong si Herlene Budol aka Hipon Girl.

Inimbitahan naman si Herlene, at iba pang mga Kapuso stars bilang suporta sa 50th anniversary ni Senator Bong sa showbiz.
May nagkuwento kasi sa aming baka si Herlene ang isa sa bagong cast sa season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Bagay naman si Herlene mag-comedy, e, kaya puwedeng-puwede siya sa action-comedy series na ito ni Senator Bong.
Nag-enjoy ang mga artistang ngayon lang uli nagkita-kita sa isang selebrasyon pagkatapos ng halos tatlong taong nasa pandemya.
Kaya sobrang nagpapasalamat si Senator Bong, pati ang maybahay niyang si Congresswoman Lani Mercado, sa suporta ng mga kaibigan sa movie and TV industry.
JERRY OLEA:
Nilapitan ko si Herlene Budol at inusisa kung puwede siyang mainterbyu sandali.
Tugon ni Hipon Girl, “Sige, pero mamaya na. Magpapa-picture muna ako sa mayayaman!”
Marami ring nagpapa-picture with Herlene, kaya hindi niya agad-agad na-achieve ang pagpapa-picture sa mga rich and famous.
Pero nakeri niyang magpa-pic kay Congresswoman Lani, at birthday boy na si Senator Bong Revilla, and more.

Congresswoman Lani Mercado and Herlene
Kung cleavage at cleavage din lang ang laban, wagi sina Herlene at Ruffa Gutierrez.
Kung slit ang tagisan, llamado si Gladys Reyes.
Panay-panay ang pa-picture ng mga tao sa party ni Senator Bong. Siyempre pa, ang birthday celebrator ang pinagkaguluhan nang lubos.
Si Pola Mayor Ina Alegre, bukod kay Senator Bong, ginusto talagang magpa-picture kina Sen. Manny Pacquiao at Aga Muhlach.

Sandamukal din ang nagpapa-picture kay Senator Robin Padilla.
Mukhang unbothered siya sa accidental exposure ng private part niya sa live selling ni Mariel Rodriguez noong Setyembre 23, Biyernes.
Read: Mariel Padilla reacts to husband Robin Padilla’s accidental exposure
Applauded pa nga ang performance ni Robin sa TV special na Idol Ko Si Bong na ipapalabas sa Oktubre 7, Sabado, sa GMA-7.
Magiliw na pinagbigyan kami ni Robin nang magpa-picture kami ni katotong Dondon Sermino sa kanya.

Natutuwa siyang makita ang mga showbiz journalist na kakilala niya noong baguhan pa lang siya sa showbiz. Nahiya na akong usisain siya tungkol sa paglabas ng kanyang private part.
Read: Robinhood Padilla’s manhood accidentally makes an appearance and here’s what we think
Wish ko sanang malitratuhan si Robin sa mga dating leading lady niya na sina Ruffa at Dawn Zulueta, pero nahila na siya ng mga tao.
Tuwang-tuwa rin sina Angelu de Leon at Mikee Cojuangco na makita ang kagaya naming “oldies” sa showbiz.
Naalala ko iyong panahon na neneng-nene pa ang dating nila at walang muwang sa “ways of the flesh”!

Sa dami ng tao sa party, hindi ko nakita sina Direk Chito Roño, Vhong Navarro, BJ “Tolits” Forbes, Jhong Hilario, Edgar Mortiz, Senator Cynthia Villar, Senator Loren Legarda, Senator Raffy Tulfo, at iba pa.
Nakita ko na lang sa Facebook posts ng mga kaibigan na present din sila sa nasabing event.
Nakakakilig ang duet nina Sen. Bong at Congw. Lani, kaya natawa ako nang mabalitaan ko ang reaksiyon ng isang magandang aktres nang mga sandaling iyon.

Naaliw kami nang malitratuhan sina Alma Moreno at Charlene Gonzalez na kapwa gumanap na Dyesebel sa pelikula.

Ang kaibigang Ogie Narvaez Rodriguez, proud na nalitratuhan together ang dating matinee idols na sina Aga Muhlach at Gabby Concepcion, na parehong Icons honorees sa Eddys awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Oktubre 22, Linggo, sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City.

Nag-video message si Sharon Cuneta kay Senator Bong.
Present sa party si Gabby, at iniiwasang pagtagpuin sila ni Sharon. Magkikita na lang sina Shawie at Gabo sa Dear Heart concert nila sa Oktubre 27 sa SM Mall of Asia Arena.
Mahigpit na nagyakapan sina Richard Gutierrez at Direk Mac Alejandre nang magkita. Mentor ang turing ni Chard kay Direk Mac.

Nagpaubaya si Senator Chiz Escudero nang humiling ang veteran columnist na si Erlinda Rapadas na magpa-picture with him.
Tumanggi si Senator Chiz nang tanungin namin kung pwede siyang kunan nang solo.

Andami pang nakakaintrigang sidelights sa bday party ni Sen. Bong, sa totoo lang!
NOEL FERRER
Maganda ang pagsasama-sama ng mga personalidad sa TV, pelikula at maging sa politika sa birthday party at anniversary ni Senator Bong Revilla.
Sana, mapanghawakan ni Senator Bong ang pagkakaisa para hindi lang birthday at anniversary niya, kundi sa lahat ng issue like working hours, benefits, censorship, at kahit na theater prices maging active muli tayo at tuluy-tuloy ang pagtutulungan.
Sino na nga ba ang magtutulungan kundi tayu-tayo na rin lang na walang Confidential Funds, di ba?
