JERRY OLEA
OK lang kaya sa Marcos loyalists ang Chilean black comedy horror film na El Conde, na nag-streaming sa Netflix umpisa Setyembre 15, 2023?
Ang El Conde ay nag-premiere sa 80th Venice International Film Festival noong Agosto 31, 2023, kung saan nagkamit ito ng Best Screenplay award. Idinirek ito ni Pablo Larrain.
Kastila ang dialogues sa El Conde, pero English ang salita ng narrator—na mabubunyag ang katauhan sa bandang dulo ng pelikula.
Sa kalagitnaan ng pelikula, ang dayalogo ng isang karakter sa English subtitles ay nagbanggit sa ama ni President Ferdinand Marcos Jr.na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sabi ng karakter patungkol sa $3M in personal checks, “It sounds a lot, but in the grand scheme of things, it’s really not.
“Compare it to Fulgencio Batista or Ferdinand Marcos. Next to those guys, our fortune’s a pittance.
“Now, they were corrupt. And murderers too.”

Si Fulgencio Batista ay presidente ng Cuba mula 1940 hanggang 1944, at diktador mula 1952 hanggang 1959.
Si Ferdinand Marcos ay presidente ng Pilipinas mula 1965-1986 o mahigit dalawang dekada, at itinuturing na diktador mula nang ideklara niya ang martial law noong 1972.
Read: "UP Days of Remembrance" lilinawin ang myths & misinformation sa martial law at rehimeng Marcos
Ang El Conde sa pelikula ay ang Chilean general and dictator na si Augusto Pinochet (ginampanan ni Jaime Vadell), na pumanaw noong Disyembre 10, 2006.
Sa istorya, si Agusto ay isang bampira na 250 taon na, at gusto nang mamatay.
Meron kayang dudulog sa MTRCB para ipatanggal sa Netflix Philippines ang satire na El Conde?
NOEL FERRER
Ang nakasulat sa kasaysayan ay hindi mababago. At hindi solusyon ang pagpapatanggal nito sa anumang platform.
Katulad na lang ng patuloy na pag-refer sa dating Presidente Marcos sa mga newscast bilang diktador, nakabase rin yun sa katotohanan ng kasaysayan.
Mga kababayan, sino ang mas papanigan ninyo: ang kapangyarihan ba o katotohanan at kasaysayan?
GORGY RULA
Nakalagay sa poster ng El Conde na isa itong satire.
Ang pakahulugan ng Merriam-Webster sa satire ay “a literary work holding up human vices and follies to ridicule or scorn.”
Agaw-eksena sa El Conde si Stella Gonet bilang Margaret Thatcher, ang prime minister ng United Kingdom mula 1979 hanggang 1990.
Mula nang mag-streaming ang El Conde sa Netflix, hindi pa ito pumapasok sa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines Today.
