PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla Appeals for Showtime Staff Pay

Hindi paghingi ng paumanhin ng 'It's Showtime,' nakaapekto sa desisyon ng MTRCB?
by PEP Troika
Published Sep 29, 2023
it's showtime suspension
Senator Bong Revilla (not in photo) to appeal "no work, no pay" policy for 'It's Showtime' staff and crew affected by 12-day suspension by MTRCB.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

JERRY OLEA

Umapela si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikonsidera ang "no work, no pay" na mga manggagawa ng It’s Showtime habang dinidinig pa umano ang apela hinggil sa 12-day suspension na ipinataw rito ng MTRCB.

Ang hakbang na ito ni Senator Bong ay bunsod ng pagbasura ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Setyembre 28, 2023, Huwebes, sa isinumiteng motions for reconsideration ng ABS-CBN Corporation at ng GMA Network, Inc. para sa noontime variety show na It’s Showtime.

Read: MTRCB junks motion for reconsideration of 'It’s Showtime'

Pahayag ni Senator Bong, “Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan ng mga maliliit na staff at crew ng naturang show na wala namang kinalaman at kasalanan sa mga nangyari.”

Binigyang-diin ni Senator Bong na hindi niya pinakikialaman kung anuman ang kahihinatnan ng kaso ngunit nababahala siya sa kalagayan ng mga manggagawa na labis na maapektuhan, partikular ang mga magulang na may pinag-aaral na anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sila yung mga 'no work-no pay' na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at walang kakainin, lalo pa at kabubukas lang ng klase, paano na yung mga batang nag-aaral na umaasa lamang sa magulang na empleyado ng naturang show?” hinaing ni Sentor Bong.

Naniniwala si Senator Bong na magsusumite ng apela ang ABS-CBN at GMA-7 sa tanggapan ng Pangulo sa loob ng 15-day period na pinapayagan naman, at buo umano ang kanyang kumpiyansang kapag na-review ang pangyayari ay iiral na ang humanitarian considerations.

“I think lessons have been learned, kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don't punish those working hard day in-day out just to eke out a living," sabi pa ni Senator Bong.

Read: MTRCB Chair Lala Sotto denies conflict of interest; ignores calls to resign

NOEL FERRER

Kaisa tayo ng mga maliliit na manggagawa sa kanilang sitwasyon. Hindi naman sila dapat maipit sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paano kaya ang gagawin sa kanila?

Bigyan ng ibang trabaho ng kumpanya para ma-offset ang mga araw na hindi nila ipagtatrabaho? Or ia-absorb muna ng kumpanya ang cost ng kanilang forced leave?

Or ang apela ay yung hindi naman ganun ang ipataw na consequence?

Parang kailangan pa ng clarification dito.

GORGY RULA

Noong meron pa akong show sa GMA-7, naranasan ko ring masuspinde at wala talaga akong kinita sa loob ng dalawang linggo, dahil nga sa "no work, no pay" na sistema.

Ganyan ang karamihang nagtatrabaho sa telebisyon na hindi regular employee. Kaya kawawa rin talaga sila kung wala silang kikitain kapag matuloy ang 12-day suspension sa It's Showtime.

Iyon ang iminumungkahi ni Senator Bong: na patuloy pa rin silang sasahod kapag hindi naiere ang It's Showtime.

Pero ang dinig ko naman, tuloy pa rin daw ang programa. Maaring papalitan muna ang titulo at iibahin ang format, iba ang mga segments na ipalalabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero umaayon ako sa isa pang hiling ni Senator Bong na sana, bigyan ng konsiderasyon at magsisilbing leksyon na ito sa lahat na bumubuo sa naturang noontime show.

May ilan din akong nakausap na may ideya sa naging desisyon ng commmittee on adjudication ng MTRCB, na baka raw napagaan ang ipinataw na desisyon kung nagpakumbaba ang mga taga-It's Showtime at humingi sila ng paumanhin.

Read: MTRCB chair Lala Sotto insists "no bias" in dealing with 'It's Showtime,' 'E.A.T.' alleged violations

May mga nagparating ng reklamo sa MTRCB na tingin nila ay na-offend sila para sa mga batang nanonood. Sana, doon na sila humingi ng paumanhin sa mga nasaktan o na-offend sa ginawa ng ilang hosts ng It’s Showtime.

Hindi naman ikasisira ng show at ng image nila kung nagpakumbaba na lang at humingi ng paumanhin.

Yun ang kaibahan ng programang E.A.T. na kaagad humingi ng paumanhin si Wally Bayola nang narinig ang pagmumura niya sa live show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wally Bayola apologizes for cursing on 'E.A.T.': "Nagkamali po ako dun."

Doon sa "lubid” joke ni Tito Joey de Leon ay humingi rin ng paumanhin ang production staff at nangakong magiging maingat na sila.

Kaya hindi na ako magtataka kung maabsuwelto ang E.A.T. dahil tinanggap nila ang kanilang pagkakamali at humingi sila ng paumanhin.

Read: ‘E.A.T.’ apologizes to MTRCB for Joey de Leon’s “lubid” joke

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla (not in photo) to appeal "no work, no pay" policy for 'It's Showtime' staff and crew affected by 12-day suspension by MTRCB.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results