GORGY RULA
Ngayong Biyernes, September 29, 2023 ang deadline ng submission ng finished film para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Read: MMFF 2023 Update: Dalawa na ang nasa post production, dalawa pa ang nagsu-shooting
Ang dami ng titulong naglalabasan sa social media, at ang ilan sa kanila ay nagpa-presscon pa sa pag-asang mapansin ito ng MMFF Screening Committee.
Ang lakas ng dating ng trailer ng Shake, Rattle & Roll Extreme na palagi namang nakakapasok sa MMFF. Pero tingnan natin kung makakapasa ito sa grupo ng screening committee.
Si Baron Geisler naman ay umaasa at nakikiusap na mapansin ang dalawang pelikula niyang nagsumite sa naturang filmfest.
Bahagi si Baron ng GG The Movie, ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na tumatalakay sa esports at pinagbibidahan ni Donny Pangilinan.
Read: Bagong pelikula ni Donny Pangilinan na 'GG,' isang family event
Sabi ni Baron, sobrang naka-relate siya sa pelikulang ito lalo na sa role na ginagampanan niya bilang si Coach Kurt.
"Oo e. Nung time na laos ako, pero gusto ko mag-comeback... parang ganun e," paliwanag niya sa role na ginagampanan niya sa pelikulang ito.
“Ayokong ma-spoil, e. Basta this is a movie of second chances. Not only sa success, but also sa relationships," dagdag niyang pahayag.
Ang isa pang pelikulang ipinagmamalaki niya ay ang obra ni Direk Brillante Mendoza na Moro.
Kung hindi ako nagkakamali, sinimulan ito ni Direk Brillante mga dalawang taon na ang nakararaan, at ngayon lang niya natapos.
Isinumite rin daw nila ito sa MMFF, sabi ni Baron.
"We're praying. Sana po, mga taga-Metro Manila filmfest. Kasi family movie to e. Kasama ko sina Christopher de Leon, si Piolo [Pascual], Direk Laurice Guillen as our mother, Joel Torre, at marami pa.
"Sana po, kasi ang ganda po ng other film ko e. It's about forgiveness. We're going to Busan Film Festival for that.
"So, hopefully mapanood ng taga-Metro Manila Flm Festival. Pati tong GG the Movie," saad ni Baron.
Pinaghahandaan naman na ni Baron ang pagdalo niya sa ABS-CBN Ball bukas, September 30.
Ang laki ng pasasalamat niya sa mga boss niya dahil pinadalhan siya ng imbitasyon, pagkatapos ng mahabang panahon na hindi siya nakakadalo sa ganung pagtitipon.
Read: Baron Geisler gets invited to ABS-CBN Ball after 14-year ban: “I won’t mess it up.”
"Excited ako. Sobrang grateful po ako kay Tita Cory [Vidanes]. May damit na po ako by Avel Bacudio.
“And, best forward, sober party, sobrang natutuwa ako sa kagrupo ko sa production, directors and co-stars ko sa Senior High. They're very supportive sa mental health issues ko,” sabi ni Baron.
NOEL FERRER
Hindi nakahabol sa deadline ang drama movie nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad na A Journey.
Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis
Magda-dubbing pa lang ang mga artista at lalapatan pa ng kanta. May nabili silang kanta ni Ogie Alcasid, at isang banda, at isang English song.
Sobrang ganda raw at nakakaiyak ang pelikula, bukod sa napakagaling ng tatlong artista.
Basta, aabangan natin ang A Journey.
JERRY OLEA
Dalawang obra ni Direk Joel Lamangan ang may chance na pumasok sa MMFF 2023.
Puring-puri ni Direk Joel sina Charlie Dizon at Lotlot de Leon sa Ang Ina Mo. Take note na naging best actress si Charlie sa MMFF 2020 para sa Fan Girl.
Read: Rico Barrera, "pinag-agawan" nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon
Ang isa pang panlaban ni Direk Joel ay ang Lola Magdalena starring Gloria Diaz, na naging best supporting actress sa MMFF 1998 para sa Jose Rizal.
Nasa cast din ng Lola Magdalena sina Liza Lorena, Sunshine Cruz, Perla Bautista, at Pia Moran.
Read: Direk Joel Lamangan, marami nang restrictions pagkatapos ng triple bypass surgery
Maliban sa Moro, may dalawa pang movie si Piolo Pascual na pwedeng pumasok sa MMFF 2023.
Ang Mallari, na unang horror film ni Papa P, at interesting ito para sa akin.
Andiyan din ang makasaysayang Gomburza The Movie, kung saan co-stars ni Piolo sina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.
Teka! May aspiring entry ba sa December filmfest ang Superstar at ang Star for All Seasons?
Hindi pa natin nakumpirma kung isinumite ang Pieta nina Nora Aunor at Alfred Vargas. Nasa cast din nito sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Bembol Roco, at Ina Raymundo.
Hindi rin natin confirmed kung isinumite ang reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na When I Met You in Tokyo.
