PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V on MTRCB restrictions

Michael V: "Nasa society na talaga yung control, more than the MTRCB."
by PEP Troika
Published Oct 1, 2023
Michael V weighs in on restrictions of MTRCB
Michael V on netizens' content consumption: "Nasa society na talaga yung control, more than the MTRCB. Nasa netizens. Sila yung magsasabi kung ano talaga yung naa-appreciate nila, at hindi nila naa-appreciate. Sila ang magsasabi kung ano ang nakaka-offend, at hindi nakaka-offend."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Naghimutok si Michael V sa restrictions ng society sa mga komedyante ngayon. Nagbiro tuloy si Bitoy na sasabak na lang siya sa pagpapaseksi sa Vivamax.

Sa tingin ba niya, kailangan pa ba ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) to police upang may check and balance?

"Ah, yes!” bulalas ni Michael V sa closing ceremony ng third Philippine Film Industry Month nitong Setyembre 29, 2023, Biyernes, sa Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa City.

"I believe na ang MTRCB, meron talaga dapat na ano. Sila yung mediator, e.

"Kahit naman sabihin nila na, ‘Huwag mong gawin ito,’ puwede mo pa rin namang ipilit kung gusto mo talaga, e. Kaya lang, magkakaproblema ka.”

Online?

“Hindi! Minsan nga, di ba, kahit online, sinasabi nila — sa social media, sa online, sa YouTube, walang ano. Walang restrictions, puwede mong gawin kahit ano.

"Pero naka-cancel ka pa rin. So, ang ano na ngayon, nasa society na talaga yung control, more than the MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nasa netizens. Sila yung magsasabi kung ano talaga yung naa-appreciate nila, at hindi nila naa-appreciate.

"Sila ang magsasabi kung ano ang nakaka-offend, at hindi nakaka-offend.

"Ngayon, kung ikaw ay persistent talaga na komedyante, and you want to prove a point, you will find a way para maipaalam sa mga tao, sa netizens at sa MTRCB na, ‘Itong ginagawa ko, hindi mali.’ There are ways.”

Mahirap iyon dahil may personal biases ang mga tao.

Umayon si Michael V, “Tama, oo. Kaya kailangan na ma-win over mo lahat ng puso ng mga tao, e.

"Dun pumapasok yung image mo, yung good character mo. And more often than not, pagka totoo ka sa sarili mo, dun nila malalaman at dun ka nila susuportahan."

Read: Michael V honored at 3rd Philippine Film Industry Month

GORGY RULA:

Patok na patok ang mga parody o spoof ni Michael V ng music videos. Milyun-milyon ang views sa iba’t ibang social media platforms.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anu-ano ang challenges sa pagbuo niya ng parody?

“Nowadays, dahil napaka-rampant na ng social media, at nakikita mo na visually kung sino itong mga pina-parody nila, at kung saan-saan nakikita at naririnig mo yung mga pina-parody nila, pinakita ko sa isang vlog ko yung mga criteria ko kung paano gumawa ng parody,” saad ni Bitoy.

"And doon makikita mo talaga na hindi ganun kadali… pinapahirapan ko actually ang sarili ko! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Puwede namang kung anu-ano lang, e. E, kaya nga lang, dahil matagal na tayo sa industriya, at yun nga yung pangarap natin.

"Na kahit papaano, itaas nga yung level, e kinakailangang gawin ko yung mga gawa ko.”

May social statements ang kanyang mga parody. May mga pa-shade, at may mga nasasapul.

"Isa nga iyun sa paraan ng pag-e-elevate ng humor. Na kahit nakakatawa yung ginagawa mo, kahit nakakatawa yung pinapakita mo, may natututunan," sey ni Bitoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May tinatamaan."

Paano iyong ibang hindi natututo? Hindi nage-gets ang pinupunto ng kanyang parody? Masyadong mataas para sa kanila ang ganoong klase ng humor.

"Ganun talaga, e. Ha! Ha! Ha! Ha! One person at a time. One Filipino at a time,” sambit ni Bitoy. “One netizen at a time. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Read: Paolo Contis on axed Bubble Gang cast members: "We're not taping friends. We're friends."

NOEL FERRER:

I look up to and respect Bitoy because he is well grounded and he knows kung ano ang importante at kung ano ang nagma-matter sa buhay.

He’s not out there to just be a crowd pleaser. He jolts people in his own unique way para matauhan o mapag-isip at maging mas mahusay at mas mabuti pang tao. Kitang-kita iyan sa comedy na ginagawa niya.

Hindi mapanira, nanggigising lang. Kung tamaan ka man, nate-take mo dapat — dahil higit niyang ipinapaintindi kung ano ang naturalesa at buod nating bilang tao. Anuman ang sabihin, mahal ko si Bitoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michael V, nag-sorry sa mga "napaso" sa kanyang bagong parody song

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V on netizens' content consumption: "Nasa society na talaga yung control, more than the MTRCB. Nasa netizens. Sila yung magsasabi kung ano talaga yung naa-appreciate nila, at hindi nila naa-appreciate. Sila ang magsasabi kung ano ang nakaka-offend, at hindi nakaka-offend."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results