PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol: may relasyon kay Rob Gomez?

Rob Gomez: "Si Herlene po, actually, I like to believe na magkaibigan kami."
by PEP Troika
Published Oct 1, 2023
Rob Gomez
Rob Gomez on real score with Herlene Budol: "Ano lang po siguro, dahil sobrang close lang namin and we are very comfortable with each other. Nakikita lang siguro on a social media perspective na baka there is something more? Pero so far, wala pa po."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Natapos na ang taping ng extended episodes ng Magandang Dilag na kinunan sa Clark, Pampanga.

Noon pa man ay may mga tsikang nagkakamabutihan na sina Rob Gomez at Herlene Budol. Iba raw ang closeness nila sa set na namamalisyahan na ng iba.

Pero ipinagkibit-balikat lamang ito ni Rob nang tinanong namin ito sa kanya sa nakaraang cast reveal ng pelikulang Shake, Rattle and Roll Extreme.

"Si Herlene po, actually, I like to believe na magkaibigan kami. Tropang tunay nga po yung describe niya sa akin, at napakabait po niya. At sana po, ako po'y... umaasa po kami na magkakaroon pa kami ng susunod na project," napangiting pakli ni Rob.

Naging close raw sila sa set, pero hindi umabot sa naging romantic na ugnayan.

"Hindi po natin masasabi," bulalas ng aktor. "Ano lang po siguro, dahil sobrang close lang namin and we are very comfortable with each other. Nakikita lang siguro on a social media perspective na baka there is something more? Pero so far, wala pa po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siya po ay napakaganda at napakabait na babae. Madami po siyang pinanindigan na pinanindigan ko din, at natutuwa ako sa pagtrato niya sa mga tao around her. So, who wouldn't fall in love with her, right?" dagdag niyang pahayag.

Gusto ni Rob na magkasama sila uli ni Herlene sa isa pang project. Pero thankful siya dahil sunud-sunod ang mga ginagawa raw niya ngayon.

Pagkatapos nitong SRR Extreme, meron pa raw siyang dalawang gagawing pelikula, at isa roon ay project ni Direk Erik Matti. Hindi lang daw niya masasabi kung ano ito.

Si Rob Gomez ang isa sa mga bida sa SRR Extreme episode na "Rage" ni Direk Joey de Guzman.

Read: Rob Gomez apologizes to Shaila Rebortera: "I promise that I will never hurt you again."

NOEL FERRER:

Sinagot ni Rob ang isyu ng pagkakaroon ng anak sa dating Ms. Millennial Philippines na si Shaila Rebortera.

Hindi raw niya itatago ang kanyang anak at naniniwala siyang hindi ito makakaapekto sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I never wanted to hide my baby. I love her so much. But I don't want to speak on to it. I don't wanna come up guilty or defensive.

"So, I just want to be a gentleman right now. Stand tall as the guy I am, and pay much respect to everyone who's watching, paying attention to whatever issue would take me.

"We live in a world where people can say anything about anyone at any time. Oftentimes it's meant with skepticism. So, I just don't wanna add to it and I'm here as an actor.

"People like me as an actor. I would want to be the best ever I can be right now.

"May nakita akong interview ni Tito Boy na yun nga, since we're in showbusiness, we can't really hide. So right now, who's hiding?"

Kung ano man ang isyu nila ni Shaila, inaayos daw niya ito sa ngayon. Mahal na mahal daw niya ang kanyang daughter.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Rob Gomez posts photos of Shaila Rebortera and their daughter for the first time

JERRY OLEA:

Sa paglantad ng mag-ina ni Rob, kung more than friends man sila ni Herlene ay hindi niya iyon puwedeng aminin.

Hindi bago sa showbiz ang ganitong scenario.

Tatlong dekada na ang lumipas, naghimutok ang isang makisig na aktor dahil ang sabi ng kakontemporaryo niyang aktres ay magkaibigan lamang sila.

“Napi-f*ng** ko na siya pero sa lagay palang iyon ay friends lang kami?!” sey ng makisig na aktor. Nagkahiwalay rin sila at nagkaroon ng kani-kanyang pamilya.

Read: Shaila Rebortera drops more bombs on physical-abuse allegation vs ex-boyfriend Rob Gomez

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez on real score with Herlene Budol: "Ano lang po siguro, dahil sobrang close lang namin and we are very comfortable with each other. Nakikita lang siguro on a social media perspective na baka there is something more? Pero so far, wala pa po."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results