PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kamikazee band, pinalayas ng gobernador sa Sorsogon

Kamikazee, hindi na pinag-perform sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon.
by PEP Troika
Published Oct 2, 2023
kamikazee
Sorsogon Governor Edwin Hamor on Kamikazee band (in photo): "May attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin. Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganun naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay?"
PHOTO/S: Kamikazee Facebook

GORGY RULA

Kalat na kalat na sa social media ng LGU ng Sorsogon ang nangyaring pagpapalayas ni Governor Edwin “Boboy” Hamor sa bandang Kamikazee na nakatakda sanang mag-perform sa Casiguran, Sorsogon, noong Linggo, October 1, 2023.

Read: Kamikazee holds emotional farewell gig #HulingSayaw; last concert to be held this December

Malaking event ang ginaganap ngayon sa probinsya ng Sorsogon kung saan ipinagdiwang nila ang Kasanggayahan Festival. Marami silang events ngayong buwan ng October.

Pero ang grand opening ng Kasanggayahan Festival ay sa October 8 kung saan magpe-perform si Vice Ganda kasama sina MC & Lassy, Zeus Collins, at ang grupong Six Part Invention.

vice ganda sorsogon concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May concert nung Linggo, October 1, sa Casiguran, Sorsogon na ang naka-lineup na mga bandang magpi-perform ay ang Kamikazee, Imago, at I Belong To The Zoo.

Nasa Facebook ng Sorsogon na punung-puno ang venue. Pero may nag-post ng video na nagsalita ang kanilang Gobernador na si Gov. Boboy Hamor.

Humingi siya ng paumanhin sa mga taong nanonood na hindi na makakapag-perform ang Kamikazee, na pinangungunahan ng bokalista nitong si Jay Contreras.

Pinaalis na raw niya ang banda. Hindi na rin nila ito pinatuloy sa kanilang hotel sa Recidencia Del Hamor sa Casiguran, Sorsogon, at ipinahatid sila sa airport. Doon na raw sila mag-umaga sa airport.

Hindi idinetalye ni Governor Hamor kung ano ang eksaktong ginawa ng taga-Kamikazee, pero sinabi niyang binastos daw silang mga taga-Sorsogon.

Bahagi ng kanyang talumpati sa mga Sorsoganon na dumagsa sa concert: “Sana na naintindihan niyo. Hindi ko gusto to.

"Kaso sinabi ko nga, may attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganun naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay?

"Inuulit ko, bayad yun. Kasi bago mag-perform sila dapat bayad. Pero pinauwi ko na, hindi ko na patitirahin yun sa Residencia. Pinauwi ko na sa airport, dun sila mag-umaga. Okay?

"Inuulit ko, hindi tayo puwedeng bastusin ang mga taga-Sorsogon. Pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon, pero huwag ganun. Huwag ganun na tayo'y bastusin. Okay?"

Sumasang-ayon naman ang mga nasa audience sa sinabi ng gobernador ng Sorsogon.

Nag-"okay!" sila sa mga sinasabi ni Governor Hamor.

Sabi pa ni Governor Hamor, “Vice Ganda, pasasayahin kayo. At dadalhin ko rito si Sarah Geronimo. Okay?"

Minura rin niya ang Kamikazee at sinabi niyang "daig pa ang suicide bomber."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Facebook naman ng Sorsogon Journal na meron silang online program na tinawag nilang Morning Hirit, na ang host ay si Arman Dematera.

Sinabi ni Arman na aalamin nila kung ano talaga ang eksakstong ginawa ng bandang Kamikazee, para palayasin sila ni Governor Hamor at hindi na pinag-perform. Aalamin pa raw nila kung ano talaga ang buong pangyayari.

NOEL FERRER

Wala pang pahayag ang bandang Kamikazee kaugnay sa insidenteng ito.

Nasa Facebook account pa nila na pinu-promote pa nilang magkita-kita sa Sorsogon pagkatapos ng concert nila sa Agusan del Norte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ng bandang Kamikazee as we are open to both sides of the story.

JERRY OLEA

Ngayong Lunes ng 10:59 a.m., nag-message ako sa Facebook page ng Kamikazee at nagtanong kung meron silang pahayag kaugnay sa nangyari sa Sorsogon.

Inuulit ko, bukas ang PEP.ph upang ilahad ang panig ng Kamikazee kaugnay sa usaping ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sorsogon Governor Edwin Hamor on Kamikazee band (in photo): "May attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin. Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganun naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay?"
PHOTO/S: Kamikazee Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results