PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo's US Film: Just 4 Viewers

Mag-promote kaya si Bea Alonzo kapag ipinalabas sa Pilipinas ang '1521'?
by PEP Troika
Published Oct 5, 2023
1521 movie
Hector David Jr. and Bea Alonzo in a scene from '1521: The Quest For Love And Freedom.'

GORGY RULA

Nagkumahog ang kaibigan naming si Louie Alejandro na naka-base sa Phoenix, Arizona, USA, na makakuha ng ticket sa special screening ng pelikulang 1521: The Quest for Love and Freedom tampok ang Kapuso actress na si Bea Alonzo bilang si Diwata.

Kuwento ni Tito Louie sa PEP Troika, nagkaroon ng special screening ng pelikulang ito nung October 2, 2023, Lunes, sa 200 sinehan sa buong Amerika.

Isang screening lang daw ito na simulataneous na ipinalabas sa mga sinehan sa buong Amerika. Dalawang sinehan daw ito sa Arizona.

Aniya, “Nalaman ko na it's a U.S. based production na ginawa sa Pilipinas. Sabi ko, ‘Aba, interesting ito!’

"Takbo ako agad. Hinanap ko kung saan ipapalabas.

“Alam niyo ba na ang pelikulang ito ay pinalabas ng isang araw na isang screening lang sa 200 moviehouses sa buong Amerika? Pero walang promotion na maayos.

"Excited ako baka mawalan ako ng ticket. Pagdating ko, wala kang makitang tao. Five minutes na lang, wala pa rin. Mabuti na lang, may pumasok na mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kasamaang palad, nag-umpisa na ang movie hanggang sa natapos, apat pa rin kami."

Hindi niya alam kung malakas sa isang sinehan, pero nawindang daw siya dahil apat lang sila sa loob ng sinehan. Pero nagandahan sila sa pelikula lalo na't doon lang daw nila nalaman ang kuwento ng pag-discover ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas.

“In fairness naman sa pelikula, ang ganda nang pagkagawa. Maganda rin ang acting ni Bea Alonzo at saka mga American actors. Magaling sila, in fairness talaga sa kanya, kaya niyang mag-deliver ng acting in English.

"Pero alam mo, biased ako. Mas gusto ko pa rin yung Maria Clara at Ibarra, sina Barbie Forteza. Mas nagagalingan ako kay Forteza," saad nito dahil parang mala-Maria Clara at Ibarra raw ang tipo ng 1521.

JERRY OLEA

Kinunan ang kabuaan ng pelikulang 1521: The Quest for Love and Freedom sa Palawan na kung saan kasama ni Bea sa cast ang ilang international actors — sina Danny Trejo bilang Ferdinand Magellan, Michael Copon bilang si Lapu-Lapu, Costas Mandylor bilang Lorenzo, at at Hector David Jr. bilang Enrique.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin sa pelikulang ito si Maricel Laxa.

Naalala namin ang kuwento na habang isinu-shoot ni Bea ang pelikulang ito ay kasabay nito ang taping niya sa Start Up PH.

Ang narinig naming kuwento noon, naloka raw ang production staff ng Start Up dahil pagbalik daw ni Bea ng taping galing ng Palawan ay tanned na ito. Nasisira ang continuity nila sa taping dahil nagsisimula sila sa maputing si Bea, tapos pagbalik nito galing Palawan ay maitim na siya.

Nabalita rin ito ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na nagtataka siya, bakit hindi pinu-promote ni Bea itong 1521 na nakatakda nang i-showing sa Amerika.

Mukhang may isyu raw ang Kapuso actress sa producer nito na maaring dahilan kaya hindi ito tumutulong sa promo ng naturang pelikula.

Tingnan natin kung tutulong ba sa promo si Bea Alonzo kapag ipinalabas ito sa Pilipinas.

Backdrop ng 1521: Quest for Love and Freedom ang Battle of Mactan. Pre-colonial times, at hindi pa pinapangalan ang ating bansa. 1543 pa tinawag ni Ruy Lopez de Villalobos ang ating archipelago na Las Islas Filipinas bilang parangal sa hari ng España na si Felipe el Prudente (Phillip the Prudent, Phillip II).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fantastic ang dating ng trailer kung saan nag-i-English si Lapu-lapu at ang katutubong prinsesa na si Diwata, maging ang Kastilang si Lorenzo, at ang Portuguese na si Fernando Magallanes o Ferdinand Magellan.

Nakaka-nose bleed ang Inglesan nila. Wala silang language barriers!

NOEL FERRER

Sayang naman ang effort ng lahat ng nagpagod at nag-ukol ng oras at resources para sa produksiyon na ito nang hindi man lang naipaalam sa publiko ang pagpapalabas nito.

Oh well, gusto nating malaman ang panig ni Bea Alonzo tungkol dito.

And since bihira nga siyang gumawa ng indie project, I’m sure may dahilan siya kung bakit itong proyektong ito ang napili niyang gawin.

Abangan na lang natin ang susunod na mangyayari sa pelikulang ito na 15:21: The Quest For Love and Freedom.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hector David Jr. and Bea Alonzo in a scene from '1521: The Quest For Love And Freedom.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results