JERRY OLEA
Pumuwesto agad sa No. 2 ang Keys To the Heart sa talaan ng Netflix para sa Top 10 Movies in the Philippines Today.
Bida sa nasabing comedy drama sina Zanjoe Marudo, Dolly de Leon, at Elijah Canlas.
Pinoy adaptation iyon ng 2018 South Korean film na kapareho ng pamagat, at tinampukan nina Lee Byung-hun, Youn Yuh-jung, at Park Jeong-min.
Read: Zanjoe Marudo at Elijah Canlas, nagpakitang gilas sa Netflix movie na 'Keys To The Heart'
Noong Oktubre 4, 2023, Miyerkules, nag-umpisa ang streaming ng Keys to the Heart.
Nasa Top 10 pa rin ang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na bida sina Paolo Contis at Joross Gamboa.
Setyembre 28 nag-umpisa ang streaming nito. Mula sa number 10, umangat ito sa pangwalong puwesto, naging panlima, pang-apat, pangatlo, hanggang bumalik sa number 4 today.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ngayong Oktubre 6, Biyernes: Nowhere, Keys To The Heart, Reptile, Ang Pangarap Kong Oskars, Divergent, The Roundup: No Way Out, Overhaul, Forgotten Love, The Black Book, at Love is in the Air.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today naman: Young Sheldon, One Piece, Sex Education, The Devil’s Plan, Frieren: Beyond Journey’s End, Destined With You, Jujutsu Kaisen: Shibuya Incident, Castlevania Nocture, Beckham, at Behind Your Touch.

GORGY RULA
Ang ilang producers ay gumagawa ng pelikula para sa streaming service kagaya ng Netflix.
Tuluy-tuloy ang pagpu-produce ng Mavx Productions para sa Netflix o iba pang streaming service.
Hindi nila isinumite sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikulang A Journey nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia.
Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis
Tinatapos na nila ang post production, at mukhang maganda ang deal sa Netflix kaya maaaring dito na muna natin ito unang mapanoood. Hindi pa nila masasabi sa ngayon kung naka-schedule ang showing sa mga sinehan dahil nakakatakot pa ring gumastos para sa promo nito, tapos hindi naman panonoorin.
Di ba, sumemplang naman sa takilya ang Ang Pangarap Kong Oskars, pero sa Netflix ay six days nang nasa top ten.
Natapos na ring i-shoot nina Paolo at John Arcilla ang Fuchsia Libre, at may pag-uusap din sila sa Netflix. Kaya nakakalungkot kung ang mga ganito kagandang pelikula ay sa Netflix na natin mapapanood, hindi sa wide screen.
Maganda ang feedback na naririnig namin sa Keys to the Heart, at maaaring mamamayagpag pa ito sa Netflix. Hindi na natin aasahang magkakaroon ito ng cinema release.
NOEL FERRER
Nakakatuwa ang feedback sa Keys to the Heart at gusto kong bigyan ng oras ito ngayong weekend
Regarding Netflix releases, tinanong ko ang ilang kaibigang producers kung nakakabawi sila sa investment nila kapag straight to streaming ang content nila at ang sabi nila’y oo raw.
Baka nga meron talagang pelikulang for streaming (na hindi napasasailalim sa MTRCB for now, ha) at meron talagang pangsinehan.
Ano kaya yung pelikulang Pilipino na makakapuno ulit ng sinehan to the brim? Aabangan at ipapanalangin pa rin natin iyan!
