PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan, bongga ang dalawang aspiring MMFF 2023 entries

"Dalawa o tatlo lamang ang kumikita talaga sa MMFF."
by PEP Troika
Published Oct 7, 2023
Joel Lamangan MMFF 2023
Director Joey Lamangan open to more acting stints, but no more directing a full-length teleserye: "Ay! Hindi na ako nagdidirek sa TV! Kasi, hindi ko na kaya ang mag-series. Hindi ko na kaya... E, mas stressful yon sa akin. I would rather have film than series." Seen on the upper right photo are Lotlot de Leon and Charlie Dizon for 'Ang Ina Mo'; lower right photo shows Liz Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista, Pia Moran, and Sunshine Cruz for 'Lola Magdalena.'
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Pina-preview ni Direk Joel Lamangan ang dalawang bagong pelikula niya sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

Noong Oktubre 3, 2023, Martes ang preview ng Lola Magdalena, na dinaluhan ng bidang si Gloria Diaz.

Noong Oktubre 5, Huwebes, ang preview ng Ang Ina Mo, kung saan um-attend sina Lotlot de Leon, Rico Barrera, at Jameson Blake.

Ang Lola Magdalena at Ang Ina Mo ay kabilang sa sandamukal na pelikulang umaasam na mapasama sa Final 4 ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maraming pelikula si Direk Joel na lumahok sa MMFF. Noon ngang MMFF 2004, tatlo sa walong entries ay siya ang direktor — Aishite Imasu 1941: Mahal Kita, Mano Po III: My Love, at So… Happy Together.

"Ibang panahon yun, e. Ibang panahon yun. Ibang panahon ngayon. Hindi na ngayon naggaganun," sambit ni Direk Joel.

"Di ba, nag-anu-ano nga, nag-react-react ang mga tao, bakit tatlo, akin? E, hindi ko naman pinili, sila naman ang pumili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatatlong best director award siya sa MMFF, katabla sina Jose Javier Reyes at National Artist Marilou Diaz-Abaya.

Sa tingin ba ni Direk Joel, dapat ibalik sa sampu ang official entries ng MMFF?

"Marami ang nag-a-aspire, kasi, ang December lang yata ang panahon na, at least, may audience na pupunta sa sinehan," lahad ng 69-anyos na direktor.

"Kaya ang dami-dami ngayon na gustong sumali. Pero dun sa walo na kasali, dalawa o tatlo lang ang kikita diyan. Hindi naman talaga lahat, kikita.

"Well, kung gagawing sampu ang festival entries, it does not assure na makukuha ng mga kasali na makukuha nila ang kanilang ROI [return of investment]. Hindi yan assurance.

"I've been in this business for more than three decades. I already know. I have been a constant participant as far as the MMFF is concerned.

"Kaya alam ko na dalawa o tatlo lamang ang kumikita talaga sa MMFF. Ngayon, kung dadamihan pa nila, magiging 10… dadami ang maghahati-hati, at hindi maibabalik ang kanilang capital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I hope, maraming-maraming-maraming manood. Sa akin, nararamihan na nga ako sa walo, e."

Read: Lotlot de Leon, nakaka-relate ba sa kuwento ng 'Ang Ina Mo'?

GORGY RULA:

Maraming producer at direktor sa local showbiz na gumagawa ng pelikula para sa streaming platforms.

Pag-ayon ni Direk Joel, "Streaming na talaga, not for the mainstream cinema anymore. For streaming outlets na."

Pamilya Roces (Oktubre-Disyembre 2018) ang huling teledrama na dinirek ni Direk Joel. Kasunod nito ang 2022 mini-series ng iWant TFC na Beauty Queens (6 episodes).

Magdidirek ba uli siya ng TV drama series? Napapanood na lang siyang umaakting bilang Roda sa FPJ’s Batang Quiapo.

"Ay! Hindi na ako nagdidirek sa TV! Kasi, hindi ko na kaya ang mag-series. Hindi ko na kaya," pagtatapat ni Direk Joel.

"Kasi, di ba, na-triple bypass na ako? Hindi ko na kaya ang stress ng TV series. Para sa mga bata na lang yun.

"Kung artista ako, wala akong pakialam — isang sequence lang, aalis na ako. E, kapag ikaw ang direktor, 65 sequences ang tatapusin mo sa isang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, mas stressful yon sa akin. I would rather have film than series. Siguro once in a while. Mga spe-special na mga two days taping lang. Hindi yung series na maraming-maraming sequences."

Ano ang edge ng Lola Magdalena para makasama sa Final 4 ng MMFF 2023?

"Well, for one, bibihira ang nagta-tackle ng problemang ganyan. Walang pelikulang nagha-handle tungkol sa problema ng aging prostitutes," tugon ni Direk Joel.

"Na culturally based naman sa atin. Meron namang ganyan talaga sa atin, pero walang nagha-handle. They ignore the fact na may mga ganung tao.

"Itong Lola Magdalena, matapang ito to confront that issue. Na they must be given a space in society. That’s why they were fighting for their house.

"That’s the only space given to them. Because they were considered outcasts. Kaya the house that was given to them, that’s their space in society.

"They’re fighting for their own existence. Fighting for their own rights. Yung bahay na yun is the only space they can have in that society that ostracizes them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya when they won, it’s a big victory for them. Ibig sabihin, at least meron silang space na tatawaging kanila."

Maliban kay Gloria Diaz, bida rin sa Lola Magdalena sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz.

May pagka-comedy ang Lola Magdalena. Maselan ang tema, pero light ang approach ni Direk Joel.

Pahayag pa ng multiawarded director, "Dark naman iyong Ang Ina Mo, na inspired ng Insiang (1976).

"Lotlot de Leon and Charlie Dizon are very good in that movie. Kaya lang it’s too heavy. Hindi iyun comedy. Wala iyung comedy. Pero may hope naman."

Read: Gloria Diaz, pumayag magtanggal ng underwear sa sementeryo sa isang eksena sa 'Lola Magdalena'

NOEL FERRER:

Aminado tayo na effort talaga ngayon ang magpalabas sa sinehan. At MMFF talaga ang pinaka-viable na playdate para ipalabas ang mga bagong sine sa mga theaters.

Thirty (30) films ang maglalaban-laban para sa natitirang four slots para sa official entries sa darating na MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan na lang natin ang announcement ng mga official entries sa darating na October 17.

Sa ngayon, double time ang selection committee sa pagpapanood ng lahat ng mga na-submit na mga pelikula.

Ang kaibahan lang, pansin ko, kung noon, sini-secret ang pagsa-submit ng mga entries para kapag hindi mapili ay walang stigma sa mga luhaang produksyon.

Kakaiba na ngayon, ang mismong producers at filmmakers na ang hayagang nagsasabing intended ito sa MMFF. May dagdag kayang pressure o bearing ito sa pagkakapili? Abangan natin sa October 17.

Read: Direk Joel Lamangan, dumami ang acting offers dahil sa 'Batang Quiapo'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joey Lamangan open to more acting stints, but no more directing a full-length teleserye: "Ay! Hindi na ako nagdidirek sa TV! Kasi, hindi ko na kaya ang mag-series. Hindi ko na kaya... E, mas stressful yon sa akin. I would rather have film than series." Seen on the upper right photo are Lotlot de Leon and Charlie Dizon for 'Ang Ina Mo'; lower right photo shows Liz Lorena, Gloria Diaz, Perla Bautista, Pia Moran, and Sunshine Cruz for 'Lola Magdalena.'
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results