GORGY RULA:
Lalong sineryoso ni Paolo Contis ang pagpapayat pagkatapos niyang na-shoot ang pelikulang Fuchsia Libre ng Mavx Productions.
Wagas ang pagpapayat ni Paolo para sa pelikulang ito para kapani-paniwala ang ginagampanan niyang role na isang MMA fighter, pero bading.
Nung sinimulan niya ang pelikulang ito, umabot ng 20 pounds ang na-lose niya. Pero pagkatapos ng shooting, 27 pounds na raw lahat ang nawala sa kanya.
Na-enjoy niya, kaya itutuluy-tuloy na niya ang pagpapayat. Diretso na siya sa pag-eensayo para ma-maintain niya ang magandang katawan.
Bukod sa mga matitinding fight scenes na ginawa niya sa ring, matindi rin ang mga drama scenes nila ni John Arcilla na tatay niya sa pelikulang ito.
"Madaming mahirap na eksena sa Fuchsia, pero ang gaan ka-work ni Tito John. Ang sarap niya panoorin at pakinggan kasi madadala ka, e.
"Every take, iba-iba ang binibigay niya kaya nakakagana mag-work," text sa amin ni Paolo.
Bukod dito sa Fuchsia Libre, natapos na rin ng Kapuso actor sa Mavx ang A Journey kasama sina Patrick Garcia at Kaye Abad.
Hindi na raw nila nahabol sa submission ng 49th Metro Manila Film Festival dahil hindi pa sila nakapag-dubbing at lalapatan pa ito ng music.
Nakipag-usap na sila sa Netflix para sa dalawang pelikulang ito. Hindi pa nila masagot sa ngayon kung ipalalabas nila ang mga ito sa mga sinehan.
Read: Paolo Contis, "no comment" sa engagement ng ex-partner na si LJ Reyes
NOEL FERRER:
Alam ng Mavx ang ginagawa nila, at ang nakakamangha ay they are able to navigate their way to streaming nang may return of investments — and may critical acclaim din.
Kaya magandang matuto sa sistema ni Lucky Blanco na maayos kausap at maayos ding magpatakbo ng kanyang team.
Kaya naman gagawaran siya ng Rising Producer Award sa 6th Eddys ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Read: 'Eat Bulaga!' magbabalasa ng mga co-host; Paolo Contis, hindi na magte-teleserye?
JERRY OLEA:
Tuluy-tuloy lang sa pagkayod si Paolo. Dalawa ang TV shows niya sa GMA 7, ang Eat Bulaga at Bubble Gang.
Nakatapos na rin siya ng shooting ng dalawang pelikula for Mavx, ang A Journey at Fuchsia Libre. Wish natin na magpatuloy ang pag-ariba ng career ni Paolo!
