PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon, first time gumawa ng intimate scene sa pelikula

Lotlot de Leon, nakipagbardagulan sa akting kay Charlie Dizon.
by PEP Troika
Published Oct 9, 2023
lotlot de leon rico barrera ang ina mo
Lotlot de Leon on shooting "landian" scene wih Rico Barrera in 'Ang Ina Mo': “Exciting! Exciting. Handa naman ako... At saka ano naman, e, gentleman naman si Rico. Alam niyang pag hindi siya umayos, susuntukin ko siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ako pa ang nangungulit sa kanya. ‘Halika na, Rico! Halika na!’ Ha! Ha! Ha! Ha! So, fun naman siya.’"
PHOTO/S: Jerry Olea / File

JERRY OLEA

Naglandian sina Mona Lisa at Ruel Vernal sa pelikulang Insiang (1976) na idinirek ni Lino Brocka.

Sa pelikulang Ang Ina Mo (Your Mother) na inspired ng Insiang, nakipaglandian ba si Lotlot de Leon kay Rico Barrera?

Read: Lotlot de Leon, nakaka-relate ba sa kuwento ng 'Ang Ina Mo'?

“Oo, nakipaglandian ako nang slight,” sey ni Lotlot nang makatsikahan ko sandali bago ang preview ng Ang Ina Mo noong Oktubre 5, 2023, Huwebes, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

“Why not? First time! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Gumanap sa movie si Lotlot bilang biyudang si Molly, na malapit nang maging senior citizen. Lover niya ang mama’s boy na si Xander (karakter ni Rico).

First time?

“Oo, first time kong makipaglandian. Ha! Ha! Ha! Ha! Wala namang bed scene pero para lang ma-experience ko rin in my 50s, why not? Ha! Ha! Ha! Ha!”

Dati, may kissing scenes siya with her ka-love team Monching Gutierrez bilang pakilig sa fans. Etong harutan with Rico, ibang level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, iba, kasi teenagers, mga ganyan. But I never had a scene like this one,” pagtatapat ni Lotlot.

“So it’s new to me. Bago siya sa akin.”

Ano ang naramdaman niya nang mabasa sa script na may ganoon siyang eksena?

“Exciting! Exciting. Handa naman ako. Kasi, kagaya nung nag-usap kami ni Direk, ‘O, Lot,’ sabi niya, ‘nabasa mo yung script. Basta, kaya mo, ha?’

“Sabi ko, ‘Game, Direk. Kaya naman.’ At saka ano naman, e, gentleman naman si Rico.

“Alam niyang pag hindi siya umayos, susuntukin ko siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak pa ni Lotlot.

“Ako pa ang nangungulit sa kanya. ‘Halika na, Rico! Halika na!’ Ha! Ha! Ha! Ha! So, fun naman siya.’"

Ang Ang Ina Mo ay idinirek ni Joel Lamangan. Nasa cast din si Charlie Dizon bilang Donna, ang anak ni Bella na malapit nang grumadweyt sa kolehiyo.

Read: Rico Barrera, "pinag-agawan" nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Puring-puri ni Direk Joel Lamangan sina Lotlot de Leon at Charlie Dizon sa Ang Ina Mo. Labanan ng akting ang dalawang premyadong aktres!

“Happy ako na nakatrabaho ko si Charlie dito, kasi talagang ang husay. Mahusay siya,” sambit ni Lotlot.

Kumusta iyong eksenang sinampal niya si Charlie?

“Wala, kailangang gawin, e. Pero ako kasi, like… before a scene like that, I actually ask for kumbaga forgiveness already,” pahayag ni Lotlot.

“Sorry, nagso-sorry na ako kaagad. But pag sinabi kasi ni Direk, kailangan talagang totohanin, e, di ibibigay ko naman na totoo.

“E, Charlie naman, progessional naman siya. So, naiintindihan niya na kailangang gawin talaga.”

GORGY RULA

Sang-ayon si Lotlot de Leon na mas madaling makatrabaho ang mga kapwa premyadong artista na gaya ni Charlie Dizon. Pero mas may pressure din ba iyon?

“Wala naman. Kumbaga, para sa amin, we’re just doing our job. Kumbaga, ginagawa ko lang kung ano yung sinasabi ni Direk,” lahad ni Lotlot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala naman akong naramdaman na masyadong pressure. Kasi, magaan naman yung set, e.

“Saka I’m surrounded with good actors also. So, hindi mabigat yung trabaho.”

Second choice si Charlie bilang anak ni Lotlot sa Ang Ina Mo. Ang first choice, nagka-COVID, ayon sa line producer na si Dennis Evangelista. Afterwards, may conflict sa schedule nito, kaya ipinalit si Charlie.

“I think ano naman yun, prerogative ng producers natin yan,” pakli ni Lotlot.

Blessing-in-disguise?!

Tila bantulot na sabi ni Lotlot, “Well… I guess so, yes. But… I’m sure, they have chosen well. So, perfect din talaga si Charlie for the role.”

Tampok din sa Ang Ina Mo sina Jameson Blake, Jim Pebanco, Krista Miller, Yda Manzano, Hazel Espinosa, Mark Dionisio, Paolo Rivero, Marinella Moran, Dorothy Gilmore, Poppo Lontoc, at Trixie Dauz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon on shooting "landian" scene wih Rico Barrera in 'Ang Ina Mo': “Exciting! Exciting. Handa naman ako... At saka ano naman, e, gentleman naman si Rico. Alam niyang pag hindi siya umayos, susuntukin ko siya! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ako pa ang nangungulit sa kanya. ‘Halika na, Rico! Halika na!’ Ha! Ha! Ha! Ha! So, fun naman siya.’"
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results