JERRY OLEA
Inilunsad ni Ka-Freshness Wilbert Tolentino ang public service program na Dear Wilbert sa kanyang Facebook page.
Pahayag ng ex-manager ni Herlene Budol aka Hipon Girl nitong Oktubre 10, 2023, Martes ng umaga, via Messenger, “Nagsimula ang Dear Wilbert nitong October 3 bilang isang proyekto ko na lalong magko-connect sa aking mga followers.
“Para magbigay inspirasyon at aral sa tunay na kuwento ng buhay. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay nakatutok sa social media. Gumagawa ako ng mga short films na hango sa totoong buhay ng aking mga followers.
“Kuwento ng pamilya, trabaho, pag-ibig, pagsubok, paghihirap at tagumpay ng mga ordinaryong tao.
“Naisipan kong gumawa ng programa na parehas makatulong sa followers ko at sa mga aspiring actors at writers na hindi napapansin ng mainstream ng kanilang talent sa pag-arte at pagsusulat.
“It is like hitting two birds in one stone. Actually it is more throwing a stone in two birds. Nakatulong ka na, nakapag-inspire ka pa.
“Bilang isang influencer, tungkulin kong makapagbahagi ng saya at inspirasyon sa aking mga followers. Kaya ko inumpisahan ang Dear Wilbert.”
Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages
Tampok sa unang episode ng Dear Wilbert ang problema ng isang letter sender na naubos ang savings nang bumagsak ang negosyong tindahan dahil sa utang, at kumapit ito sa patalim nang kinagat ang 5-6.
Wala nang mapuntahan at makapitan ang letter sender na tila nawawalan na ng pag-asa kaya sinubukan niyang sumulat sa Dear Wilbert. Hindi siya nabigo dahil agad na tumugon si Sir Wilbert.
Binigyan siya ng starter pack para sa isang skin care business, at cash upang maging puhunan sa pagsimula ng bagong negosyo.
Ano ba ang peg ng Dear Wilbert? Pinaghalo ba itong Wowowin, radio program ni Senador Raffy Tulfo, Maalaala Mo Kaya (MMK), Magpakailanman o kung ano man?
Tugon ni Sir Wilbert, “MMK-Wish Ko Lang inspired short films siya. Kuwento ng totoong buhay ng tao na sa bandang huli ng episode, e, mamimigay tayo na pabuya at kaunting tulong sa nagbahagi ng kanyang kuwento.”
Puwede bang gumanap sa Dear Wilbert ang dati niyang alaga na si Herlene Budol? O ang mga influencer gaya ni Zeinab Harake?
“Ang layunin ko sa Dear Wilbert ay bigyan ng oportunidad ang mga baguhang artista o aspiring maging artista na hirap makapasok sa mainstream at gustong maging stepping stone ang aking programa,” sey ni Sir Wilbert.
“Siguro sa mga susunod na episodes, puwede tayong mag-invite for special appearances like nina Herlene at Zeinab.
“Sa ngayon, priority ko ang mga baguhan sa industriya.”
Read: Mickey Ablan devastated by death of daughter Yzabel
NOEL FERRER
Nang lumaganap ang pandemya noong 2020, iba’t ibang online contests ang inilunsad ni Sir Wilbert upang makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Panay-panay ang kanyang pa-ayuda.
Ano ang mensahe niya sa kanyang followers kaugnay sa bago niyang proyekto?
Ani Sir Wilbert, “Abangan ninyo ang aking bagong programang Dear Wilbert na magbibigay sa inyo ng inspirasyon sa buhay. Bawat episode ay pinaghirapan at ginagampanan ng mga magagaling ng baguhang artista. Suportahan natin sila, mula sa writers, directors, editors at artists.
“At sa mga gustong maging bahagi ng Dear Wilbert, open po kami for audition. Mag-message lang kayo sa Facebook fanpage.
“Maaari rin kayong mag-submit ng inyong makabagbag-damdamin na kuwento.”
Siyanga pala, naglunsad din si Sir Wilbert ng KILABOT short film competition kaugnay sa Halloween.
Post niya sa FB recently: “CALL FOR ENTRIES! Mahilig ka bang gumawa ng nakakatakot na video? Sali na sa 2023 Kilabot Short Film Festival hatid sa inyo ni Wilbert Tolentino, One Force Events and Talent Management at ng Ahon Mahirap Project.
“P100,000 ang Grand Prize at may cash prize din sa mga special awards! Deadline of submission is on October 25, 2023!”
Ang first runner-up ba pelikula ay tatanggap ng P20K. Tig-P10K naman ang 2nd runner-up, best actor, best actress, best director at best editor. May consolation prizes pa.

Maliban sa pagbibigay ng tulong, I wonder, what’s in it kaya rito para kay Sir Wilbert Tolentino? Kung anuman yun, sana ay may layuning lampas sa pansarili!
Good luck!
GORGY RULA
Napakaraming online platforms. Namamayagpag ang streaming services na Netflix, Prime Video, Disney+, HBO, at iba pa, kaya ang iba’y hindi na nanonood ng sine at hinihintay na lamang mag-streaming ang mga pelikula.
Sandamukal din ang libreng panoorin sa Facebook, YouTube, Twitter, Telegram, TikTok at iba pang socmed.
Andiyan pa rin ang telebisyon kaya matindi ang labanan upang pukawin ang pansin ng mga tao.
Maganda ang intensiyon ng Dear Wilbert na bigyan ng chance ang mga baguhang artista. Matipid pa!
Good luck kung masu-sustain nila ang interes ng netizens kung mga The Who at Cynthia ang kanilang mga bida.
Siyanga pala, sa Oktubre 27 na ang deadline ng submission ng synopsis, sequence treatment, director’s profile at sample works para sa Puregold Cinepanalo filmfest.
Para sa mapipiling limang feature-length film project, P2.5M each ang grant na ipagkakaloob.
Para sa mapipiling 25 short film projects ng students o campus-based filmmakers, tig-P100K naman ang grant na ibibigay ng Puregold.

At para sa 4th edition ng Sine Sindak ng SM Cinemas sa Oktubre 25-31, siyam na palabas ang maghahatid ng hilakbot.
Ang mga ito ay Belzebuth, Benny Loves You, Chabak: Night of Murder and Romance, Dawning, Dead Bride, Final Summer, The Jack in the Box: Awakening, The Ghost Within, at Todd and the Book of Pure Evil.

Kaugnay rito, Ghostface is ready to serve you Sine Sindak meals — black bun sandwiches paired with red iced tea — at select SM Cinema branches. Get ready to eat, drink, and scream!
