PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Final 4 entries ng MMFF 2023, ia-announce na sa October 17

Tatlong Summer Metro Manila Film Festival entries, ipalalabas sa Los Angeles.
by PEP Troika
Published Oct 10, 2023
mmff 2023 entries
The first four entries announced as official entries to the MMFF 2023: (clockwise) Marrian Rivera, Joross Gamboa, and Dingdong Dantes in 'Rewind'; Matteo Guidicelli in 'Penduko'; Alden Richards and Sharon Cuneta in 'A Mother And Son Story'; and Zeinab Harake, Derek Ramsay, and Beauty Gonzalez in '(K)Ampon.'
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Sa Oktubre 17, 2023, Martes, nakatakdang ihayag ang Final 4 entries ng 49th Metro Manila Film Festival.

Tuluy-tuloy ang panonood ng screening committee sa isinumiteng finished films at may mga naririnig na kaming feedback sa ilang pelikulang napanood.

Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries at MMFF 2023

Hiling ng maraming taga-industriya na sana, magaganda at may hatak sa mga manonood ang mga pelikulang mapili.

Malaking bagay riyan ang mga artistang kalahok. Hindi lang basta ang quality ang basehan.

Kaya abangan natin kung maganda ang kalalabasan ng walong pelikulang mapili dahil hindi pa rin talaga nakaahon ang mga pelikula natin pagkatapos ng MMFF nung nakaraang taon.

Read: MMFF 2023 Update: Dalawa na ang nasa post production, dalawa pa ang nagsu-shooting

Samantala, may dagdag attraction ngayon ang MMFF dahil aabot na ito sa Amerika.

Binuo ang bagong festival na ito na kung saan ay magiging kalahok ang walong pelikula ng MMFF ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag nila itong Manila International Film Festival o MIFF kung saan ipalalabas nila ang walong entries sa apat na araw na festival sa Los Angeles, California.

Read: MMFF 2023 official entries, ipalalabas sa Amerika at magkakaroon ng sariling awards night

manila international film festival

GORGY RULA

Ayon sa inilabas na balita ng kaibigang Hollywood correspondent na si Oliver Carnay, “The four-day festival in Los Angeles showing the eight entries is anticipated to draw a diverse audience from all over California, home to the biggest Filipino population in the United States, and generations of immigrant families from various countries."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilulunsad ang MIFF sa November 2 kung saan magkakaroon ng screening ng tatlong pelikulang inilahok sa Summer Metro Manila Film Festival — ang Here Comes the Groom (12:00 p.m.), Love You Long Time (2:00 p.m.), at About Us But Not About Us (7:00 p.m.).

Gaganapin ito sa Directors Guild of America (DGA) sa Sunset Blvd., Los Angeles, California. Merong red carpet, VIP reception o meet-and-greet sa mga artistang dadalo, at Q&A.

Napag-alaman naming dadalo sa launching nito sina Enchong Dee at Kalad Karen para sa Here Comes the Groom.

Sabi naman ni Direk Perci Intalan na producer ng About Us But Not About Us, dadaluhan din nila ito. Hindi pa nila matiyak kung sino kina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas ang makakadalo.

Meron daw U.S. visa si Romnick, pero nawala ang passport nito kaya inaayos pa raw nila.

about us but not about us

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa ako sinasagot ng producer ng Love You Long Time kung makaka-attend ang lead stars nito na sina Carlo Aquino at Eissel Serrano.

Sana, maganda ang kalalabasan nito dahil marami rin sa mga kababayan natin sa Amerika ang interesadong mapanood ang mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Itong Hollywood edition ng MMFF ay bahagi ng pagdiriwang ng 50th year ng taunang film festival.

NOEL FERRER

Puspusan ang panonood ng Selection Committee ng MMFF 2023 ng mga isinumiteng lahok para umabot sa October 17 na announcement.

Four to five films a day ang screening at ang daming isasaalang-alang — ang genre, ang producers, ang lead stars, at ang direktor.

Dapat talaga, maganda at may kakayahang makahikayat ng maraming manonood pabalik sa sinehan.

Sana talaga, bumalik na ang sigla ng panonood ng pelikula sa sinehan.

Sana, ipakita natin ang nagkakaisang lakas ng ating industriya sa MMFF 2023!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The first four entries announced as official entries to the MMFF 2023: (clockwise) Marrian Rivera, Joross Gamboa, and Dingdong Dantes in 'Rewind'; Matteo Guidicelli in 'Penduko'; Alden Richards and Sharon Cuneta in 'A Mother And Son Story'; and Zeinab Harake, Derek Ramsay, and Beauty Gonzalez in '(K)Ampon.'
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results