GORGY RULA
Nagulat kami nang ikinuwento sa amin ng dating sexy star na si Lara Morena na meron na silang four-year-old daughter ni Paolo Bediones.
Read: Paolo Bediones, ipinakilala ang daughter nila ng fiancée na si Lara Morena
Sampung taon na ang relasyon nina Lara at Paolo, at kulang na lang ay ang kasal. Pero darating daw sila riyan. Mas naka-focus daw muna sila ngayon sa pag-aalaga sa kanilang anak.
Read: Lara Morena at Paolo Bediones, matagal nang magkarelasyon
Para kasing hindi namin nabalitaang nabuntis si Lara.
Nasa late 40s na siya kaya tinanong namin kung puwede pa ba siyang mabuntis.
Inamin ni Lara na dumaan sa surrogacy ang kanilang anak. Nakapag-save daw siya ng egg cells niya at meron na siyang mga embryos na na-fertilize kaya ilang beses din nilang sinubukang mabuo, pero nag-fail ito.
“We tried and tried, and tried. And talagang maraming... like four times. Ang pinakahuli was kambal dapat, it happened before Christmas nung nawala sila.
“Parang ayoko na sana. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng iwan mo, i-abandon mo yung mga embryos mo na nandodoon. Buo na sila e. Six days old na sila, e.
“So, yun! We tried and... medyo magastos po," kuwento sa amin ni Lara sa story conference ng bago niyang pelikulang Virgin Sisters.
Hindi lang idinetalye ni Lara kung saan sila kumuha ng surrogate mother para ipagbuntis ang baby nila ni Paolo.
Thankful siya na naging successful, kaya talagang sila raw ni Paolo ang hands-on na nag-aalaga sa kanilang anak.
“Talagang pinlano namin yun. Four years old na siya, magbi-birthday na siya, e.
“Actually, wala kaming yaya. Parehas kaming parang first timer as a parent kasi yung dalawa ko before with my first partner, talagang may mga yaya yan. Hindi lang isa, dalawa talaga.
“This time, talagang kami lang ni Pao. Sobrang hirap!
"Dumating kami sa point na... masarap na nakakapagod, pero masaya, sobra! Yung tipong, minsan sumisigaw ka na lang sa sobrang pagod.
"Pero isipin mo na lang, minsan lang ito, e. Pagdadaanan ng bata, e.
“Sabi ko sa sarili ko, in two years time, magsosolo na yan. Magkukulong na yan sa kuwarto, magkakaroon ng bagong friends, may sarili na yang mundo.
“Hindi kagaya ngayon na kami yung buhay niya, talagang nakadepende sa amin. Iba talaga!
"And very mature yung bata. Yung sobrang napaka-smart and maliksi talaga," pagmamalaki ni Lara sa anak.
Read: Si Lara Morena na ba ang "the one" para kay Paolo Bediones?
View this post on Instagram
Abala pa raw si Paolo sa mga business niya, at si Lara naman ay active din sa pag-aartista.
Kabilang si Lara sa main cast ng pelikulang Virgin Sisters, na isinulat ni Ping Medina at ididirek ni JR Olinares.
Kasama ni Lara rito ang Vivamax stars na sina Alexa Ocampo, Audrey Avila, Amabela de Leon, Ada Hermosa, Rash Flores, at Jeffrey Santos.
Kukunan ang kabuuan ng pelikula sa Alabat Island sa Quezon Province, at ipalalabas ito sa Vivamax.
NOEL FERRER
Naikuwento sa akin noon ni Paolo at nai-post niya nang pahapyaw ang tungkol sa kanyang anak, pero inihiwalay ni Pao talaga ang personal niyang buhay sa trabaho tulad ng dati.
Buti na lang, both he and Lara are in a good place.
Tungkol sa pagpapakasal nila ni Paolo, ang sabi ni Lara, “Getting there. May plan, kasi nagka-pandemic and all. Mas nag-focus na lang muna kami kung anong meron kami ngayon.
“But eventually, we'll get there, kasi alam ko naman na hindi naman lalayo pa, and you know, yan din naman talaga ang gusto niya.”
Hindi pa raw nagpu-propose sa kanya si Paolo.
Lahad ni Lara, “Sabi ko sa kanila, sabihin nila sa akin. Kailangan magpaganda muna ako. Just in case man na mangyari yun.
“Pero doon na yan. Wala naman kaming pupuntahan kundi doon. Nandun na kami sa stage na naiisip na may forever. Naniniwala ako na may forever.
“Talagang ang ginagawa namin, nagsusuportahan kami sa isa't isa. Like, siya sa mga business niya. Ako, sa career ko ngayon.
“It's not easy na aalis ako ng bahay, tapos iniisip ko yung daughter ko, nasa school, kung anong ginagawa niya dun.
“Mahirap, pero talagang kailangan talagang magawa ang dapat mong gawin as a mom and as a parent.”
JERRY OLEA
Wala pa ring kakumpitensiya ang Vivamax sa paghahatid ng mga mapangahas na pelikula na ang target audience ay kalalakihan.
Ang tumapat ditong AQ Prime ay tumiklop noong Setyembre 20, 2023, at sa Pebrero 2024 pa raw magbabalik.
Ang Goblin website ay nag-umpisa noong Setyembre 26, at ang unang handog nito ay ang pelikulang The Last Resort nina Erin Ocampo, Paolo Paraiso, at Oliver Aquino.
As we write this ay “upcoming” pa rin lang ang second offering nilang Talpakan starring Long Mejia and Daiana Menezes. Anong petsa na?!
Samantalang ang Vivamax, tuwing Biyernes ay may hatid na bagong pelikula. Kung Linggo, meron namang bagong episode ng serye o anthology.
Ngayong Friday the 13th ay streaming na sa Vivamax ang makamandag na pelikulang Ahasss kung saan bida sina Angela Morena at Gold Aceron. Tampok din dito ang nagbabalik na si Janelle Tee. Ang direktor ay si Ato Bautista.
Sa Oktubre 20 ay haharutin ni Aiko Garcia sina Matthew Francisco at Aerol Carmelo sa pelikulang Haliparot, directed by Bobby Bonifacio Jr.
Sa Oktubre 27 magpapakitang-gilas sina Angeli Khang at Azi Acosta sa pelikulang Sila Ay Akin, na idinirek ni Mac Alejandre mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.
Co-stars dito sina Vince Rillon, Victor Relosa, Andrea Garcia, Angie Castrence, Roni Bertubin, at Gerald Madrid.
Sa Nobyembre 3 magpapainit sina Apple Dy, Arron Villaflor, at Joko Diaz sa pelikulang Tuhog, directed by GB Sampedro.
Sa Nobyembre 10 magdadramahan sina Angela Morena, Denise Esteban, Ali Asistio, Vince Rillon, at Lara Morena sa pelikulang Japino, directed by Freidric Macapagal Cortez. Kagaya ng Hosto ay nag-shooting ito sa Japan.
Sa Nobyembre 17 magpapasiklab sina Angeli Khang, Benz Sangalang, at Jomari Angeles sa pelikulang Salakab, directed by Roman Perez Jr.
Sa Nobyembre 24 magpapa-sweet sina Azi Acosta, Robb Guinto, Mon Mendoza, at Josef Elizalde sa pelikulang Sugar Baby, directed by Christian Paolo Lat.
Noong Oktubre 8, Linggo, natunghayan ang una sa apat na episodes ng Halo Halo X anthology, directed by Roman Perez Jr.
Sa episode na "Extra Rider" ay nakalampungan ni Victor Relosa sina Denise Esteban, Audrey Avila, at ang may asim pang si Yda Manzano.
Tingnan natin kung mas umaatikabo ang mga bakbakan at bardagulan sa mga susunod na episode na "Lucy Dreaming," "Surveillance," at "Grade Sex."
Halo-halo sa casting ng mga iyan sina Micaella Raz, Andrea Garcia, Jela Cuenca, Ataska, Aiko Garcia, Rash Flores, Benz Sangalang, Aerol Carmelo, Apple Dy, Matt Francisco, John Flores, at Chester Grecia.
