JERRY OLEA
Love wins sa pagitan ng dalawang pogilicious singer-actor na parehong twentysomething.
Kapwa pursigido sa kani-kanyang showbiz career ang dalawang singer-actor kaya hindi nila maamin sa publiko ang kanilang dakilang pag-iibigan.
Batid iyon at tanggap ng kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya.
Ayon sa reliable source ng PEP Troika ay mas inlabey ang mas nakakatanda, lalo pa’t nakakawindang ang nakaraan nitong relasyon sa loob ng isang taon.
Yung mas bata ay nasangkot sa isang iskandalo, pero nanatiling tikom ang kanyang bibig at hindi ipinaliwanag ang kanyang panig.
Tingnan natin kung hanggang saan at hanggang kailan ang magkahugpong na tadhana ng dalawang pogilicious singer-actor.
NOEL FERRER
Uso yata iyang mga ganitong nakatagong relasyon sa mga bortang male singers.
Di ba, may napabalitang closet baklita na sinita ng girlfriend ng isang celeb?
Meron ding usap-usapang relasyon ng dalawang konteserong winners with a young berdaderong singer na may napapabalitang female celeb front on the side.
Sa akin, basta kung saan sila masaya na walang nasasagasaan at nasasaktan, sana’y totoong mahanap nila ang kaligayahan.
Love wins, di ba, dapat?
GORGY RULA
Silang dalawa kaya itong tinutukoy sa isang vlog na nakitang magkasabay raw na pumasok sa CR ng isang hotel?
Hindi lang malinaw kung nagkasabay sa isang event o nasa taping.
Pero may nakakita raw na magkasabay pumasok ang dalawang pogilicious actor na magaling ding kumanta.
Naunang lumabas daw ang isang aktor, at meron sanang papasok sa CR na iyon, pero nagulat nang nakita niyang naiwan sa loob yung isa pang pogilicious actor.
Sa totoo lang, hindi na gaanong nakakagulat kapag meron nang nabubuong ganyang klaseng relasyon.
Open na ang ilang kabataan na pumasok sa ganyang lifestyle dahil fluid ang iba sa kanila. Adventurous. Hayaan na lang.
Ang mahalaga ay masaya sila sa pinasok nilang relasyon at wala naman silang inaabalang tao.
Ang busy lang ng mga marites sa pagbabantay kung sino ang susunod na magkakadyowaan.
