JERRY OLEA
Oktubre 13, 2023 o Friday the 13th ang original playdate ng supernatural horror film na The Exorcist: Believer sa North America.
E, masuwerte kay Taylor Swift ang numero trese, kaya October 13 ang kinuhang playdate ng concert film niyang Taylor Swift: The Eras Tour (na halos tatlong oras ang running time).
Read: Here's another way you can book tickets for Taylor Swift's Eras Tour in Singapore
Ang lakas-lakas ng ticket demand sa nasabing concert film. Record-breaking sa USA na $37M agad ang nabentang tiket sa unang araw ng pre-sales. Parang Marvel film ang ipapalabas.
Kaya ayun, iniabante ng isang linggo ang playdate ng The Exorcist: Believer. Umiwas sa Taylor Swift: The Eras Tour.
Read: 'A Very Good Girl' at 'Five Breakups And A Romance,' mapasigla kaya muli ang local movie industry?
Sa Pilipinas, Miyerkules karaniwang nag-o-open ang bagong movies. Madalas na nauunang mapanood ng Pinoy moviegoers ang foreign films.
Kaya Oktubre 4, Miyerkules, pa lang ay nag-showing na sa Pilipinas ang The Exorcist: Believer.
Noong Oktubre 11, Miyerkules, ay sabay-sabay na nag-open sa local cinemas ang pitong pelikula — Monster, Instant Daddy, Coffee Wars, Dr. Cheon and the Lost Talisman, Mount Chiak, Paw Patrol: The Mighty Movie, at The Forbidden Play.
Kagaya sa North America maging sa 100+ iba pang bansa at teritoryo, Friday the 13th nag-open ang Taylor Swift: The Eras Tour sa local cinemas.
Ang lakas ng buzz!!! Pila-pila ang Pinoy moviegoers kahit may kamahalan ang tiket.

Kagaya ng Barbenheimer (sabay na playdate ng Barbie at Oppenheimer), EVENT ang showing ng Taylor Swift: The Eras Tour.
Read: Barbenheimer, patuloy ang pamamayagpag sa box-office worldwide
Pang-weekend lang muna. Kaya Biyernes hanggang Sabado (Oktubre 13-15) lang muna ito napanood sa lupang hinirang, at mapapanood muli umpisa Huwebes, Oktubre 18.
Take note na noong Linggo, Oktubre 15, ay merong SM 65 promo ang SM cinemas. Kaugnay ito sa 65th anniversary ng SM.
Sa lahat ng sinehan ng SM nationwide, P65 lamang ticket price para sa mga pelikulang Instant Daddy, Monster, The Forbidden Play, Coffee Wars, Mt. Chiak, Dr. Cheon and the Lost Talisman, Expend4bles, at The Creator. Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-176480 Series of 2023.

Pila-pila ang mga manonood sa SM P65 promo noong Sunday, maging sa Taylor Swift: The Eras Tour na medyo mamahalin ang tiket! Ang saya-saya!
Sa Oktubre 18, Miyerkules, ay showing na sa local cinemas ang Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes.
Kasabay nitong mag-o-open sa mga sinehan ang mga banyagang pelikula na Killers of the Flower Moon, Deep Fear, at Target.
Siyanga pala, sa Oktubre 27 naman ang release ng 1989 (Taylor’s Version) album.
Naka-pin sa X (dating Twitter) account ni Taylor Swift na, “The 1989 album changed my life in countless ways, and it fills me with such excitement to announce that my version of it will be out October 27th.
“To be perfectly honest, this is my most FAVORITE re-record I’ve ever done because the 5 From The Vault tracks are so insane. I can’t believe they were ever left behind. But not for long!”
NOEL FERRER
Facebook post ni Crisanto B. Aquino, director ng Instant Daddy, ngayong Oktubre 16, Lunes ng hapon, “Maraming Salamat SM Cinema sa isang magandang regalo sa Filipino family kahapon (Oct 15). Maraming nagsold-out na sinahan ang INSTANT DADDY, Sm Cebu, Sm Fairview, Sm Markinina, Sm East Ortigas, Sm Trece Cavite, Sm Iloilo at di ko na alam sa iba dahil ito lang ang nakarating sa akin.
“Pero simula sa araw na ito, balik na sa katotohanan uli, 300+ na uli ang ticket. Pero maraming salamat at naibalik nyo, natin... sa sinehan ang pamilyang Filipino.
“Di totoong patay na ang Philippine Cinema, buhay sya. Mapili lang ang audience sa paglalaanan ng 300+ dahil malaki ito. Kailangan lang nila malaman ano ba ang dapat talagang panoorin at papanoorin nila ito.
“Patunay din ito na kapag affordable ang ticket, mas manonood ang masang Filipino. Someday.. sana..
“Ginawa ko ang Instant Daddy sa pagnanais na muling ibalik ang Filipino Family sa mga sinehan, sabay sabay tumawa, umiyak at magkarooon ng kakaibang movie experience, yung kahit nakalabas ka na ay dala mo pa rin sya, ganon ang INSTANT DADDY.
“Oras pumasok sya sa puso mo, mananatili sya doon at ipapaalala sa yo lagi ang kahalagahan ng PAMILYA, PAGSASAKRIPISYO at PAGMAMAHAL.
“Sa mga nakapanood na nito at naantig ang puso, sana ay ibahagi nyo sa social media ang naging experience nyo sa kwento nina Val at Mira at iparating sa mga Filipino na dapat itong panoorin ng bawat pamilya. “Muli, salamat SM Cinema.”
At BRAVO talaga, SM, sa pagbibigay ng discount sa theater admission prices. Sana all!!!

GORGY RULA
Post ni Taylor Swift sa X noong Oktubre 12, Huwebes ng 7:52 a.m., “PREMIERE DAY Andddd I can’t really wrap my head around this but…. Look what you genuinely made me do: Due to unprecedented demand we’re opening up early access showings of The Eras Tour Concert Film on THURSDAY in America and Canada!! As in… TOMORROW.
“We’re also adding additional showtimes Friday and throughout the weekend. All tickets will be available by 10am tomorrow morning. And it’ll be showing starting Friday in 90 countries all over the world.
“I can’t thank you enough for wanting to see this film that so vividly captures my favorite adventure I’ve ever been a part of: The Eras Tour. And the best part is, it’s an adventure we’re still on together. Getting in the car now…”
Ayon sa source ng PEP Troika, halos P98M ang kinita ng Taylor Swift: The Eras Tour sa loob ng tatlong araw, Biyernes hanggang Linggo, sa mga sinehan ng bansa.
Napakalakas nito noong Sabado, kung saan P37M ang hinamig nito.
Ito na ang highest-grossing concert film of all time. Kabog ang Justin Bieber: Never Say Never (2011) na $99M ang worldwide gross.
Ayon sa Box Office Mojo, tinatayang $128M agad-agad ang global gross ng Taylor Swift: The Eras Tour.
Take note na sa December naman mapapanood sa mga sinehan ang documentary concert film na Renaissance: A Film By Beyonce. Tingnan natin kung magiging blockbuster din ito sa takilya.
