PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eras Tour Film Skirts Hollywood Clashes

'Five Breakups And A Romance' ipalalabas sa 210 theaters.
by PEP Troika
Published Oct 17, 2023
taylor swift julia alden
(Left) Taylor Swift's 'The Eras Tour' is a hit among moviegoers worldwide; Julia Montes and Alden Richards' 'Five Breakups And A Romance' opens in local cinemas nationwide tomorrow, October 18, 2023.

JERRY OLEA

Event ang Barbenheimer, ang sabay na showing ng Hollywood films na Barbie at Oppenheimer.

Sa halip na magbakbakan ang dalawang pelikula na magkaiba ang genre, hinikayat ang moviegoers na parehong tangkilikin ang mga iyon. Kakaibang marketing strategy ang Barbenheimer, at isa iyong malaking tagumpay.

Read: Barbenheimer, patuloy ang pamamayagpag sa box-office worldwide

Pinakamalakas na weekend grosses for the year 2023 ng Top 10 sa takilya ng North Amerika ang itinala noong July 21-23.

Nanguna sa North America ang Barbie na ang opening weekend gross ay $162M, samantalang ang Oppenheimer ay naka-$82.5M. Maging sa international market ay rumatsada ang Barbenheimer.

Ayon sa Box Office Mojo, ang tatlong pelikulang pinakamalalakas so far this year ay Barbie with $1.44B, na sinundan ng The Super Mario Bros. Movie with $1.36B, at ng Oppenheimer with $942M.

Phenomenal man ang Barbenheimer ay bumalik din agad sa nakagawiang promo and marketing strategies ang Hollywood studios.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sumunod sa yapak ng Barbenheimer na may kakaibang marketing campaign ay ang concert film na Taylor Swift: The Eras Tour.

Read: 'Taylor Swift: The Eras Tour' concert film, record-breaking sa takilya

Kinunan ang tatlong pagtatanghal ng The Eras Tour noong Agosto 3-5, 2023 sa SoFi Stadium ng Los Angeles, California, USA.

Independently produced ito ni Taylor Swift sa ilalim ng Taylor Swift Productions, katuwang ang Silent House Productions. Walang kinalaman dito ang major Hollywood studios, kaya bawas ang gastos.

Tinatayang $10M hanggang $20M lamang ang production cost ng concert extravaganza.

taylor swift the eras tour

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakuha ito ng special approval mula sa SAG-AFTRA (Screen Actor Guild-American Federation of Television and Radio Artists) dahil walang kinalaman sa produksiyon ang AMPTP (Alliance of Motion Picture and Television Producers).

Noon lamang Agosto 31 ini-announce ni Taylor Swift ang concert film sa kanyang socmed accounts, at sa guesting niya sa programang Good Morning America ng ABC. Noong araw ring iyon ay nag-umpisa ang pre-selling ng tickets sa U.S., Canada, at Mexico.

Ang lakas ng pre-sales nito ay maikukumpara sa Spider-Man: No Way Home (2021), Avengers: Endgame (2019), at Star Wars: The Force Awakens (2015).

Oktubre 13 (Friday the 13th) ang napiling playdate ni Taylor Swift para sa kanyang concert film dahil masuwerte sa kanya ang numerong 13.

“Natakot” makipagsabayan sa Taylor Swift: The Eras Tour ang supernatural horror film na The Exorcist: Believer, kaya in-advance nang isang linggo ang playdate nito. Na-Exorswift?!?!

Inabandona ng producers ang planong two-week limited run ng Killers of the Flower Moon na kaalinsabay ng Taylor Swift: The Eras Tour. Baka kasi maluray lang ang limited run ng nasabing western na idinirehe ni Martin Scorsese, pinagbibidahan nina Leonardo DiCaprio at Robert De Niro, at may running time na 3 hours 26 minutes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Globally, ipinalabas ang Taylor Swift: The Eras Tour nang tatlong araw lang muna, Oktubre 13-15, Biyernes hanggang Linggo. Truncated!

Kapagkuwan ay itinigil ang showing nito sa tatlong kasunod na araw, at magre-resume ang worldwide screenings sa Oktubre 19, Huwebes. Successful ang taktika ni Taylor Swift.

Ayon sa Box Office Mojo, ang opening weekend gross ng Taylor Swift: The Eras Tour sa North America ay $92.8M.

Ang worldwide gross nito ay pumalo agad-agad sa $123.5M. Ito na ang highest-grossing concert film.

Ang dating record-holder ay Justin Bieber: Never Say Never (2011) na $99M ang worldwide gross.

Ayon sa Wikipedia, ang iba pang concert films na nagpakitang-gilas worldwide ay Hannah Montana & Miley Cyrus: Best of Both Worlds Concert (2008) na naka-$71M, One Direction: This Is Us (2013) na naka-$68, at Eddie Murphy Raw (1987) na naka-$50.5M.

Sumunod ang The Original Kings of Comedy (2000) na naka-$38M, Richard Pryor: Live on the Sunset Strip (1982) na naka-$35M, Katy Perry: Part of Me (2012) na naka-$32.7M, BTS Permission to Dance on Stage - Seoul: Live Viewing (2022) na naka-$32.6M, at Kevin Hart: Let Me Explain (2013) na naka-$32.3M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pilipinas, halos P98M ang kinita ng Taylor Swift: The Eras Tour mula Friday the 13th hanggang Sunday.

Positibo ang word-of-mouth sa concert film at marami ang nag-aabang sa pagpapalabas muli nito umpisa Huwebes.

May epekto kaya ang lakas ng Taylor Swift: The Eras Tour sa mga pelikulang mag-o-open sa local cinemas umpisa bukas, Oktubre 18, Miyerkules — Killers of the Flower Moon, Deep Fear, Target, at Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes?

Ini-announce ng GMA Pictures sa X nitong Lunes ng 6:00 p.m. na ipapalabas ang Five Breakups and A Romance sa mahigit 210 sinehan nationwide.

five breakups and a romance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong A Very Good Girl ay nag-open sa 250 cinemas noong Setyembre 27, at ayon sa Star Cinema ay mahigit P10M ang first day gross nito.

Papantay man lang ba o lalampas sa first day gross ng A Very Good Girl itong Five Breakups and A Romance?

Read: 'A Very Good Girl' lumampas na sa PHP100M; 'Five Breakups And A Romance' kumita rin kaya?

NOEL FERRER

Lesson learned, lalabas ng bahay at handang gumastos ang mga tao sa mga content na gusto nilang panoorin.

Ang kaibahan lang ngayon, content driven ito. Hindi na yung usual star value.

Marahil, nakakatulong pa rin naman kung kilala ang papanoorin. Pero hindi sapat na sikat lang. Dapat maganda at compelling ang ginawa nila — something na iba sa napapanood ng mga tao online sa mga streaming platforms.

Ang kagandahan ngayon, open season. Walang sure formula para maging hit!

Puwedeng mag-explore ng kakaibang themes at subject matter. Puwedeng mag-collab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta tatagos sa puso at gigising ng kamalayan at may kakaibang entertainment na hatid. Sana, may mga Filipino content na talagang magpapabalik sa ating mga kababayan sa sinehan na ulit.

Meron namang successful to some extent. Pero puwede pa, meron pang ihihigit pa… sana soon, sana marami pa!!!

Suportahan pa sana natin lalo ang industriya ng pelikulang Pilipino!!!

GORGY RULA

Parang non-sequitur kung sisimulan natin ang diskusyon sa mga malalakas na Hollywood films at iba pang international films, at tatapusin sa maliliit nating pelikula.

Hindi natin maikumpara ang lakas ni Taylor Swift sa buong mundo sa lakas ni Kathryn Bernardo dito sa atin.

Hindi pa rin natin alam kung ano talaga ang tamang formula para consistent na panonoorin at tatangkilikin ang mga pelikula natin.

Dito na siguro dapat pag-aralan ng ating gobyerno kung ano ang dapat gawin para ma-maintain ang pagsuporta sa pelikulang atin.

Kailangan bang i-educate ang mamamayan kung paano nila i-appreciate ang pelikula natin para willing silang maglabas ng pera para panoorin ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit sa South Korea, Japan, India, at iba pang bansa ay talagang sinusuportahan at naa-appreciate nila ang kanilang pelikula?

Bakit tayo, ikinukumpara pa ang pelikula natin sa pelikulang banyaga? Kapag maganda ang pelikula natin, ikukumpara pa rin sa magandang pelikulang banyaga.

Naranasan natin sa mga nakaraang MMFF na pawang pelikula natin ang ipinalabas at malakas naman ang total gross ng walong pelikulang ipinalabas. May taon pang umabot ng isang bilyong piso ang kinita, pero panay naman ang lait sa topgrosser na pelikula.

Last year ay naka-P500M total gross ang MMFF at hindi na masama yun mula sa pagkalugmok dulot ng pandemya. Kaya inaasahang maganda ang kalalabasan ng MMFF 2023, at sana maganda ang promo ng walong pelikulang kalahok pagkatapos i-announce ang last six entries na pasok sa 49th MMFF.

Read: Six remaining MMFF 2023 official entries announced

Pero ang mga pelikulang hindi napili ay nag-iisip na ang producers kung ano ang kanilang fallback. Natatakot pa rin ang ilan na sugalan ang showing ng movies nila sa mga sinehan. Kaya baka sa streaming service ang bagsak ng ilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero okay pa rin naman ang resulta ng A Very Good Girl, at sana maganda rin ang kalalabasan ng Five Breakups And A Romance, dahil marami ang nagsasabi sa aming mukhang mas maganda ito kesa sa A Very Good Girl.

Kaya sana, magpursige pa rin sa paggawa ng magagandang pelikula at sana, may maitulong ang ilang ahensya kagaya ng MTRCB, FDCP, at iba pa para sa mga pelikulang nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Taylor Swift's 'The Eras Tour' is a hit among moviegoers worldwide; Julia Montes and Alden Richards' 'Five Breakups And A Romance' opens in local cinemas nationwide tomorrow, October 18, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results