PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit ginawang sampu ang official entries sa MMFF 2023?

Piolo Pascual at Dingdong Dantes, tigdalawa ang entries.
by PEP Troika
Published Oct 17, 2023
mmff 2023 execomm
(From left) MMFF Selection Committee Chairman Jesse Ejercito, Overall MMFF 2023 ExeComm Chairman Atty. Romando Artes, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, and MMFF spokesperson Noel Ferrer.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Anim na finished films ang pinili ng MMFF 2023 ExeComm para makalahok din sa 49th Metro Manila Film Festival.

Ang mga ito ay ang When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon; Becky & Badette nina Pokwang at Eugene Domingo; Mallari ni Piolo Pascual; Firefly nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikael; Broken Hearts’ Trip ni Christian Bables; at GomBurZa nina Enchong Dee, Cedrick Juan, at Dante Rivera.

Read: Six remaining MMFF 2023 official entries announced

Si Atty. Romando Artes, Overall Chairman ng MMFF 2023 ExeComm, ang nag-announce ng Final 6 entries ng 49th MMFF nitong Oktubre 17, 2023, Martes ng hapon, sa bagong gusali ng MMDA sa Doña Julia Vargas Ave., Pasig City.

Pahayag ni Atty. Artes, “Thirty [30] finished films po ang isinabmit sa atin. Napakarami po or halos lahat sa kanila ay maganda.

“Originally, ang plan lang po ay apat na finished films ang pipiliin. Fortunately, iyong 4, 5, 6 po na rank ay sobrang magkakadikit po ng scores. We decided na huwag nang i-break yung tie at bigyan po ng pagkakataon itong mga pelikulang ito na maipalabas dito po sa ating 49th edition ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, alam ko po, nahirapan po ang Selection Committee sa pangunguna po ni Mr. Jesse Ejercito. Siya po ang siguro makakapagsabi kung ano ang pinagdaanan ng Selection Committee sa pagpili po nitong anim na karagdagang official entries.

"So, from the traditional eight, gagawin po nating sampung titles ang kalahok sa 49th MMFF.

“Alam ko po, may mga reservations regarding that dahil in fact, meron po akong nakitang interbyu ng isang batikang direktor na nagsasabi, na pag dinagdagan mo yung titles, more than eight, ay baka hindi po kumita.

“Diniscuss po namin yan at lahat po ay in agreement na hindi po makakasama — in fact, makakabuti pa sa movie industry — kung magdadagdag ng titles.

“Dahil from 600 cinemas naman po from last year, ay nangako po ang cinema operators, ang CEAP [Cinema Exhibitors Association of the Philippines], na pipilitin nila na more than 800 cinemas po ang bukas for the 49th MMFF.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang First 4 entries ng 49th MMFF na pinili base sa script at naunang i-announce ay Penduko ni Matteo Guidicelli; Family of Two (Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards; Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera; at (K)ampon nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.

Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries at MMFF 2023

Bale tigdalawa ng entries sina Dingdong at Piolo.

Si Dingdong na bida sa Rewind ay may maikling papel sa Firefly.

Si Piolo naman na bida sa Mallari ay isa sa mga suporta sa GomBurZa. Parehong pari ang papel ni Piolo sa dalawa niyang entry sa 49th MMFF, pero magkaibang-magkaiba ang karakter nung dalawang pari.

Read: Piolo Pascual changes his mind about retiring from acting because of pandemic

GORGY RULA

Inamin ni Papa Jesse Ejercito na nahirapan ang Selection Committee ng 49th MMFF dahil tatlumpong (30) pelikula ang pinanood nila, pinakamarami sa kasaysayan ng December filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinaalang-alang nila ang criteria na Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Sensibility (10%), at Global Appeal (10%).

Lahad ni Papa Jesse, “So, ibang klase kasi ang festival ng Metro Manila, e. Hindi naman ito yung ordinary festival na puro quality films.

“You have to consider also commercialism, artistic appeal, and global appeal. So, dun sa 30, napakaraming magaganda. Majority, e, magaganda.

“Iyong members ng Selection Committee, binigyan ng kani-kanyang score sheet, at kanina lang nag-deliberate, at lumabas yung mga resulta ng scores.

"Nagtaka kami na tie iyong 4, 5 and 6. Tie sila, 93.3 percent. So, pinasa na namin yung desisyon sa Executive Committee kung magdadagdag, or we have to resolve that.

“And napag-decide ng Executive Committee to add two more slots. Noong araw kasi, sampu rin ang entries ng MMFF.

“Yung types ng films, base pa lang sa trailers, wide ngayon ang choice ng moviegoers. Puwedeng bumalik-balik sa sinehan ang moviegoers dahil maraming magagandang pelikula ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyong 10 official entries, quality films lahat. Isipin niyo, out of 30 finished films, six lang ang pinili, at dikit-dikit ang kanilang scores. Ngayon lang nangyari yan na meron tayong tatlong films, exact, the same rating.

“We are glad na na-decide ng Executive Committee kanina na gawing 10 ang official entries. Mahusay itong magiging festival na ito.”

Maliban kina Atty. Artes at Papa Jesse, present sa announcement ng Final 6 ng MMFF si Atty. Rochelle Ona na executive director, at ka-Troikang Noel Ferrer na spokesperson ng MMFF 2023.

NOEL FERRER

In fairness, sinunod lahat ang proseso.

Ang MMFF ExeComm ang nagdesisyong gawing 10 ang entries at 6 ang ihahayag na approved finished films dahil tulong na rin ito ng MMFF sa mga producers.

Kapag kasi nakasama ang pelikula bilang official entry sa MMFF ay nagkakaroon ng premium para maibenta sa streaming platforms nang medyo mas mataas sa ordinaryo, pati na sa mainstream TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And on the part naman ng viewers, mas maraming choices, at mas maraming sanang gagastusan na mga pelikulang Pilipino.

Sana talaga, sa sampung pelikulang kalahok, mayroon para sa bawat miyembro ng pamilya.

Pinag-usapan din ang Parade of Stars na magsisimula sa Navotas Centennial Park tapos dadaan sa Malabon, then Caloocan, tapos magtatapos sa Valenzuela People’s Park which is 8.77 km ang haba, na puwedeng kayanin sa 3-4 hours na parada sa December 16 or 17… pero mukhang sa 17th dahil mas maluwag ang traffic kapag Linggo.

Ang awards night naman ay nakatakda na rin sa December 27.

I am very hopeful sa MMFF ngayong taon dahil maaayos ang entries na karapat-dapat ng ating suporta.

Muli, sama-sama nating buhayin at pasiglahin pa ang industriya ng pelikulang Pilipino!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) MMFF Selection Committee Chairman Jesse Ejercito, Overall MMFF 2023 ExeComm Chairman Atty. Romando Artes, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, and MMFF spokesperson Noel Ferrer.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results