JERRY OLEA
Inilunsad ang website ng Goblin Films noong Setyembre 26, 2023, at ang first presentation nila ay ang pelikulang The Last Resort na launching film ni Erin Ocampo.
Nasa cast din nito sina Paolo Paraiso, Oliver Aquino, at Rolando Inocencio. Ito’y sa direksiyon ng premyadong si Jay Altarejos.
Read: Erin Ocampo, first time nagbida sa pelikula pagkatapos ng 14 years sa showbiz
Nag-launch na sila agad-agad noong Setyembre 26 dahil auspicious daw ang petsang iyon para sa producers ng Goblin. Hopefully ay may sariling streaming app na sila by December of this year.
Read: Tapatan ng Vivamax vs. Goblin Films online streaming platforms, kaabang-abang
Ipinalabas din sa website ng Goblin Films ang mga lumang pelikulang Jino to Mari, Starlet, May Gatas Pa Sa Labi, Bubot, Mister Mo, Lover Ko, Perfumed Garden, Katawan Mo, Langit Ko, Kiskisan, Maldita, at Virgin People.
Naka-line up na bilang bagong handog ng Goblin this October ang launching film ni Long Mejia na Talpakan, with Daiana Menezes as his leading lady.
Si Jay Altarejos pa rin ang direktor nito.
Birthday presentation ni Long ang Talpakan, kung saan nahasa raw ang kanyang tari. Nilapastangan daw siya rito ng mga chikababes, na nakapagpatunay na karapat-dapat siyang tawaging Long.
Pero anong petsa na, hindi pa rin nagpapakitang-gilas ang Talpakan. Anong kababalaghan ito? Ito ba’y kabalbalan?
Read: Long Mejia, malalaman daw sa pelikulang Talpakan kung bakit "Long" ang screen name
The Long and Short of it, naglabas ng OFFICIAL STATEMENT ang Goblin Films sa kanilang Facebook page ngayong Oktubre 19, Huwebes ng umaga.
Anila: “After repeatedly applying for the payment systems available as one of their merchants, we were declined citing that our platform is a 'porn site'. We are not.
“There are other streaming platforms out there of the same genre as Goblin Films and have been approved.
“In light of this, it is with deep sadness that we are shutting down operations of Goblin Films.
“To our subscribers, we thank you for your patronage. We deeply apologize for this inconvenience. We hope that you would continue to support our artists even beyond Goblin.
“Sincerely, “Goblin Films”

First and last presentation pala ng Goblin website ang The Last Resort?!?!?!
GORGY RULA
Inilunsad ang streaming app ng AQ Prime noong Agosto 8, 2022. Sakop iyon ng Ghost Month.
Hilahod ang AQ Prime sa pagpaparami ng subscribers, at noong Setyembre 20, 2023 ay nag-stop operation ito. Pansamantala lang daw iyon para mag-overhaul at i-improve ang kanilang app.
More or less ay 150 days ang pamamahinga ng AQ Prime, kaya expectorant ang avid followers na mare-resurrect ito by February 2024.
A few days after mag-close ang AQ Prime ay ini-launch ang website ng Goblin Films. Ayaw nitong maikumpara sa Vivamax, na sabi-sabi ay meron nang 7M subscribers. Maghahatid lang daw ang Goblin ng alternative na panoorin.
Awa nina Pan, Peitho, Philotes at Priapus… wala pang isang buwan, ililibing na ang Goblin Films.
Samantalang ang Vivamax, tuluy-tuloy ang happy days.
Bubukaka na bukas, Oktubre 20, sa Vivamax ang pelikulang Haliparot tampok ang Pantaxa Grand Winner na si Aiko Garcia.
Harut-harutan din dito sina Maui Taylor, Matthew Francisco, Aerol Carmelo, at Erika Balagtas.
Ang direktor ay si Bobby Bonifacio Jr.

Sa Oktubre 22, Linggo, matutunghayan ang Episode 3 (“Surveillance”) ng anthology na Halo-Halo X, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
Kasado na rin ang streaming ng mga pelikulang Sila Ay Akin (Oktubre 27), Tuhog (Nobyembre 3), Japino (Nobyembre 3), Salakab (Nobyembre 17), at Sugar Baby (Nobyembre 24).
Sanib-puwersa sa Sila Ay Akin ang Vivamax Queens na sina Angeli Khang at Azi Acosta. Idinirek ito ng premyadong si Mac Alejandre, mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

Sa Nobyembre 19 mapapanood ang una sa apat na episodes ng seryeng Araro, tampok sina Micaella Raz, Vince Rillon, Rob Guinto, at Benz Sangalang, sa direksiyon ni Topel Lee.
Ewan kung inspired ito ng pelikulang Araro (2010) na pinagbidahan nina Paolo Rivero, Jeff Luna at Lorraine Lopez, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos. Nag-streaming sa AQ Prime ang orig na Araro.
NOEL FERRER
Ano kaya ang masasabi rito nina Direk Jay Altarejos at Oliver Aquino na nag-presscon pa para sa bonggang offering ng Goblin?
Paano na … sa mundo ni Janet, ay! Jay Altarejos pala….
