GORGY RULA
Matataas pa rin ang ratings ng mga afternoon drama ng GMA-7, base sa datos ng AGB Nielsen.
Noong Biyernes, October 20, 2023, ay nanatiling mataas ang Abot Kamay Na Pangarap na may 10.3%, samantalang ang katapat nitong Pira-Pirasong Paraiso sa TV5 ay 1.5% lang.
Ang Magandang Dilag ay 9.8%, at 1.4% naman ang katapat nitong Nag-aapoy na Damdamin.
Sumunod ang The Missing Husband na naka 6.7%. Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.6%, at ang My Roommate is a Gumiho ay 3.1%.
Consistent pa ring rater ang Family Feud na naka-10.6%.
Read: Ken Chan dismisses possible romance with 'Abot Kamay Na Pangarap' co-star Jillian Ward
JERRY OLEA
Pinakamalakas pa rin sa mga primetime series ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin. Karapat-dapat pa rin si Coco sa taguring Hari ng Telebisyon.
Nasa dalawang huling linggo na ang Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco. Tingnan natin kung tataas ang ratings nito.
Read: 'Maging Sino Ka Man' pilot episode, nag-trend sa X; 'Batang Quiapo,' panalo sa ratings
Sa Nobyembre 6 ay magpa-pilot na ang kapalit ng Maging Sino Ka Man, ang Black Rider nina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli.
Read: Ruru Madrid, excited na sa pagsasamahan nilang teleserye ni Matteo Guidicelli
Wagi ang pilot week ng Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kahit napapanood in advance ang episodes nito sa Netflix at iWant TFC. Taob ang Love Before Sunrise nina Bea Alonzo at Dennis Trillo sa Viu at GMA-7.
Nalalapit na ang pagwawakas ng Magandang Dilag. Abangan natin kung magaganda rin ang ratings ng kapalit nito na Stolen Life umpisa Nobyembre 13.
Tampok sa Stolen Life sina Carla Abellana, Gabby Concepcion, at Beauty Gonzalez.
Siyanga pala, ano na ang balita sa pagbabalik ng Wowowin ni Willie Revillame sa PTV 4 at IBC 13?
Lotlot man sa ratings ang Eat Bulaga!, Maging Sino Ka Man, at Love Before Sunrise, hindi maikakailang nangunguna pa ring TV station ang GMA-7. Napakalaki ng agwat nito sa TV5.
Sandamukal ang mga palabas ng GMA-7 na magpapakitang-gilas, kabilang ang Lovers/Liars ni Claudine Barretto, Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim, Against All Odds nina Marian Rivera at Gabby Concepcion, at Lilet Matias: Attorney-At-Law ni Jo Berry.
Andiyan din ang Asawa Ng Asawa Ko nina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz; Shining Inheritance nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Coney Reyes; Makiling nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio; Sang’gre: Encantadia Chronicles, at iyong pagbabalik-TV ni John Lloyd Cruz.
Read: John Lloyd Cruz pabalik na sa GMA-7
NOEL FERRER
Sa weekdays, aabangan natin kung ipagpapatuloy ang It’s A Lucky Day kahit tapos na ang It’s Showtime suspension.
May cast reveal din ang Sang’gre: Encantadia Chronicles. Magiging kasinlakas ba ito ng orig na Encantadia? Sana.
Tapos, tututok pa rin ba ang mga tao sa TV kahit naka-long vacation sila sa Undas? Aabangan natin ito!
