PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coach Stell's Talents: Voice Generations Sing-off

The Voice Generations naungusan sa ratings ang KMJS.
by PEP Troika
Published Oct 24, 2023
stell ajero the voice generations
Coach Stell Ajero's talents had a sing-off on the October 22, 2023 episode of 'The Voice Generations.'
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tila tinutukan ng A'TIN, tawag sa fans ng SB19, ang The Voice Generations noong Linggo, October 22, 2023, dahil mataas ang rating nito.

Ito kasi yung episode na kung saan nag-sing-off ang talents ni Coach Stell sa kanyang grupong Stellbound.

Read: Stell Ajero, napatunayan ang popularidad sa 'The Voice Generations'

Magagaling ang talents na nakuha ni Stell kaya nahirapan itong pumili kung sino ang tatanggalin. Mabigat para sa kanya ang desisyong tanggalin ang mag-inang Imperial Duo.

Nakapagtala ng 13.1% rating ang The Voice Generations, habang 6.6% naman ang katapat nitong Everybody Sing.

Ito na huling sing-off ng talents ng apat na coaches (Billy Crawford, Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at Stell Ajero) kaya mas mainit ang labanan nito sa mga susunod na episodes.

Ang suwerte ni Dingdong Dantes na host ng The Voice Generations dahil pagkatapos ng toprater niyang Royal Blood, mataas pa rin ang iba pang programa sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumalik na ang Family Feud, ang game show na hinu-host din ni Dingdong, at na-maintain nito ang mataas na rating.

Espesyal ang episode ng naturang game show bukas, October 25, dahil child stars ng Sparkle GMA Artist Center ang maglalaro.

Maglalaro rito ang team ni Raphael Landicho, si Little John ng Voltes V; kasama sina Juharra Asayo, Ethan Harriot, at Cassandra Lavarias, na tinawag nilang The Cutie Crew.

family feud

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makakalaban nila ang team Little Charmers na pangungunahan ni Sienna Stevens, ang anak ni Dingdong sa Royal Blood. Makakasama ni Sienna sina Euwenn Mikaell, ang anak ni Alessandra de Rossi sa GMA Pictures MMFF 2023 entry na Firefly; Arhia Faye; at Franchesco Maafi.

family feud

Sobrang nakakaaliw raw ang bardagulan ng celebrity kids na naglaro sa episode na ito. Ngayon lang ito ginawa sa lahat na franchise ng Family Feud, at mukhang nagustuhan daw ng Freemantle itong Kids edition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Parang may future nga at may puwedeng pasikatin dito sa The Voice Generations. Sana, mabigyan pa sila ng ibang platforms para sumikat, makilala, at kumita.

Yung mga sumali at nanalo sa Battle of the Judges, sana’y mapasikat at ma-hone pa ang kanilang talent.

Iyan kasi ang sukatan ng success ng isang talent search, hindi lang sa ratings habang ginaganap ang kumpetisyon, kundi kung paano nila i-navigate ang buhay-propesyunal pagkatapos ng kumpetisyon. Kaya after the contest, halos equal footing na sila!

Kaya good luck sa mga bagong discoveries!!!

JERRY OLEA

Dati-rati ay namamayagpag tuwing Sunday ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Pero nitong nakaraang Linggo, kinabog ito ng The Voice Generations.

Pababa nang pababa ang ratings ng KMJS. Pinagsasawaan na ba ito ng mga tao? Kailangan na ba nitong mag-reformat? Itatampok kaya rito eventually si Vice Ganda?

Huwag sanang dumating ang panahong mas mataas pa ang rating ng Bubble Gang kesa sa KMJS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa tayo sa magandang ratings ng mga programa ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Kaya lang, bakit kaya hindi pa pumapasok sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nila ni Marian Rivera?

Narito ang ratings ng iba pang mga programa noong Linggo, October 22...

Ang All-Out Sundays ay 4.1%, at ang ASAP Natin 'To ay 2.5%.

Nagkadikit naman ang GMA Blockbusters na naka-3.8% sa FPJ Da King na naka3.9%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-3.7%, at ang Resibo ay naka-5.2%.

Pagdating ng primetime ay naka-8.3% ang 24 Oras Weekend, at 1.7% naman ang TV Patrol.

umunod ang Sparkle U na naka-9%, at ang katapat nitong Tao Po ay naka-2.8%.

Ang Bubble Gang naman ay naka-10.2%, at pagkatapos ng The Voice Generations, sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-12%, at replay episode naman ang The Boobay and Tekla Show na naka-2.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coach Stell Ajero's talents had a sing-off on the October 22, 2023 episode of 'The Voice Generations.'
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results