PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid's Grateful Reunion with Mentor

Ruru, sobrang tuwa rin sa pagkikita nila ni Coco Martin
by PEP Troika
Published Oct 28, 2023
Ruru Madrid
Ruru Madrid, sobrang tuwa dahil nagkita muli sila ng kanyang Protégé mentor na si Phillip Salvador: "Actually, nagkita po kami ni Tatay Ipe sa isang event. Tapos, niyakap po niya agad ako. Sinabi po niya sa akin na sobrang proud daw po siya sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Sandali naming nakatsikahan si Phillip Salvador sa birthday party ni Annabelle Rama.

Nabanggit niya sa aming maggi-guest siya sa bagong action-drama series ni Ruru Madrid na Black Rider na magsisimula na sa GMA Telebabad sa November 6.

Nagkita raw sila ni Ruru sa ipinatawag na meeting ni Sen. Robin Padilla sa Senado para mapag-usapan ang Eddie Garcia bill.

Sobrang proud daw si Phillip sa 25-year old Kapuso actor dahil tama raw ang nakikita niya kay Ruru na may potential itong maging big star, kaya personal niyang pinili ito sa talent-search ng GMA-7 na Protégé.

Sabi ni Ruru, sobrang tuwa siya nang magkita sila ni Phillip.

"Actually, nagkita po kami ni Tatay Ipe sa isang event. Tapos, niyakap po niya agad ako. Sinabi po niya sa akin na sobrang proud daw po siya sa akin.

"Ahhh, ang layo na raw ng narating, ‘Pero lagi mong tatandaan, na huwag na huwag kang magbabago.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sabi niya sa akin, ang paggawa ng action, okay yan, gawa ka ng matitinding action, matitinding fight scenes. Pero huwag na huwag mong pababayaan yung puso, kung bakit ka nakikipaglaban, which is yung drama.

"Si Tatay Ipe, kilala po natin na bukod sa mahusay pagdating sa mga fight scenes, pagdating sa pagbaril, mahusay din po siyang aktor. At isa po siya sa sobra kong tinitingala, pagdating po sa industriyang ito," kuwento ni Ruru sa media conference ng Black Rider na ginanap sa German Moreno Studio ng GMA-7 nung Biyernes, October 27.

Bukod kay Kuya Ipe na may cameo role sa Black Rider, suportado rin si Ruru ng mga kilalang aktor na nakilala rin sa action at drama na sina Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Raymond Bagatsing, Isko Moreno, Gary Estrada, Roi Vinzon at Monsour del Rosario.

NOEL FERRER:

Very memorable kay Ruru ang meeting na yun para sa Eddie Garcia Law dahil nagkita rin daw sila roon ni Coco Martin na napakabait daw sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Ruru, "Nagkita po kami dun sa same event kung saan po kami nagkita ni Tatay Ipe, ni Sen. Robin.

"Eksakto nandun din po si Sir Coco, nilapitan ko po siya para magpakilala po ako, dahil sobrang taas po ng respeto ko sa kanya. Sobrang taas po ng paghanga ko sa kanya.

"Hindi pa po ako nag-artista, talagang nanonood na po ako ng mga teleseryeng ginagawa niya. That's why I'm very happy na nakita ko po siya nung gabing iyun.

"Nagpakilala ako, sinabi ko, 'Sir Coco, ako po si Ruru Madrid, galing po ako sa GMA, isang malaking karangalan po na makilala kita.’

"And then ang sagot niya lang sa akin, 'Ano ka ba! Ako nga dapat magsabi niyan, malaking karangalan na makilala kita. Napapanood kita sa GMA, nakikita ko yung mga ginagawa mo, yung efforts mo.’

“Sabi niya, 'Ipagpatuloy mo lang yan, totoo nga niyan, naghahanda na kami,’ gumanun siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, yumakap po siya nang mahigpit. Ang sinabi niya sa akin, 'Ipagpatuloy mo lang yan, nakikita ko ang pagiging makatao mo. Tuloy mo lang yan.’

“Sobrang na-appreciate ko po yun, dahil isa po siya sa mga tinitingala ko pong artista sa industriyang ito."

Katulad ng nauna kong nasabi na, given the right projects and the adequate push, sana mas lumawak pa ang mass base ni Ruru dahil isa siya sa mga major stars at mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon.

JERRY OLEA:

Nahihiya raw si Ruru kapag sinasabi sa kanyang ang Lolong niya ang nagpatumba sa FPJ's Ang Probinsyano.

Nagkataon lang daw na ang drama series niya ang katapat noon ng teleserye ni Coco nang magtapos na ito.

"I wouldn't say na ang Lolong po yung nagpatumba sa Probinsyano. I mean, siyempre ang tagal nilang umere for seven years. Siguro, na-timing lang din na nung time na yun na kami po yung umeere," pakli ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon sa Black Rider, ang FPJ’s Batang Quiapo naman ni Coco ang makakatapat nito.

Aminado siyang nandiyan ang pressure, pero hindi na raw niya iniisip ang kumpetisyon.

Ang mahalaga ay nabibigyan daw nila ng saya ang mga manonood.

"Siyempre po may pressure," bulalas ni Ruru.

"Of course, lahat naman po tayo gustong maging successful po yung mga projects po na ginagawa natin. But for me, more than anything else, yung makapagbigay po ng magandang programa sa mga manonood, mas nakatutok po ako dun.

"Ahh… I mean as an actor, my goal is to entertain people. So, dun po ako mas naka-focus, rather than competing or ma-pressure sa mga bagay."

Inilalampaso ng FPJ’s Batang Quiapo sa ratings ang Maging Sino Ka Man. Tingnan natin kung makakasilat ang kapalit ng BarDa series na Black Rider.

Ang co-star noon ni Ruru sa Lolong na si Christopher de Leon ay nasa FPJ’s Batang Quiapo. Totoo ba na marami sa mga artista noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ang nasa Black Rider naman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaabang-abang kung gaano kalaki ang role ni Jon Lucas sa Black Rider kumpara kina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman at Katrina Halili.

Sa recent mediacon ng MMFF 2023 official entry na When I Met You In Tokyo, inusisa si Vilma Santos kung may offer na ba sa kanya na mag-guest sa FPJ’s Batang Quiapo.

Ilang sandali na tikom ang bibig ng Star for All Seasons at ang natatawang sabi, “Smile lang ang maibibigay ko. Smile lang ang maibibigay ko sa inyo diyan!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid, sobrang tuwa dahil nagkita muli sila ng kanyang Protégé mentor na si Phillip Salvador: "Actually, nagkita po kami ni Tatay Ipe sa isang event. Tapos, niyakap po niya agad ako. Sinabi po niya sa akin na sobrang proud daw po siya sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results