PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Cheating Game, Can't Buy Me Love, number one sa Netflix PH Top 10

Pinoy movie at teleserye, umaariba sa Netflix PH Top 10
by PEP Troika
Published Oct 28, 2023
The Cheating Game
Ang pelikulang The Cheating Game nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose at ang TV show na Can't Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kasalukuyang nangunguna sa Netflix PH Top 10 Movies and TV shows ngayong last week of October 2023.

JERRY OLEA:

Nanguna sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ang pelikulang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose.

Julie Anne San Jose

Nananatiling number 1 sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix ang seryeng Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Donny Pangilinan
Belle Mariano

Belle Mariano
Donny Pangilinan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Donny Pangilinan
Belle Mariano

Donny Pangilinan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Opo, mga Ka-JulieVer at Ka-DonBelle! Parehong gawang-Pinoy ang umaariba ngayong Oktubre 28, Sabado sa talaan ng most watched movies and TV shows ng Netflix.

Huling nangyari iyon ay noong Abril 27-29, 2023, na nanguna ang pelikulang Hello Universe ni Janno Gibbs, at ang seryeng Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, David Licauco, at Julie Anne San Jose.

Wala nang ibang instance this year na parehong locally made ang nasa pangunahing puwesto ng Top 10 Movies at Top 10 TV Shows sa Netflix PH.

May isa pang pelikulang Pilipino sa Top 10 Movies today, ang Halik Sa Hangin (2015) nina Gerald Anderson, Julia Montes, at JC de Vera.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — The Cheating Game, Burning Betrayal, The Possession of Hannah Grace, Gemini Man, Old Dads, Ballerina, Nowhere, Halik sa Hangin, The Dictator, at Face Off 5 48H.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Can’t Buy Me Love, Doona!, Strong Girl Nam-soon, Life On Our Planet, Spy x Family, Young Sheldon, The Apothecary Diaries, Lupin, Jujutsu Kaisen: Shibuya Incident, at Get Gotti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmalaki ng GMA Public Affairs sa socmed na kasama sa “Trending Now” sa Netflix PH itong The Cheating Game.

As we write this, 75 pelikula at TV show ang nasa “Trending Now” list. Nasa talaan din ang Sleep With Me nina Lovi Poe at Janine Gutierrez, Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Maria Clara at Ibarra, 2 Good 2 Be True ng KathNiel, at Halik Sa Hangin.

Lovi Poe
Janine Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naligwak na sa listahan ng Top 10 Movies sa Netflix PH ang Love Me Tomorrow nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual, maging ang Keys to the Heart nina Zanjoe Marudo, Elijah Canlas, at Dolly de Leon.

Waley na rin sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ang Jose & Maria’s Bonggang Villa. Three consecutive days lang ito sa Top 10, at nag-peak sa 8th place.

GORGY RULA:

Magandang pelikula ang The Cheating Game. Sabi nga ng iba, pang-Netflix talaga ito, at dito ang audience ng naturang pelikula.

May ilang film productions pa rin na alam na nila ang nababagay na pang-streaming service. Kaya hindi na nila hinahangad na magkaroon ng cinema release.

May ilang pelikulang naligwak sa Metro Manila Film Festival na nakikipag-deal na sa ilang streaming services kagaya ng Netflix at Prime Video. Iyun na ang fallback nila.

Ang dinig ko, hindi na talaga hinabol ng Mavx Productions na i-submit sa 49th MMFF ang pelikulang A Journey nina Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa nilang pinaganda, in-assure na makuha ang magandang kanta para gamitin sa pelikula, at saka nila kinonsider na ibigay sa ilang streaming services.

Nakita ko ang ilang magagandang tagpo ng pelikula, bagay talaga siyang pang-Netflix Originals.

NOEL FERRER:

Masaya ako sa GMA Public Affairs team na ang kanilang pelikulang The Cheating Game, bagama’t di gaanong kumita sa takilya ay Number 1 naman sa Netflix.

Siguro nama’y nakabawi sila sa kanilang Five BreakUps and A Romance na patuloy na kumikita pa sa box office.

At magtuluy-tuloy na sa darating na Pasko sa kanilang MMFF 2023 entry na Firefly.

Lessons are learned, tuloy lang sa paglikha.

Hangad natin ang tagumpay ng ating creators saan mang platform ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pelikulang The Cheating Game nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose at ang TV show na Can't Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kasalukuyang nangunguna sa Netflix PH Top 10 Movies and TV shows ngayong last week of October 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results