GORGY RULA
Ngayong Martes, October 31 ang lipad ni Michelle Dee patungong Los Angeles, California, USA.
Doon siya manggagaling papuntang San Salvador, El Salvador, kung saan gaganapin ang 72nd Miss Universe sa November 18, 2023.

Handang-handa na si Michelle sa kanyang pag-alis at isa sa ipinagmamalaki niya na dapat daw abangan ay ang isusuot niyang evening gown na gawa ni Mark Bumgarner.
Dala ni Michelle ang kanyang advocacy on Autism Awareness, pero bukod pa roon ay suportado niya ang cause ng mga LGBTQIA+ kung saan ay bahagi rin siya ng naturang community.
Sabi ni Michelle sa media conference na ginanap sa Novotel nung nakaraang linggo, "I've been very vocal about my support of course sa LGBTQIA+ community that I'm a part of, and as well as mental health and women empowerment. Those are a lot of the causes that I would love to advocate as well.
"I mean Miss Universe is an amazing platform, and has so much phase to voice out all of the concerns and the issues that surround us."
Kaabang-abang ang laban niya sa November 18 para sa naturang titulo, pero ang isa sa looking forward si Michelle ay ang pagsisimula ng bagong buhay niya simula ng November 19.
Walang makapagsabi kung ano ang bagong buhay na tatahakin niya pagkatapos ng kumpetisyon.
"November 18 is the coronation night, but November 19 is day one of whatever life has in store for me. It's day one of the start of an amazing journey," saad ng Miss Universe Philippines 2023.
Kung ano man ang haharapin niya pagkatapos ng Miss Universe 2023, maraming dapat ipagpasalamat si Michelle. Simula sa kanyang pamilya, sa mentors niya at mga coach, sa mga malalapit na kaibigan, sa kanyang glam team, mga supporters, sa Sparkle ng GMA Artist Center na siyang nagma-manage sa kanyang showbiz career.
Special mention niya ang Sparkle na hindi bumitaw sa kanya at todo ang pag-asikaso sa nalalapit niyang laban sa Miss Universe 2023.
Nangako raw si Rhian Ramos at Cong. Sam Versoza na dadalo sa Miss Universe sa El Salvador.
Darating din doon ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mommy, si Melanie Marquez na "super stage mom" ang pagka-describe niya.
"Very stage mom. Siya pa ang unang makipag-away kapag hindi niya gusto ang kalabasan. My mom, she is my biggest fan but also my biggest critic.
"Ever since I was young, she is already molding me to have the proper mindset. And when I say molding me, it's not just about drama. She never forced me to go into pageantry. She never forced me to get into show business.
"But as a young girl, I saw how she used her platform to really get back, to really walk the talk. To really use her voice. Because, I mean you all know that she's very iconic.
“She uses that influence to instill positive change, which is amazing. That's why I was really involved in charities at such a young age, and grabe! She's a super stage mom! Super loving, super supportive, and whatever happened she'll be proud of me," pahayag ni Michelle.
NOEL FERRER
Tanggap na rin ni Michelle kung ano ang mga opinyon at sasabihin ng mga tao sa laban niya sa Miss Universe 2023.
Ang mahalaga ay lumaban siya dala ang bandera ng Pilipinas at ang pag-asang makuha niya ang panlimang korona ng Miss Universe.
"I never discredit the opinion of other people because we all have the right to one. But my mindset is always to trust my core, to trust the people who really want the best for me and share the same passion.
"You know I'm flying to El Salvador from L.A . alone, but I carry with me the pride of our nation, the beautiful country of the Philippines. The beauty, the hospitality, and I really hope to be the best representative of that."
Good luck, Michelle!!!
JERRY OLEA
Walumpo’t anim (86) ang mga kandidata sa 72nd edition ng Miss Universe.
Dalawa sa mga ito ay transgender women, sina Rikkie Valerie Kollé ng Netherlands, at Marina Machete ng Portugal.
Matatandaan na si Ángela Ponce ng Spain ang unang transgender na kalahok sa Miss Universe noong 2018.
Dalawa ring ina at may-asawa ang kasali sa darating na Miss U—sina Maria Camila Avella Montañez ng Colombia at Michelle Cohn ng Guatemala.
Nakatakda sa Nobyembre 15 ang preliminary competition, samantalang sa Nobyembre 16 ang national costume competition.
Sa unang pagkakataon ay kalahok sa Miss Universe ang bansang Pakistan.
Ang kinatawan ng Pakistan ay si Erica Robin, who is turning 25 years old on November 8.
Ipapalabas ng ABS-CBN ang 72nd Miss Universe sa iba’t ibang platform kabilang ang A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 19, Linggo, simula 9:00 am.
Performer sa timpalak si John Legend.
Kanino kaya ipapasa ni 71st Miss Universe R'Bonney Gabriel ng USA ang korona?
Maaaring mapanood ang same-day replay nang 9:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel sa pamamagitan ng Sunday’s Best, Metro Channel, at iWantTFC.
Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.
